Wednesday, January 23, 2013

Lucas Chronicles: Roommates 2


Napansin ni Joey na iba ang pakiramdam ni Lucas ng mag ilang araw na rin. Tahimik.

“Bro, may problema ba?”

“Huh? Wala. Trabaho lang.” ang maikling sagot ni Lucas sa kanya.

“Ah. If you’d like to talk about it, nandito lang ako, bro.”

“Yeah. Salamat.” at bumalik sa pag-ayos ng gamit si Lucas. Hindi na rin pinansin ni Joey at tinuloy niya ang pag-email.

Pinakiramdaman niya ang roommate niya. Napansin niyang naligo lang ng sandali at agad ng natulog. Nakakanibago. Parang may sumpong. Hindi niya alam kung dapat siyang tumulong o hindi. Marahil, love life. Alam naman niyang galing sa isang masalimuot na relasyon si Lucas. Napagtsismisan ng tropa minsan ang bali-balita sa kanya. Nalungkot naman siya para sa kanyang kasama.


Eksaktong 5:45am impunto nag-ring ang telepono. Tulad ng mga nakaraan. Naka-ilang tawag na rin etong mystery caller niya. Pangatlo na ba? inisip ni Tere.

“Hello.” bukang-bibig ng lalaki.

“Hello.”

“Ibang klase talaga yang ka-opisina mong si Lucas.” at nag-umpisa na naman ang mga litanya ng mga pinaggagawa ni Lucas.

Dahil sa mga tawag, ang dami niyang nalaman tungkol sa kanya. Ngunit di rin niya alam kung totoo lahat. At di rin niya magawang tanungin si Lucas. Alam niyang kagagalitan lang siya. Kaya tinago na lang niya sa sarili ang mga kuwento.

Kung saan-saan raw humahanap ng sex si Lucas. Kahit sa kalye, kahit tricycle driver papatulan dahil sa kati. Ang paborito raw nito ang sauna lalo’t lalo na sa gym. Mahilig talaga sa sex in public places siya.

May insidente sa kotse, sa isang park, sa sinehan. Naloloka si Tere sa mga kuwento. Kahit detalye binibigay. Nagpapatira raw sa puwet. At hindi gumagamit ng condom. Baka raw may AIDS na yan.

Pati ang nangyari sa kanila ni Emily, binulatlat. Kung paano siya si-neduce ni Emily, at ilang beses nilang ginawa. Ang mga sinubukan nilang posisyon. At ang pagbrocha na hindi na kaya ni Lucas ituloy.

Minsan nakakatawa ang mga kuwento. Kaya rin naman para silang magkaibigan nitong mystery caller pag nagtatawanan na. Kasi, parang nakikinig lang siya sa radyo, sa mga bading na showbiz reporter.

Ngunit etong tawag raw niyang eto ang huli na niyang tawag. Dahil eto na ang malaking pasabog niya, ang kuwentong dapat magpapatanggal kay Lucas sa opisina.

Nag-uumpisa na sana ang pagkuwento ng biglang dumating si Boss Von at nagulantang ang sekretarya.

“Tere, ang aga mo pala!” ang pambungad ni Von sa kanya.

“Ay Sir! Good morning po” at bigla siyang napatalon mula sa upuan.

“Good morning. Nasa telepono ka agad?”

“Aahh... sa bahay lang po..” at bigla niyang kinausap ang caller.

“Tawag ka na lang ulit. Bye.” sabay hang-up ng telepono.

“Sorry po. I’ll get coffee for you, Sir.”

“Yes, please.” at tuloy ng pumasok sa kwarto si Von. Nataranta naman si Tere na hagilapin ang kape at magtimpla.

Nang bumalik na sa normal ang umaga, biglang naalala ni Tere si mystery caller at ang kanyang ‘pasabog’. Matatagalan pa ang kasunod na tawag. Ano kaya ang gagawin niya kung malaman niya ang ‘sikretong’ yun? Ganun kaya ka-grabe ang nagawa ni Lucas? Mapipilitan ba siyang isumbong kung ganun kalala ang paratang?

Tamang-tama naman ang dating ni Lucas.

“Hey. Good morning. Si Boss, nasa office?”

“Hello! Oo. Kanina pa nga. Pasok ka lang. Maganda mood.”

Kumatok si Lucas at pinapasok naman ni Von. Parang ibang mga mata ang gamit niya sa pagtingin kay Lucas. Kahit papaano, naapektuhan rin siya ng mga kuwento ni mystery caller. Naglaro ang kanyang isip at in-imagine niya si Lucas sa mga iba’t-ibang lugar, sa kanyang mga hadahan. May halong paghanga at pag-alinlangan ang pakiramdam niya. Ngunit alam niyang kahit ano pa ang mangyari, magkaibigan pa rin sila.

