Friday, November 27, 2009

kakaibang crush ni cc

crush ko siya. di naman sa unang pagkakita. nakakatrabaho ko siya. supplier ng opisina, isang ahente. madalas kaming magkita dahil nagprisinta siya ng mga produkto para sa amin. nung umpisa, may pagka-antipatika pa nga ang dating niya sa akin. tisay na tisay kasi. pero sa katagalan, natutuwa ako pagmagkikita kami. inaabangan ko ang mga sandaling iyon. sa totoo lang, kagandahan naman talaga siya. ang lahat ay napapalingon at muling napapalingon.

ang aming pakikipagsalamuha dati ay strictly professional lang. walang personalan. pero nung isang gabi, nagkaroon ako ng pagkakataong makipagkwentuhan sa kanya, dahil may isang pagdiriwang sa opisina. imbitado ang mga supplier. duon ko pa lang siya nakausap ng may pagka-personal. ang pamilya niya... ang naging kurso niya, atbp.

inaamin kong kinilig ako habang kausap ko siya. nakakapanibago ang pakiramdam. ngunit takot pa rin akong magpahiwatig ng maski anong damdamin. kliyente pa rin niya ako. boss pa naman ako sa kumpanya. at siya'y batang-bata pa.

madalang lang ako makaramdam ng ganito. bilang na bilang ang mga naging crush kong babae. ang paghanga ko sa kanya ay di lamang dahil gusto ko siyang ayusan at bihisan. sumagi na rin sa isip ko na siguro, ang sarap na madampian ng labi ko ang kanyang mapulang labi. at haplusin ang kanyang mala-kremang kutis.

kakaiba nga eto. at alam kong di rin tatagal. at kahit tunay man ang aking paggiliw, di ko rin maaaring ipahiwatig. napakaraming balakid, unang-una na rin diyan ang aking pagiging plu.

yun lang.

3 comments:

Quentin X said...

Eeeeeeewwwww! Fleeting lesbian moment?

Ming Meows said...

normal lang humahanga pero wag kang tumawid sa kabilang bakod. kakaunti nga lang tayo tapos mababawasan pa. sayang naman.=)

closet case said...

fleeting, yes.

actually, m_m. dumarami tayo...