Nang gumising si Lucas, na-alimpungatan siya. Nagtaka siya kung nasaan siya. Nang tumingin lang siya sa paligid na naalala niyang nasa kama pala siya ni Joey. Ngunit wala na si Joey sa tabi niya. Hubo’t-hubad siya na tumayo sa kama. Mainit na dahil sa taas ng araw. At bigla siyang napatingin sa cellphone niya. Buti naman at walang importanteng mensahe.
Hinanap niya ang brief niya. Sinuot at binukas ang pinto. Pinakiramdaman niya kung nasaan si Joey. Mukhang nasa kusina na. Dali-dali niyang kinuha ang tuwalya at mga gamit panligo at dumiretso sa CR.
Hinugasan niya ang amoy ng beer at yosi sa kanyang katawan. Pati na rin ang naghalong napanis na laway. Kinukuskos niya ng mabuti. Nagmamadali siyang nagbanlaw at nagpatuyo.
Pagpasok niya sa kwarto ay nagulat siyang nandun na rin si Joey. May pagkain na sa desk. Binaling niya ang tingin sa mga gamit.
"Hey. Good morning." bati ni Joey sa kanya.
"Ah hey." ang kanyang matamlay na sagot at dumiretso sa kanyang cabinet.
Nagpaumanhin siyang hindi siya makakasalo sa almusal. At nagmadali na siyang nagbihis at lumayas sa kwarto, sa bahay.
Hindi niya alam kung saan siya papunta. Kailangan lang niyang makalabas muna. Tumawag siya ng taxi.
Alas diyes y media na rin. Bukas na ang mga mall. “Kuya, sa Shangrila Mall sa Mandaluyong.” ang pakiusap niya sa driver.
Hindi pa rin niya lubos maisip ang nangyari sa kanila ng kanyang roommate. Naalala niya ang lahat kahit matindi ang tama ng beer. Hindi niya maaaring ipagkaila. Ngunit pinagsisihan niya ang lahat.
Nun pa lang, kaibigan ang turing niya kay Joey. Hindi siya na-attract sa kanya kahit maraming usapan tungkol sa mala Totoy Mola niyang ari. Yun siguro. Curious rin siya kaya nauwi dun ang inuman nila kagabi. Mabait si Joey. Hindi niya kayang saktan. Ngunit natatakot siyang baka umasa si Joey dahil sa nangyari sa kanila.
Binalikan niya ang pagkakakilala niya kay Joey. Isang tahimik na mala-nerd ang dating. Minsan hindi niya maisip na bading. Kasi walang bahid ng kabadingan, kahit nakikipagbiruan na sa barkada niyang malalanding bading tulad ni Mama Rene. Natuwa siya nung alukin siya ni Joey na matutuluyan matapos ang relasyon niya kay Carlito. Alam niyang madaling pakisamahan si Joey. At hindi mausisa. Hindi matanong. Kaya perfect sana ang kanilang pagiging roommate.
Sa maikling panahon nilang magkasama, di niya naisip na may pagtingin sa kanya si Joey. Hindi naman kasi palakibo. Kaya nagulat rin siya nung biglang hinalikan siya. Mukhang may gusto sa kanya. At eto naman siya, nakiliti sa isang tagapaghanga, at pinatulan agad. Dahil sa tama ng beer. At nakumpirma nung nakita niya ang almusal. Bakit kailangan umabot dun?
Gago! ang sabi niya sa sarili. Sinisira niya ang pagsasama nila. Dahil sa kanyang kalibugan at nakiliting ‘ego’. Ang awkward. Paano na ang magiging samahan nila.
Nakarating siya sa Starbucks sa Shangrila Plaza. Dun na siya nag almusal. At tinignan na naman niya ang classified ads. Binaling na muna niya ang kanyang isipan sa paghahanap ng trabaho. Yun ang importante. Mapipilitan siyang lumayas sa kanilang lugar kung hindi pa siya makahanap ngayong buwan.
Nakatunganga si Joey sa harap ng computer. Siya na rin ang kumain sa kanyang handa. Siya kasi yung tipong ayaw niyang may nasasayang na pagkain. Nagtaka siya sa biglang pagbago ng ihip ng hangin. Anong nangyari? Isang pagkakamali lang ba yung kagabi? Ngunit naramdaman niya ang tamis ng halik, ang tindi ng yakap, at ang libog. Panandalian lamang ba?
Pinilit niyang isipin ang maganda. Baka nga naman may job interview pa si Lucas. Kahit hindi niya nabanggit kagabi. Pero hindi makakailang masama ang loob niya.
Nagtext siya kay Gani, yung kaibigan niyang nagpa-party kung saan niya nakilala si Lucas.
“Bro pwd k cofi?”
“Ei. wen?”