Ngunit hindi na naiwasan ni Tere ang mga sumunod na pangyayari. Kung bakit naman nataon na dun pa nabunggo ang sasakyan ng kanyang boyfriend na sumundo sa kanya nung umagang yun. Kung bakit na-late siya sa pagpasok kung kailan tumawag si mystery caller muli. At kung bakit maaga na naman dumating si Boss Von.

Hindi niya alam kung anong eksaktong nangyari. Abala pa siya sa paghabol ng oras ng makarating siya sa opisina ng pasado alas nueve. At pinatawag siya agad ni Von sa loob ng opisina.

“You are late.”

“Sorry, Sir. Nagka-aksidente lang yung sasakyan.”

“Are you ok? Are you hurt?”

“Hindi naman po. Hinintay lang namin ang pulis. At nagkabuhol-buhol na ang traffic. Sorry, Sir.”

“Ok lang. May nasagot akong tawag kaninang maagang-maaga.”

Kinabahan na si Tere. “Yes, Sir?”

“The guy was looking for you. Sabi ko wala ka. At nagpakilala ako.”

Unti-unting nawawala ang dugo sa utak ni Tere. Para siyang nihihilo.

“And he proceeded to recount the conversations he has been having with you for a few weeks now. About Lucas.”

“Sir, hindi ko po siya kilala. I don’t know po, kung totoo ang mga pinagsasabi niya.”

“It doesn’t matter. He told me some very serious, damaging things about Lucas. And I can’t tolerate that.”

“Sir, hindi po natin alam ang totoo.”

“Sinabi nga niya sa akin na hindi mo pa alam ang pinakagrabeng nagawa ni Lucas. Dahil sasabihin pa lang raw niya sa iyo sana ngayon.”

Hindi na naka-imik si Tere. Kinabahan para sa sarili. para kay Lucas.

“Anyway, I will act quickly on this. Let HR do the investigating.”

Nung hapon pa lang, pinatawag na si Tere upang i-type ang sulat para kay Lucas.

“... It has come to Management’s attention that you have allegedly indulged in homosexual activities, immoral in nature, and in violation of esteemed corporate values ... has included sexual acts involving clients, current and prospective, in clear violation of conflict of interest... You are to explain in writing within 72 hours all these allegations.... be reminded that if found guilty, such behaviors carry the penalty of immediate termination.”

Nanginginig si Tere habang tina-type niya sa computer ang sulat. Naluha na siya nung nakita niya yung ‘termination’. Gumawa siya ng maraming kopya upang papirmahin ang boss niya.

“Please tell Lucas to come in now.”

Tuliro siyang lumabas sa opisina. Mag-uuwian na. At pinagdarasal niyang hindi makita si Lucas. Upang mapagsabihan man lang niya. Ngunit hindi pabor ang panahon kay Lucas. Siya mismo ang lumapit kay Tere upang mapagpaalam sanang umuwi.

“Luc, pinapatawag ka ni Von.”

“Now? Alam ba niya anong oras na?”

“Luc, ngayon na. Pumasok ka na lang sa kwarto.”

“O napaano ka? Bakit ka namumutla?” tanong ni Lucas.

“Wala, Luc. Sige na.”

Iniwan na siya ni Lucas at pumasok sa loob ng silid. Inayos niya ang mga gamit niya ngunit pinakikiramdaman niya ang nangyayari sa loob ng opisina ni Von. Tahimik. Walang imik.

At biglang lumabas si Lucas, namumutla.

“Luc...”

“Putang-ina. Putang-ina. Putang-ina.” yun lang ang sinasabi ni Lucas habang palabas ng kwarto. At hindi man niya tinitignan si Tere.

“Luc?”

Biglang sumigaw si Lucas. “PUTANG-INA! KASAMA KA, TERE! I TRUSTED YOU! FUCK YOU!” at tumakbo si Lucas palabas. Umiyak na ng husto si Tere habang lumabas si Von sa kwarto.

“What happened? Si Luc ba yun?”

Hindi na nakasagot si Tere, at tuloy ang iyak. Tinignan lang siya ni Von. “You can go.” At pumasok sa loob ng kwarto.



- Posted using BlogPress from my iPad

2 comments:

Sith of NBTK said...

POST POST NA ANG NEXT KWENTO PLEASE>>>>> WAG NA PATAGALIN.,....

Anonymous said...

My heart just skipped a beat while reading the last part...