Saturday, September 29, 2012

Carlito 22

Naunang dumating si Lucas sa kanilang bahay. Maayos pa rin naman ang dinatnan niya. Doon naman sila talaga magkasundo ni Carlito, sa pag-aayos ng bahay. Pumasok siya sa loob ng kwarto. Naamoy niya ang pamilyar na langhap ng kwarto, ang amoy ni Carlito. Ngunit bago siya malibang sa mga ala-ala, tinandaan niya ang pakay niya. At bumalik muli ang galit.

Tinignan niya muna ang cabinet niya, at tinabi ang mga damit na dadalhin niya sa Cebu pag-uwi. Hindi niya mahanap ang isang belt na gusto niyang suotin. Napunta siya sa mga gamit ni Carlito upang maghanap. Dun niya napansin na magulo rin pala ang mga gamit niya. Ang mga maruruming damit ay nakasalampak lang sa isang tabi, natatago lang ng isang twalyang mukhang gamit na. Hindi niya alam kung saan nanggaling, ngunit parang may kumakabog sa dibdib niya habang sinisiyasat niya ang mga gamit. Inangat niya ang twalya, basa pa. At sa pagkaka-angat, may nahulog na isang bagay. Isang bagay na mukhang pamilyar - pakete ng condom, may punit sa isang tabi. Nagamit na.

Umakyat ang dugo sa kanyang ulo. Nagbakasali siya at tinignan ang basurahan sa loob ng banyo. At dun niya nakita ang nagamit na condom. Napailalim siya ng galit at diri.

'Hindi lang pala ako ang may ginagawa. 'Tang ina' Naglaro ang kanyang utak. 'Sino kaya eto? Hada lang? O may kabit rin etong bwisit na 'to? May gana pa siyang manakot kay Pao at kay Emily!'

Pumunta siya sa kanyang aparador at kinuha ang maleta. Tinamabak ang mga damit, mga gamit na naiwan pa niya. Hinalungkat na rin niya ang iba pang gamit sa labas. Dadalhin niya ang kaya niya. Uuwi siya agad sa probinsiya. Hindi na niya hihintayin si Carlito.

Ngunit habang nag-eempake na siya, bigla na lang niyang narinig bumukas ang pinto sa baba.

"Babe? Luc? Nandiyan ka ba?" Narinig niya ang tinig ni Carlito.

"Nandito ako sa kwarto." Sinagot na niya.

Dali-daling pumasok si Carlito sa kwarto. Pumasok na nakangiti. "Babe! What a surprise!" Ngunit nung nakita niya ang maleta, ang mga gamit na nasa loob, bigla siyang natigilan at nawala ang ngiti.

"What's this, Luc? Kararating mo pa lang. What are you doing?" tanong ni Carlito habang nakatayo sa bungad.

"Fuck you, Carlito!"

"What? What are you so mad about?" Tumaas na rin ang tono ni Carlito.

"Shit you! Pucha, dito mo pa dinadala ang mga kinakantot mo!" sigaw ni Lucas.

"Tang-ina mo! Ano bang pinagsasabi mo?"

Biglang kinuha ni Lucas ang napunit na pakete ng condom.

"Gago! ETO! Mag-mamaangmaangan ka pa! TARANTADO KA!

Natahimik si Carlito. At nag-umpisang gumilid ang luha.

"Fuck you! Ikaw pa ang may ganang magalit! Pucha, masahista lang yan! EH IKAW! NAGMAMALINIS KA PA! EH KUNG SINU-SINO KAYANG KINALANTARIN MO SA CEBU!"

"OO! Alam kong alam mo! Kasi may topak ka talaga! Tinatawagan mo pa! Tinatakot mo pa! Kung di ba naman may sayad ka! Anong magagawa mo sa kanila? HA? Nandito ka sa Maynila! Gago ka talaga!"

"IKAW ANG GAGO! Ang kapal ng mukha mo talaga! Ako na nga ang niloko mo, ilang beses! KAHIT PUKE PINATULAN MO! Ikaw pa ang nagmamalaki!"

"TAMA KA! Ako ang nagmamalaki! Kasi SAWANG-SAWA NA AKO SA KAGAGUHAN MO!"

"AKO DAPAT ANG NAGSASABI NIYAN! Nang mabasa ko yung bwisit mong cellphone at yung messages nung putang baklang yun! WALA KANG KARAPATAN MAGSAWA!"

