Wednesday, August 27, 2008

scandal ang pelikulang eto!




paanong naging masahista sa isang 'illegit' na massage parlor si lance eh kay liit pala ng ari? paano makakapasa yun sa mga mamasan?

bakit parang gulat na gulat ang benny sa kajutayan ni lance eh nakita naman niyang naliligong jubo't-jubad sa salamin? de sana di na niya pinasok sa banyo.

bakit naisip ni lance nai-post pa sa u-tube ang video eh di man lang na-establish na siya ay mahilig sa internet?

bakit may sisiw sa kabaong ni lance? may manukan ba sa tabi ng morgue?

bakit ang cheap ng mga tanong ng reporter from RCB TV?

bakit kelangan naka-wide screen ang indie film na hindi naman ganun ang pagkashoot? distorted tuloy ang mga visuals, lalo na ang mga faces.

bakit ang daming cut-to-cut? ang iikli ng mga scenes.

bakit pumayag sila emilio at snooky?

7 comments:

A.Dimaano said...

Anong movie ito? Sorry, not good for viewing dito sa ofis kaya di ko pinanood yung video.

Joaqui said...

Not that good, ei?

I noticed that this is currently being shown in Rob Gale but then after reading this, I don't think I will watch this though I already planned to.

joelmcvie said...

At ang ultimate "bakit" ay: BAKIT MO PINANOOD YUN? =)

Anonymous said...

ang gaganda ng mga "bakit". hahahaha...

closet case said...

talagang puro bakit, pt...

TBR said...

sagutin ko yung ibang mga "bakit".

1. isang pamahiing pinoy na kapag ang patay ay biktima ng karahasan, naglalagay ng sisiw sa ibabaw ng ataul dahil paniniwala raw na ang bawat tuka nito ay mararamdaman ng taong may-sala.

2. minsan, ang wide screen na ating napapanood ay hindi kasalanan ng filmmaker kundi ng projectionist, lalo na sa mga digital movies. malamang ay mali ang setting na ginamit sa projector kung kaya't stretched ang image, pilit na pinagkakasya sa wide screen. mukhang nabasa nila ang sinulat mo kung kaya't noong pinanood ko ang pelikula ay tama na ang settings.

3. tama ka. ANG PANGIT.

closet case said...

salamat, tbr. di ko alam yung pamahiin na yun. ganun pala. i feel so eng-eng.

nung pinanuod ko yung daybreak, ganun din. kaya di ako na enjoy ang ka-cute-an ni coco. pero thanks for the explanashen. sana eh alam na nito ng lahat ng projectionist!

salamat muli, tbr.