Dumating siya sa bahay nila na tulala. Maraming iniisip ngunit walang pakiramdam. Wala na siyang trabaho. At hindi niya alam kung paano mag-uumpisa. Kakaunti lang ang kanyang naipon. Kung tatagal siya sa Manila, hanggang dalawang buwan lang siguro at mauubos na rin yun.
Alam niyang kailangan niyang isipin ang mga bagay na eto ngunit pagod ang utak niya. Kaya tumunganga na lang muna siya sa kwarto nila. At ganun siya nadatnan ni Joey. Tulala pa rin.
"Sus! Ang gulat ko. Nanjan ka pala? Oh, napano ka na?" Tinabihan niya sa kanyang kama.
"Joey, fucking bitches just fired me." Matalas ang mga salita ngunit wala pa rin emosyon na kahalo.
"What??? Terminated ka na? Mga gagong iyon!" mas malakas pa ang boses ni Joey. Gustung-gusto niyang yakapin si Lucas nung panahon na iyon. Ngunit nagpigil na naman siya. Na naman. Hindi tamang panahon.
"What will you do, bro?"
"Di pa ako sigurado. I can't stay here until I find a job."
"Huh? Ah.. " biglang naalala rin ni Joey ang bayad sa renta. Ngunit ang mas pin-roblema niya: mawawala sa piling niya si Lucas.
"Ah.. I don't know how to help.. Siguro you could stay for..."
"Bro, ok lang. Uuwi muna ako sa amin. Sorry at biglaan kang maghahanap ng kapalit."
"Wag mong isipin yun, Luc. Para ka namang iba." at tinapik niya sa tuhod si Lucas. Ngunit bigla rin niyang binawi. Nahiya sa ginawa.
"Bro, wag mo munang isipin yan. Mukhang hindi ka pa nagdinner. Tara." niyaya niya si Lucas.
"Wala akong gana. Thanks."
"Well, kung ayaw mo ng dinner, inuman lang. Friday naman ngayon. My treat."
May konting pait sa pandinig ni Lucas ang "my treat". Nag-umpisa na ang mga 'awa effect' sa kanya. Yun ang isang pakiramdam na hate niya: ang kinaawaan siya ng mga tao. Nagsumikap siya upang maka-ahon. Babalik na naman ba iyong ganun?
"Wag na, Bro. Itabi mo na lang iyan."
"Luc, I want to. Gusto ko ring uminom. Alam mo naman kaming mga nerds, minsan lang gumigimmick."
Natawa si Lucas. At napa-oo. "Sige, bro. Bahala ka. I won't be good company."
"Tara."
Napadpad sila sa isang inuman, isang beer garden kung baga. Maraming mga tao, puro mga office people. Usong-uso talaga dito sa Pinas ang mga ganito. Murang pagkain, malamig na beer, minsan may banda, minsan maingay lang na music. Ang importante, makapagsama at makapag-inuman.
Pinilit ng waitress na maglagay ng mesa sa gitna upang makaupo sila. Kaya napapaligiran sila ng mga barkadang ma-iingay. Nung umpisa, na-aburido si Lucas, kasi alam niyang hindi sila makakapag-usap. Ngunit mas maganda na rin, kasi ayaw niyang magdaldal muna.
"Bro, pinag-iisipan ko yung kaso mo. May laban ka sa kanila. Parang sobrang discriminatory yung ginawa sa iyo."
"Naiisip ko yan, Joey. Saan naman ako kukuha ng lawyer, at ng pambayad? Sus, kailangan ko pang magpadala ng sustento kay Emily."
"Ah nga pala, yung anak mo. Siguro, she'll understand kung wala muna."
"Yeah, she will. Pero ako mismo, ayoko ng ganun. Paninindigan ko yung batang yun. Shit! I hate this! Fuck them." Unti-unti ng lumalabas ang galit. Ang pakiramdam. Lumilipas na pagkatulala. Ibang klase talaga ang alcohol. Mga bagay na hindi mo sana aaminin sa sarili, ilalabas at ilalabas niya.
"I can't afford a lawyer. Sinong tatanggap ng kaso ko? Shit."
"Cool, bro. Baka may mga kaibigan sila Rene, yung ibang tropa, na attorney."
"Yeah. Pero hindi ko alam kung paano ko babalikan si Carlito. Siya ang may pakana nitong lahat."
"Yung ex mo? Sigurado ka?"
"One hundred percent. Bro, sino pa ba ang tatawag sa sekretarya ng boss ko ng 530 - 6am kundi isang taga-call center? At siya lang kinuwentuhan ko tungkol dun sa tang-inang Roger na yan."