"WELL DE IKAW NA! IKAW NA ANG MAGSABING AYAW MO NA! SIGE IBIBIGAY KO NA SA IYO ANG HULING SALITA!"

Nag-umpisa ng umiyak si Carlito. "Fuck you, Lucas! Fuck you! "

"AYOKO NA SA IYO! TAPOS NA 'TO!" sigaw ni Lucas kay Carlito. At tinapos niya ang pag-eempake.

"Where are you going? LUC, WAG KANG AALIS DITO! DON'T YOU DARE WALK OUT ON ME!"

"Fuck you! May sayad ka talaga!" At binitbit na niya ang kanyang maleta.

"SABI KO, WAG KANG AALIS!" At bigla siyang sinungaban ni Carlito. "PAPATAYIN KITA! TANG-INA MO!"

Nahulog sa sahig si Lucas. At tinuloy ni Carlito ang pagsunggab sa kanya. Nahablot niya sa kwelyo ang T-shirt ni Lucas at napunit. Lumalayo sana si Lucas sa mga kamay ni Carlito. Ngunit natamaan pa rin siya ng isang suntok sa pisngi.

Nasangga ni Lucas ang sunod na pagsuntok. Ngunit dumiretso na sa leeg niya ang mga kamay ni Carlito upang sakalin siya. Dun pa lang siya napatingin sa mga mata ni Carlito. At dun pa lang siya nakakita ng mga matang na handang pumatay ng tao.

Inaawat niya sana si Carlito gamit ang kanyang kanang kamay. Sinasangga niya sa baba ang kanyang kamay. At bigla na lang kinagat ni Carlito ang hinlalaki ni Lucas.

"ARAY!" ang sigaw niya habang madiin na kinakagat ni Carlito ang daliri. Natulak niya si Carlito gamit lahat ng lakas niya. At natanggal na rin siya at humilata sa sahig. Susunggab pa sana si Carlito ngunit naramdaman ang panghihina. Napansin ni Lucas na hindi na makahinga si Carlito ng maayos. Inaatake na siya ng asthma.

Pero tuloy-tuloy ang iyak, ang hagulgol kahit hirap ng huminga.

"Fuck you, Luc. Fuck you." malalim na malalim na ang hininga niya.

"Nasaan ang inhaler mo?" tanong ni Lucas. "Saan nakalagay?" Nagpanic na siya dahil nakita niyang umiitim na ang labi ni Carlito.

Tinuro na lang ang drawer sa tabi ng kama. Madaling kinuha ni Lucas ang inhaler at binigay kay Carlito. Inalalayan niya ang paghigop ng pang-asthma na gamot. Tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha.

"Wag mo akong iwan, Luc. Please. Mamatay ako."

Niyakap niya si Carlito habang humahagulgol. "Shhh. Hindi ako aalis. Wag ka ng umiyak. Shhhhh" Unti-unting tumahan ang pag-iyak ni Carlito. Pinatayo niya at dinala niya sa kama upang makahiga ng maayos.

"I'll get you water."

"Wag mo akong iwan, Babe."

"No, I won't. I'll just get water for you, okay?"

Pumunta siya sa kusina at napadaan sa malaking salamin sa harap ng dining table. Dun lang niya napansin ang punit niyang T-shirt. At ang nangigitm niyang daliri dahil sa pagkaka-kagat ni Carlito.

Kumuha siya ng tubig sa baso at bumalik sa kwarto. Pinaupo si Carlito upang mainom ng tama ang tubig. Hindi na siya umiiyak.

"Babe, masahista lang yun..."

"Wag ka ng magsalita. Magpahinga ka."

"Please, wag kang aalis."

"Hindi, hindi nga."

"Tanggalin mo na ang mga gamit mo, Babe."

"Yes, magpahinga ka muna. Dito lang ako."

Nahiga si Carlito at pumikit. Mukhang gumaang na ang paghinga. Ngunit naririnig pa rin niya ang tunog na parang may pusa sa loob ng baga niya.

Binantayan niya sa pagtulog si Carlito. At habang natutulog na, ibinalik niya ang gamit sa aparador.

Dun pa lang niya naramdaman ang sakit rin ng sarili niyang katawan. Tumabi siya kay Carlito at nahiga na rin.



- Posted using BlogPress from my iPad

1 comment:

aboutambot said...

familiar scene. scary.