Tuesday, February 5, 2013

Lucas Chronicles: Roommates 4

Ka-chat ni Joey ang matalik niyang kaibigan, si Trojan24.

"Uy, Naabutan rin kita dito."

"hey! musta? lagi kaya ako dito. ikaw ang hindi ko madalas makita."

"Weh! lulusot pa? LOL Anong balita?"

"Ok naman. work pa rin. same-same. kaw?"

"Eh kamusta na yung roomy mo? Yung delish?"

"Lol Delish talaga? Ok lang naman."

"Ano? may nangyari na sa inyo?"

"Gaga! ano naman ang tingin mo sa akin? rapist? Wala no!"

"Asus! eh sobra kayang watir-watir ang pekpek mo diyan!"

Natawa bigla si Joey habang nag-type sa keyboard. Naalala nga niya ang kilig niya nung una niyang na-confirm na magiging room mate niya si Lucas.

"Ang over mo! hindi naman. Saktong kilig lang."

"Ay sus! I-rape mo na kasi. Itali mo at ihampas mo yung ga-higante mong nota sa kanya! Wahahaha!"

"Gaga ka talaga! Ang gulo mo. Friends kami. Hanggang dun lang yun."

"Teh, ang loser mo. Do something."

"Loser talaga ako, no? Alam ko naman iyun. Puro mga borta at gwapo ang mga nagiging jowa ni Luc. Paano naman ako lalagay sa mga yun?"

"Bakit? Malaki naman ang nota mo! LOL"

"Gaga ka talaga! walang ibang laman ang isip mo kung di yun."

"Weh? ano naman mali kung ganun? Im just saying na gamitin mo asset mo!"

"Stop it. Magtigil ka na. May tinatapos pa ako para sa opisina."

"Weh! naglalaro ka lang jan no?"

"Ok fine. Buking. Oh sige na. next time, chat uli."

Napatingin siya sa kanyang sarili at biglang tumayo. Humarap sa salamin at tinanggal ang shirt niya. Hindi naman masama hugis ng katawan niya. Hindi lang siya mahilig kasi magworkout. Pero at least, hindi siya mataba.

Binalik niya ang shirt niya. At naupo. Napag-isipan na naman niya ang nakaraan. Lalo na nung una niyang nakilala si Lucas sa isang party. May mga common friends sila na nagcelebrate ng birthday sa isang condo. Late na nga siya nakarating. Akala niya, mga usual na bading ang mga bisita. Nagulat siya na marami na ang nasa loob ng condo unit ni Gani, yung host at isang birthday celebrant.

Tipikal na mahigain, bumati lang siya kay Gani at hinanap na ang mga ibang kakilala. Kaso mukhang naka-alis na sila Tito at Sonny, ang mga katulad niyang gamer. Naupo muna siya sa isang sulok ng sofa, at pinagmasdan ang mga masayang nagkukuwentuhan at nag-iinuman. Masaya rin manuod ng mga bakla in action, ika nga. Nasa isang tabi may seryosong nag-uusap. Dun naman sa isang banda, pinaliligiran ang isang gwapong hunk, lahat parang gusto siyang lapain mula ulo hanggang paa. Natawa siya sa mga pinapanuod niya.

Bigla na lang may tumabi sa kanya. Napatingin siya dahil may biceps. Yun kasi ang una niyang tinitignan sa lalaki, yung braso. Kailangan malaki. Hindi siya pinansin ng katabi at inabot na lang ang potato chips sa may mesa sa tapat nila.

Tinuloy niya ang pag-inom ng San Mig light nang inalok siya ng katabi.

“You want?” tanong ni Lucas sa kanya.

“Ok lang. Ok na ako dito.” sabay turo sa beer.

“Kaninong friend ka?”

“Kay Gani. Ikaw?”

“Yung jowa ko, friend niya si Rene.” Naiwan sa isipan niya ang salitang ‘jowa.’

“Ah yeah, si Mama Rene.” sang-ayon ni Joey sa kausap.

“I’m Luc. You are..?”

“Joey.” at nagkamayan sila.

“So wala kang ka-tropa dito?”

“Wala eh. Mukhang nag-alisan na. Paalis na rin ako.”

“O, ba’t ka naman nagmamadali? Unang beer mo pa lang ‘ata yan.”

“Hindi naman ako malakas uminom. At may pasok pa bukas.” nagpalusot lang siya.

“What do you do?”

“Sa IT ako, sa Makati. Kaw?”

“Sales. Pero Cebu-based ako. Nataon lang na bumisita ako muna. IT ka pala. Cool yun.”

“Ok lang. Tahimik. Computer lang katapat buong araw.”

“Haha yeah. Ako puro tao. Puro bola.” Napansin ni Joey na mukhang marami ng nainom si Lucas.

Bigla na lang may lumapit sa kanila.

“Babe, kuha mo ako isa pang beer.” utos sa kanya ng nakatayo, lalaking malaki ang panga.

“Yes, Babe.” At tumayo si Lucas. “Nga pala, this is Joey. Joey, si Carl, jowa ko.” Nagkamayan lang sila. At lumayo si Lucas, patungo sa kusina.