"Wow. Ganun kalala ang galit ni Carl sa iyo? Para patanggal ka sa trabaho?"
"Ano ka ba? Di ba nga may topak yun? Ang lakas ng tama nun!"
"But bro, paano ka makakaganti? You don't have contact with him na, di ba? And besides, you don't have a case against him."
"Fuck him. I know. Shit talaga."
"Look, huwag mo munang isipin si Carl. Your priority is to get a job."
"Alam ko. Tang-ina, I don't want to dip on my savings. Sayang naman. Kaso, tainted ang employment record ko dahil sa gagong Von na yun."
"I'm sure there will be a job for you, Luc. Magaling ka. Bilib ako sa iyo."
"Bro, salamat. Maski alam kong bola lang yan. Malaking tulong."
"Ano ka ba? Luc, idol kita. Alam kong malaki ang pagsisikap mo marating mo yan."
"Idol? Ang idol mo nawalan ng trabaho."
"Nun pa lang naman, marami na akong alam sa iyo na kahanga-hanga... " biglang natigilan si Joey. Bigla siyang kinabahan sa mga nabigkas niya. Muntik na siya madulas sa kanyang mga nararamdaman.
"Huh? Bro, there's nothing admirable about me. Believe me."
Hindi nakasagot agad si Joey. Alam niyang baka lalo siyang mahuli kung magsasalita pa siya. Mabuti nga at hindi pinatulan ni Lucas yung "..nun pa lang..." Naramdaman niyang bigla siyang namula. Mabuti na lang, parang tama lang ng Red Horse.
Habang tumatagal ang inuman ay naibaling na rin ang usapan sa mas magagaang na bagay. Ang kalandian ng mga barkada. Ang mga failed romances ni Rene at ng ibang mga kasama. Napagaang rin ni Joey ang nararamdaman ni Lucas. Tulong na rin ng beer.
Nakarami sila ng inom ngunit hindi naman sobrang kalasingan. Yung sakto lang. Nung nasa taxi sila, hindi na maiwasan na magkatabing-magkatabi sila. Hindi lang mga tuhod ang nagtatama. At nadiyan na rin ang paghampas-hampas ng mga hita, ang kilitian. Lahat yun ay ninanamnam ni Joey.
Pareho silang hindi na diretso maglakad papunta sa kwarto. Tawa sila ng tawa. Nagising ang iba nilang kasambahay sa ingay nila. Nadapa ng dalawang beses si Lucas. At lalo pa silang naghagikihikan hanggang makapasok sa loob.
Nakatayo pa sila ng hinarap ni Lucas si Joey.
"Bro, salamat." at niyakap niya si Joey ng mahigpit.
Bumitaw ng sandali at nagkatinginan sila. At hinawakan ni Joey ang mukha ni Lucas. At hinalikan niya sa labi. Tulak na rin ng ilang linggong pagnanasa, nahumalo sa kalasingan. Ngunit sandali lang. At bumitaw na ng bigla si Joey mismo, nahiya sa sarili.
Nagulat si Lucas, hindi inaakalaing magkakaroon ng ganoong eksena. Naiwan siyang nakatayo habang biglang tumalikod si Joey. "Shit, I'm sorry." ang masasabi lang niya habang paupo sa sariling kama.
Nilapitan siya ni Lucas at lumuhod sa harap niya. Tinignan siya ngunit hindi siya makatingin. "Bro?" tanong ni Lucas.
"I'm sorry, Bro. I don't know what came over me. Shit." nakayuko pa rinat ayaw tumingin.
Tinaas ni Lucas ang mukha ni Joey upang tignan siya. Pinag-aralan ang mga mata, tinignan kung ano ang nilalaman ng kaluluwa. At hinalikan na rin niya sa labi ng dahan-dahan.
Biglang nadilat si Joey sa nangyari. At hindi na niya pinigilang ang sarili at hinalikan na si Lucas ng husto na halos mahulog sila sa sahig ng kuwarto. Naghahalo na lahat ng damdamin sa kanya nun, ang hiya, gulat, saya, takot. Ngunit lalo't lalo na ang pagmamahal na pinamalas niya sa halik na yun.
Tinignan niya ng sandali si Lucas habang nakahiga. Tinignan niya ang kanyang matagal ng minamahal, nakapikit. At dahan-dahan na niyang tinanggal ang mga butones ng shirt niya.
- Posted using BlogPress from my iPad
2 comments:
I've been waiting for this moment!!!!...follow up please..asap!!!...thanx.
I can just imagine the awkwardness after this brouhaha..lol
I wish there would be a happy ending to this chronicles. It's been a roller coaster.
Post a Comment