“now n. nid a fren”
“hmm. w8 lng. lunch n lng.”
“k. s gale kta-kta.”
“k”
Yan naman ang gusto niya kay Gani. Mabilis sumagot. Madaling yayain. Naghanda na siya at nagbihis.
Sa food court na sila nagkita ni Gani.
“Ano? Kamusta ka na? Parang emergency ha”
Napangiti ng bahagya si Joey. “Eto, emo-emohan.”
“Ha? Tungkol kanino, kay roomie?”
“Yeah. May nangyari.”
“Ha??? Ano??”
“Well, parang may nangyari na hindi natapos.”
“Ano yun? Coitus interruptus?” sabay tawa ng malakas si Gani.
“Gago. Nag-inuman kami kagabi. “
“Siyet!!! Eto na nga. Basta may alak!”
“Eh yun na nga. Kawawa rin kasi siya. Ang gulo ng buhay. Kaya sinamahan kong mag-inuman.”
“Bro, sinamahan mo siyang mag-inuman kasi may balak ka! Ang taong may alak, may balak! HAHAHA”
Natawa na rin si Joey. “Nakikiramay lang ako. Anyway, marami na kaming na-inom.”
“And???” Nanlalaki na ang mga mata ni Gani.
“Ayun, sa taxi pa lang, nagkikilitian na kami.”
“High school?? Hahaha”
“Pagdating sa bahay, sa kwarto...”
“OMG! Yun na nga???”
“Yeah, laplapan muna. Alam kong lasing na lasing na siya. Ako rin. Pero parang hindi naman siya nawawala sa sarili.”
“Dude, kahit gaano ka kalasing, alam mo ang ginagawa mo.”
“Oo nga. Kaso naudlot.”
“Ha? Paano? May dumating?”
Binulong na niya sa kahihiyan. “Wala kasing rubber.”
“PAK na PAK! WAHAHAHA! First date, bottom agad??” ang lakas ng tawa ni Gani.
“Shhhh! Ang ingay mo!!!”
“Oh eh ano ngayon kung walang rubber? De bayo-bayo na lang”
“Inaantok na kami pareho. Nakatulog.”
“Yuck!! WAHAHA. Ano ba yan, Joey!! Pang sitcom lang!”
“Kainis ‘to. Tawa pa ng tawa.”
“So kaya emo ka ngayon, kasi bitin ka?
“Hindi yun, ano ba? Kasi nung umaga...”
“What? Dinedma ka niya??!!”
“Parang ganun. Nagluto pa naman ako ng almusal.”
“What?? You cooked breakfast? Ano kayo, mag-asawa?”
“Eh bakit naman? Anong masama dun?”
“You’re so stupid, Bro! You probably scared the hell out of the guy.”
“Bakit? I’m just happy.”
“Bro, dapat cool ka lang. Gigil ka naman agad. Di na nga na-consummate. May pa-breakfast ka pa! Wait, anong reaction niya?”
“Parang biglang naging dedma. Nagmadaling umalis. Tang-ina.”
“Bro, kasalanan mo rin yan. Tinakot mo. Dapat, go with the flow ka lang. Si Lucas yan.”
“Eh ano kung si Lucas?”
“I mean, player yan. Kagagaling lang sa magulong relasyon. Wag mong paandaran ng ganyan.”
“So I shouldn’t feel bad?”
“Well, you should blame yourself. And sana, maayos mo pa.”
“I really like him, Bro.”
“Dude, I’ll be honest with you. Nakwento na rin naman sa atin nila Rene ang history niya di ba? Player. Predator yan.”
“Predator?”
“Sanay yan na siya ang nanliligaw. Mahilig sa mga may itsura. Kita mo naman si Carl, yung ex niya.”
“Ok, ok. I know my limitations.”
“Bro, I don’t want you to hope sa wala. That was a one-night thing. Bitin lang nga.”
“Move on na ako?”
“Hey, a crush is a crush. Rarely naman na nagkakatapat yan. Movies lang yan. Besides, mahirap sa inyo. Room mate mo siya. Pwedeng maging..
“...it’s complicated, ganun?”
“Siguro, ang maipapayo ko lang sa iyo is to play it cool. When you get back, as if nothing happened. Dedma lang.”
Napabuntong-hininga si Joey. “Ang hirap kasi parang natikman mo na yung icing ng cake, kaso hindi mo naman makain lahat.”
“Hahaha. Poetic, Bro. Pero ganun talaga. I bet you’ll have better chances if you act like nothing happened.”
“K, Bro. Thanks.”
- Posted using BlogPress from my iPad
2 comments:
can i please have permission to repost your entries to our website? thank you
-adminkwentongmalibog
and i found identity in Joey ..hahah over kung maka feel ng emotions..X100 kung mag reciprocate ...hahah
Post a Comment