Monday, September 17, 2012

Carlito 21

Tamang-tama ang timing, naisip ni Lucas. Pinapunta siya ng boss niya sa Manila para sa meeting. Pagkatapos ng meeting uuwi muna siya upang harapin si Carlito. Ilang araw na rin niyang kinikimkim ang galit sa kanya. Naghahanap siya ng tamang tiyempo. At sa wakas, dumating na din. At hindi niya sasabihan si Carlito ng kanyang pagdating.

"Hello kapatid!" pambungad niya kay Tere.

"Uy! Si Lucas na loka-loka!" ang tili ni Tere sa telepono!

"Shhh! ang lakas ng boses mo, bruha!" sabay hagikhik si Lucas.

"Naku! Ano ng nangyari sa iyo? Ang dami mong utang sa akin!"

"I know! Sus! Ang drama ng buhay ko. Wait, na-book mo na ba ang flight ko sa Manila?"

"Naman! Na email ko na yung ticket sa iyo."

"Great. Ipaalam mo naman ako kay Bossing. Pagkatapos ng meeting, mag-leave ako."

"Ganun? Sabagay parang wala ka pa ngang VL."

"Bisita ako kay Nanay. Nagtatampo na."

"Fine. Ipaalam kita. Pero magfile ka pa rin ng form agad."

"Yeah, yeah. Mga 3 days ang VL ko ha?"

"Ay, tawag ako ni Boss! Basta magkita tayo at ibulatlet mo ang kwento! Bye"

Dumiretso sa opisina si Lucas, mula sa airport. Wala pa ring kaalam-alam si Carlito na na narito na siya sa Manila. Inalala niya ang kanilang mga usapan nungmga nakaraang araw. Di na sila madalas mag-usap. Pa-text-text na lang. Sinasadyang huwag tumawag kung di naman importante. Dahil baka kung ano lang ang masabi niya sa galit. Ngunit napansin rin niyang kahit naman si Carlito ay hindi na rin gaanong tumatawag.

Matagal ang meeting. Buron sabon ang inabot nila mula kay Boss Von. Lahat kasi, tagilid sa performance. Lahat sablay. Mainit na ang ulo ng management. Kahit siya, dating star performer, ay napag-initan.

"You've lost two key people sa district mo, Luc. What's happening there?" Magpapaliwanag sana siya ngunit barado agad. Namumula na lamang siya sa isang tabi.

Ang laking ginhawa nung matapos rin ang meeting. Niyaya niya agad si Tere mag-dinner muna.

"Day, haggard ang itsura mo. Ganun ba kahirap ang benta sa Visayas?" eto ang concerned na tanong ni Tere.

"Sabay-sabay nangyayari. Mahina na ang benta. Nagkakaleche-leche pa ang buhay ko."

"Huh? Bakit?"

"Tere, nakabuntis ako."

Halos mabilaukan si Tere sa narinig niya. Nasamid at naubo at napainom ng Coke Zero. Hindi makapagsalita kaya tinuloy na ni Lucas ang kuwento sa nangyari sa kanila ni Emily.

"Sus ko! Napakahaliparot pala nung babaeng yun! Sigurado ka bang sa iyo yun?"

"I have to take her word for it. Di pa naman ako pwedeng magpa-DNA di ba? Ngunit di pa yun ang katapusan, kapatid." at isinalsay na ni Lucas naman ang pagtawag ni Carlito kay Emily.

"Oh my gulay! Nakakatakot pala yang jowa mo. Sabagay, sa mga kwento mo palang nun eh parang sobrang possessive niya."

"Di pa tapos, Tere."

"Ano? May iba pang kwento? Teka muna, lumipat tayo ng lugar.". Nagbayad sila at napadpad sa Starbucks.

"May isa pang character sa telenovela ko." At tinuloy na niya ang kuwento tungkol kay Paolo.

Natapos na rin ang kuwento hanggang sa pagtawag ni Carlito kay Paolo.

"Kapatid, di ko alam kung paano magreact sa kuwento mo. Sa loob ng maikling panahon ay nagawa mong guluhin ang buhay mo ng sobra-sobra."

"I know. Sabi ko sa iyo, sabay-sabay lahat."

"So hindi mo pa nasasabi kay Carlito na alam mo na ang pinaggagawa niya."

"Hindi. Well, kaya rin ako nagleave. Ngayon gabi ko i-confront siya. Hindi ko alam kung ano ang pahihinatnan ng pag-uusap namin."

"Kapatid, hindi pag-uusap yan. World War III yan."

"Malamang. Bahala na. Ayoko na, Tere."

"Anong ayaw mo na?"

"Etong gulong eto. I don't need this in my life right now. I have to be focused on work."

"Kapatid, huwag kang gagawa ng mga desisyon na pagsisisihan mo."

"Ewan ko. Bahala na."


- Posted using BlogPress from my iPad

1 comment:

Anonymous said...

Kapal ng mukha mo, Lucas! @℉℉3€+3D Mu€H