"Sir? Sir? Nandito na tayo sa Buendia." Nagising si Lucas sa tanong ng taxi driver. Naalimpungatan pa siya. At nun pa lang niya naalala na nasa loob pa rin siya ng taxi, papauwi. Tinignan niya kung nasaan na sila. At binigyan na lang ng direksyon muli ang driver.
Nakatulog siya habang inaalala niya ang nakaraan. Masakit alalahanin ang pangyayari kay Carlito. Kahit ilang taon na pala ang dumaan, may mga bagay sa puso na hindi kayang kalimutan. Oo at may mga detalye na wala na. Ngunit ang lamat ay nagpeklat na, paalala ng mga bagay na pinagsisihan. At nagpapapansin minsan-minsan.
Naka-uwi na siya sa condo na nirerentahan niya. At nagtext muna siya kay Nandy, kay Tisoy.
"nkuwi na. hope ok nmn paguwi mo. tnx 4 d nice aftie. c u." Binasa niya muna ng ilang ulit bago niya sinend. Di naman mukhang masyadong atat. Sakto lang.
Ilang sandali ay nagtext na rin ang isa. "had gr8 time. c u soon." Uuy! may "soon" yung kanyang reply. Kinilig si Lucas. Oo, type niya si Nandy. At mukhang masarap kausap kasi matalino at may lalim. Teacher kasi. Ngunit naalala na naman niya na may sabit si Nandy. May jowa pa. Hay. Saan naman kaya mararating nito? Bahala na. Ayaw ko munang isipin.
Naghanda na siya sa pagtulog. At muli niyang binalikan ang pag-alaala sa nakaraan nila ni Carlito.
"Carl, ano ba? Kaibigan ko lang yun?" sagot niya kay Carlito habang nagdadabog na naman ang isa.
"Kaibigan? With benefits na naman?"
"Carl, move on na tayo!? Hindi na ba ako pwedeng magkaroon ng bagong kaibigan?"
"Eh makati pa sa higad yang baklitang yan. May gusto yan sa iyo."
"I don't know and really, I don't care. I was just being a friend. Carl naman, you've got to start trusting me!"
"I trust you. Wala na sa akin. Yung haliparot lang na yun ang hindi ko pinagkakatiwalaan."
Nagalit na si Lucas. "Pucha naman, Carl. Nagpabalik ako dito sa Manila para maayos tayo. Wala naman tayong ginawa kungdi mag-away." Tumahimik lang si Carlito at umalis.
Tinawagan ni Lucas ang barkadang si Roel. "Aba! Nabuhay ang bakla?! Tapos na ba ang reign ng Miss Cebu? HAHAHAHA!" ang hiyaw ng mahaderang bading Hindi pa rin nagbabago ang tinig niya. Mader na mader pa rin.
"Balik Manila na ako, sis. Masarap man ang lechon Cebu, iba pa rin ang karne sa Maynila! HAHAHA!"
"Mabuti naman! Ikaw ang anak kong naligaw ng landas. Kayo pa rin ba ni Carlota?"
"Carlito! Gaga! Hahaha. Kayo talaga, hindi niyo na tinanggap siya."
"Paano ko namang tatanggapin ang manugang kong iyo? Eh nung nakilala mo siya ay nilayo ka niya sa piling ng iyong inay! At kahit kailan, ang feeling-feeling niya!"
"Oh tama na. Alam ko na ang litanya niyo. Oo kami pa rin. Kaya rin nga napabalik ako. Ay dami kong kwento. Kita tayo!"
"Aba! Bakeeet? Papayagan ka ba ni Carlotang sumama sa amin?"
"I don't care, no? He has to learn to accept that you are my friends."
"Si Lucas! Nagkabayag na! May Himala! Hahahaha"
"Gaga ka talaga! hahaha! Marami na rin nagbago sa amin."
"At kasama dun ang katapusan ng pagigiging under-d-saya mo!?"
"Che! Hindi naman ako under! Ayoko lang ng gulo kaya hinahayaan ko siya. Basta! Kita tayo. Saan na ba kayo tumatambay?"
"Sa totoo lang, kapatid, ay tumatanda na ang mga lola mo. Kaya pa-dinner-dinner na lang kami sa mga bahay-bahay."
"Arrange mo naman, sis! Makalabas lang dito."
"Ayun! I'm sure nag-away kayo, noh??!"
"Basta, Magkukuwento ako. Ano? Sa Friday? After office. Text mo ako."