“Sinong friend mo dito?” tanong rin ni Carlito sa kanya.

“Si Gani.”

“Ah. Yeah, mga friends ni Mama Rene mula sa nerdy world. HAHAHA” sabay tawa ng malakas si Carlito. Halatang marami na ring nainom.

Nakitawa lang siya. Kahit hindi nakakatawa. At nakaka-insulto pa nga.

Bumalik na si Lucas, dala ang beer ni Carlito. “Here, Babe.”

Kinuha niya ang beer. “Tara, Babe, kausapin natin si Ryan, yung hunk!” at hinila na si Lucas palayo. Kumaway na lang si Lucas kay Joey.

Hindi nakalimutan ni Joey ang kagandahang-loob ni Lucas na kausapin siya nung gabing yun. Kaya rin naman naging crush na niya si Lucas, nuon pa lang. Pa-minsan-minsan, nagkikita sila sa chatroom online, kaya nagkakakwentuhan. Dun niya nakikilalang mabait si Lucas. Kahit sa chatroom ay bumabati at nakikipagchat kahit sandali.

Si Gani ang unang balita sa kanya sa gulong nangyari kay Lucas at Carlito. Nagulat siya kasi hindi aakalaing mangyayari ang ganun, sa Metro Walk pa. At tamang-tama naman, nung naghahanap na siya ng room mate, ay naghahanap rin ng matutuluyan si Lucas.

Alam niyang sandali lang ang magiging pagsasama nila ni Lucas. Ngunit hindi niya mapigilan ang saya niyang makapiling kahit bilang room mate at kaibigan si Lucas. Hindi naman siyang umaasang may mangyayari sa kanila. Malinaw naman si Lucas na friends lang sila, kahit sa chatroom. Nagkukusa lang naman siyang tumulong kay Lucas.

Kaya hindi rin naman siya gumagawa ng paraan upang mapalapit kay Lucas. Minsan nga, iniwasan pa niya. Siya ang nahihiya kapag pumapasok si Lucas sa kwarto naka-tapis lang. Ni silipin kung may kargada si Lucas ay hindi niya magawa. Nandidiri siya sa sarili niya pag naiisip niya yun. 

‘Tahimik na paghanga’ yun ang tawag niya sa nararamdaman niya kay Lucas. Hanggang dun lang yun. Walang ibang papupuntahan. Ngunit pag-sumasagi sa isip niya ang nangyari nung gabing lasing si Lucas, umiinit pa rin ang damdamin niya. Minsan, naiisip niya na sana, sinamantala na niya ang pagkakataon. Hinupuan man lang. O hinalikan. Ngunit sinasampal rin niya ang sarili niya pag naiisip niya yun. Hindi dapat mabahiran ng kabastusan ang ‘tahimik na paghanga’ niya kay Lucas.


Parang zombie si Lucas na pumapasok sa opisina nung sumunod na linggo. Bigla na lang siyang naka preventive suspension habang tinutuloy ang imbestigasyon. At ang kaibigang si Tere ay hindi na niya pinapansin. Para siyang may ketong kung iwasan ng mga tao.

Dumating ang panel investigation sa kaso niya. Mabilis. May mga tanong tungkol sa naging relasyon nila ng mga kliyente. Pilit niyang i-deny na may naganap sa kanila. Ngunit nakakuha sila ng mga testigo. Kahit ata yung hayop na si Roger Garcia ay nagpadala ng statement sa naganap sa kanila.

Sa loob ng dalawang linggo, natapos ang imbestigasyon at ang hatol. Kinausap siya ni Von nung Biyernes.

“Lucas, I am holding here the results of the investigation. And I think you already know what this says.”

Tahimik lang si Lucas. Walang imik.

“You can make it easier if you...”

Sumabat si Lucas. “Sir, mawalang-galang na po. Hindi po ako mag-re-resign. Kung ang hatol po ay termination, yun po ang ibigay niyo.”

“Fine. You know the consequences and implications. Your career will be blemished by this. Sayang ka, Lucas.”

“I am fully aware of this, Sir.”

“I am serving your termination notice, effective immediately. Please clear the desk of all your belongings. You will surrender the keys to the car, the cellphone and the laptop to HR as you exit.”

Tumayo si Lucas at kinuha ang sulat. Lumabas siya sa opisina ni Von at nakita niya si Tere. Wala siyang galit na naramdaman sa kanya. Hindi na lamang niya kinibo at dumiretso siya sa kanyang desk. Humingi siya ng kahon sa janitor at nilagay niya ang mga gamit dun. Sumaglit siya sa parking upang kunin ang mga gamit sa loob ng kotse.

At nang matapos na lahat, dumaan siya sa HR upang ibigay ang mga kinakailangan. Lumabas na siya ng building at tumawag ng taxi.



- Posted using BlogPress from my iPad

4 comments:

Macintosh said...

Im loving joey. Never thought youd inclide such a character in the series cc :))

Sith of Noypi Boys said...

Epost na kagad... kainis... hahaha lols

Anonymous said...

next please! next please! :)

- Jv

Sith of Noypi Boyz FB page said...

POST NA NEXT PLEASE...hehehe

cant wait na tlga...