Saturday, March 6, 2010

kababalaghan ka talaga

di naman kita mapapansin kung di ka daan ng daan sa bintana. marahil, mananatili ka lang isang gwapo sa paligid. pero nauna ka kasing magpapansin. kaya napansin kita. pero bakit nga ba daan ka ng daan dun? ano ba ang pinupuntahan mo? kasi nung dinaanan ko yun, parang wala namang papupuntahan. at mula ng nagkakilala tayo, bakit di ka na dumaan muli?

akala ko ba negosyo at trabaho ang pakay mo at gusto mo akong makilala? bakit hanggang ngayon, ni isang proposal wala ka ng pinadala? patuloy naman ang ating pag-uusap ngunit di mo na nababanggit ang trabaho? eh para kasing atat-na-atat kang makakuha ng negosyo nung umpisa. ang weird mo.

mukha namang marami kang kaibigan. at sabi mo nga, super family man ka. nakakapagtaka lang na sa dami ng tao sa atin, ako yayain mong mag-lunch o uminom ng kaunti. kasi, parang wala naman tayong things in common. (well, pareho pala tayong tumatakbo) yet parang gusto mong makipagkwentuhan. talagang bang kailangan mo ng kaibigan at ako ang napili mong kaibiganin? i mean, ako, a single guy?

sa mga labas natin, ikaw lagi kong pakukuwentuhin. kasi, masaya rin naman ang mga kwento mo tungkol sa pamilya mo. and you should really be very proud. wag mo ng asahan magkukuwento ako. kasi di ko ata kakayaning aminin sa iyo ang tunay kong pagkatao. di pa rin kita kilala. di ko pa rin alam kung anong gagawin mo kung malaman mo. pero sa totoo lang, alam mo naman na, di ba? sana nga sabihin mo na lang diretso na alam mo para mas maging comfortable ako sa iyo.

oo, talagang crush kita, hanep naman kasi ang gwapo mo. pero kaya ko namang maging magkaibigan lang tayo, dahil straight ka at pamilyado. pero sa totoo lang, naguguluhan pa rin ako kasi sa iyo. kasi parang di normal ang takbo ng ating pagkakaibigan. at least not with the way i know straight guys do it.

hay sumasakit lang ulo ko (at puson sa iyo).

14 comments:

citybuoy said...

that's tough. sana may world na walang secrets no? or walang maitatago. saya siguro nun. haha

Guyrony said...

Good one cc!

Clincher: at puson sa iyo!

Hahaha!

Marty said...

Hahaha...Hmm....gray area CC?

Anonymous said...

para kang high school girl na nagrereklamo about her crush. LOL

wait, make that grade school girl. LOL

Anonymous said...

Ahhh... The madness that summer heat brings!

Tara, Boracay na lang tayo.

closet case said...

hahaha para nga akong nag-sisinixteen, narnian! boracay ako mar 20-21!

another gray area nga. but this one is even murkier than previous ones!

:-)

Ming Meows said...

diretsuhin mo na kasi cc. para hindi na magka-asahan.

demuloyola said...

so nice, i guess it's the best part, the guessing, the uncertainty of it all, the moment before one discovers the truth. i'm loving your blog

Anonymous said...

something fishy about this guy....

di mo ba nararamdaman yun cc?

wanderingcommuter said...

i guess we just have to take it the way it is given to us. nothing more, nothing less...

Menthos said...

Assumptions will only end up in pain and suffering.

The question is, are you willing to risk losing his friendship by asking why he chose you to befriend? Or worse, ask him if he's gay?

What I've learned is that never put any color on what the other person is doing. Let the story unfold as it should. Do not rush it. Do not delay it. Let it just play itself out :D


just my two non-sense cents :p

Anonymous said...

i've been in that situation. akala ko porke't tingin ng tingin sya sa akin, gusto na nya ako. makalipas ang apat na taon, nainlab akong parang teenager sa kanya at naipagtapat ko ng maayos... pero, potah lang talaga.. that M'Fer told me: "mukha ba akong interesado?" gago pala sya.. ba't nya ako pina-inlab (as in lagablab) ng ganun..

-ANO

Closets said...

LOL! That's what I call a story! Cheers!

interior design ideas said...

lol now thats funny, have never seen something like this before..