Dumating ang Friday at excited si Lucas. Gumawa na lang siya ng rason kay Carlito para walang mahabang usapan. Office activity. At dumiretso na siya sa condo ni Roel. As usual, maaga siya. Ang mga ibang bading ay wala pa.
Mahigpit na yakap ang salubong ni Roel sa kanya! "Joz ko, Luc! Nakakamiss ka! At ang katawan, nagkaka-figure na, ha? Nasaan na ang baby fat?" sabay kurot sa tagiliran.
"Aray! Sis, ano ba, tinatago na nga! Mayroon pa rin. Kainis nga!"
"Kapatid, gumanda ka. Hiyang ka sa Cebu, no?"
"Ayan na nga ang kwento ko. Pero hintayin na natin ang lahat."
"Sis, magkwento ka na. Matagal pa ang mga bakla. At maraming bago. I'm sure hindi mo naman ikukuwento yan sa bago." At inumpisahan na niya ang kuwento ng buhay niya sa Cebu, kay Emily at kay Paolo. At ang huling pangyayari sa buhay nila ni Carlito.
"Wagi ka talaga, kapatid! Kahit kailan, mahilig ka sa gulo! Sobrang selosa na nga yang jowa mo, nagawa mo pa rin ang pagloloko! At may babae pa! YUCK!!!"
"Oo nga. Pero tinapos ko na rin naman lahat. After that fight with Carl, I decided to go back to Manila for good. Nagpa-transfer ako. Inaayos ko na ang buhay ko, teh."
"Good luck, kapatid. Pero hindi ikaw lang ang masisisi sa gulo mo. May kinalaman rin naman yang jowa mong may sayad."
"Wala na akong magagawa sa kanya. Siguro ganyan lang niya ako kamahal."
"To the point of calling those people? Are you crazy? Hindi gawain ng matinong tao yan, Luc!"
"I know, I know. But it's all over. And I'm trying to make it work. Kaso away pa rin kami ng away."
"Hay, wala na akong mapapayo sa iyo. Ayan, may nag-doorbell na. Tuloy natin mamaya ang kuwentuhan."
Malaking grupo rin ang napagsama-sama ng kanyang matalik na kaibigan. Matagal na rin niyang hindi sila nakakasama. Masarap makita muli ang mga barkadang kasama niya noon sa mga gimmick, sa lasingan, sa landian. Nagpunta si Louie, at si Jonathan, si Noel. Bitbit ang mga jowa o mga date.
Kaya may mga bagong mukha. May itsura, lalo na yung isa, si John. Tahimik lang ngunit ang ganda ngumiti. Kayumanggi at may porma. Kaagad niyang napansin.
"Sino yun?" bulong niya kay Roel.
"Si John? Bagong bitbit ni Louie."
"Jowa niya?"
"Wiz. Pinagnanasahan. Wahahaha!"
"Shhhh! Tumahimik ka nga! Halatang siya ang pinaguusapan!"
"Sus! Ang arte mo, sis! Ano, type mo no?"
"Slight lang." naghagikhikan silang dalawa. "Gaga, baka pagpapatayin kami ni Carlota."
"Carlito! Carlito! hahaha"
Masaya ang kwentuhan. Parang dati lang. Nariyan pa rin ang tuksuhan at laitan. Tipikal na usapang bading. At habang lumalalim ang gabi at uma-apaw ang Red Horse, mas lumalala ang mga tukso. Napunta sa mga bagets ang usapan.
Tanong ni Roel sa mga bata "Oh sino ba sa inyo ang taken na? Walang sasagot sa mga jurang, ok?"
May dalawang nagtaasan ng kamay at nagtatawanan. Si Felix at si John.
"Ay totoo ba iyan?? Single ka ba talaga, John?" mapanuksong tanong ni Roel.
"Ah yes, po"
"Ay may po! Lumayas ka! HAHAHA Etching lang!"
"Ay parang hurt ang look ni Mama Louie, o?" sabay turo sa bading na biglang napahiya.
"Gaga, friends lang kami." sagot naman ni Louie, dinipensa ang bagets.
"Oh siya, oh siya. Truth or consequence, John?"
"Huh, may laro pa bang ganun?" kinabahan ang binata.
"Hijo, dated ang mga games namin. At sumagot ka."
"Truth na lang po"
"Sus, eto na naman ang mga pow-pow na yan!"
"Fine! Truth, ika mo? K, fine! Sinong type mo dito?"
Biglang nag-blush at nautal si John. "Wala po."
"Ang ibig sabhin mo ba na lahat kami dito ay FANGIT at hindi mo ma-type-an?? Aber?" sigaw ni Roel. Naghahalakhakan na ang lahat.
"Hindi po sa ganun. Lahat naman po ay ok. Mababait kayo."
"Bingi ka ba, hijo??? Tinatanong ko ba kung sino ang mabait dito?? Mag-ayos ka! Sino ang type mo dito?"
"Wala po talaga!"
"Hahalikan kita, sige ka!"
Sigaw ni Lucas "Sus! Yan lang naman ang gusto mong gawin, Roel! Sige na! Halikan mo na!"
"Manahimik ka! Hahalikan niya ako kung gusto niya! Choz!"
"Sige, ibahin ang tanong. Sino dito ang masasabi mong may itsura na PWEDE mong magustuhan?"
"ahh... hindi siguro po magustuhan. Pero parang mabait siya." sabay turo kay Lucas.
"AT ANG NAGWAGI BILANG BINIBINING UNDAS, SI MS LUCAS" at nag-akmang nagpatong ng korona sa ulo ni Lucas. Biglang natulala si Lucas at namula.
Sabay hinarap ni Roel si Lucas. "Kapatid! Consequence or consequence??"
"Huh? Bakit nawala ang 'truth'?"
"Che! Ako ang game master!"
"Wala naman akong choice!"
"Pwes! Ang consequence mo! Halikan si John!"
Biglang pumalag si Lucas at si John. "Huy! Walang ganyanan, sis!!!" protesta ni Lucas.
"At bakeeeet? Hindi ba pwedeng mag-kiss man lang??"
"Sis! May jowa ako, no?"
"Sus! Friendly kiss lang naman! Pare! Walang malisya, di ba, John?" sabay tingin kay John, na biglang napa-inom ng maraming Red Horse.
At biglang humawi ang mga bakla upang makalapit si Lucas kay John.
"Oh ano ang hinihintay mo?" tanong ni Roel kay Lucas na ayaw gumalaw sa kinauupuan.
"Sus! Kailangan pang pilitin!"
"Basta, wala akong kinalaman dito! Walang magsusumbong!"
Hindi mapigil ni Lucas ang kilig. Dahil type naman niya talaga etong morenong si John. Nilapitan niya at binulungan. "Wag kang matakot. Peck lang. Pagbigyan lang natin." At tumungo si John sa pagsang-ayon.
"One.. Two.. Three.." bilang na mga bading.
Nilapit ni Lucas ang mga labi niya sa labi ni John. At dumampi. At nang hihiwalay na sana siya ay naramdaman niyang bumuka ang bibig ni John. At tuluyan na silang nag-French kiss.
Naghiyawan ang buong barkada. At dun pa lang bumitawa sa isa't-isa.
"Naku! Parang ayaw ng bumitaw! Parang humahabol ang nguso ni Lucas!" Tawanan at hiyawan pa rin ang lahat. At hindi na bumalik si Lucas sa dating upuan.
Nagpatuloy ang inuman at chikahan na magkatabi si John at si Lucas. At pa-simple silang nagnanakaw ng sandali upang makapag-usap.
"May lover po kayo?"
"John naman, tanggalin mo na yun 'po' ha?"
"Ay sorry po... Ay sorry." at nagtawanan sila. Nakita na naman niya ang matamis na ngiti ni John.
"Yes, may partner ako. Live-in kami."
"Bakit wala siya dito?"
"Barkada ko 'to. At hindi nila type si Lucas masyado."
"Ah.. kawawa naman siya."
"Hindi rin. Hindi naman siya enjoy kasama sila. At gusto kong makapag-isa minsan."
Pagdating ng alas dos ng umaga, nagpaalam na ang mga bisita ni Roel. Nagpaalam na rin sa kanya si John.
"Sige, mauuna na kami. Sasabay lang ako kay Louie."
"Sure, John. Ingat kayo."
"Thanks. Ahh, Luc, may number ka ba?"
"Uhmm. John, mabuti siguro na hindi ko muna ibigay. Not that I don't like you. But better this way, ha?" Gusto niyang suntukin ang sarili sa mga binitiwan niyang salita.
"Ah sure. No problem po." at bumagsak ang mukha ng bagets.
Narinig ni Roel ang usapan at pinisil ang kamay ni Lucas. At nang sila na lang ang naiwan, sinabihan niya si Lucas.
"Bilib ako sa iyo, kapatid! Nakapagpigil ka. Sana nga ay maayos niyo ni Carl ang problems niyo."
- Posted using BlogPress from my iPad