Friday, October 26, 2012

Emily 11, John 3

"Luc, pinapatawag ka ni Boss Von." sabi ni Tere habang sinasalubong siya sa may lobby.

"Huh? Bakit daw? Galit ba? tanong ni Lucas.

"Ewan. Basta pinasok ko kahapon yung request mo for leave. Baka tungkol dun."

"Kailan? Ngayon na?"

"Pumasok ka na sa kwarto niya."

Dumiretso siya sa pinto ng boss at kumatok.

"Sir, si Lucas po. Pinapatawag niyo po ako?"

"Come in, Lucas." ang sagot ng boss. "Sara mo yung pinto. And take a seat."

"Opo." Tinignan niya ang boss niyang nasa desk pa niya, nakatingin sa mga pinipirmahan. At nung natapos, hinanap ang isang papel, ang leave request ni Lucas.

"I'll be straight to the point. I saw this request."

"Yes, Sir."

"One week leave. Eto na ba ang paternity leave mo?"

Nagulat at namutla si Lucas. Wala siyang sinasabihan tungkol sa kaso nila ni Emily, maliban kay Tere. Paano niya nalaman?

"Don't be surprised, Lucas. I know everything that goes on in here or sa field."

"ah Opo, Sir."

"Lucas, you are a performer. Turn-around guy ka. But I was so disappointed when I found out about what happened between you and Emily. Kayo pang dalawa. Parehong magagaling. Kung hindi nagresign si Emily, I was about to fire you. Hindi pwede sa kumpanya natin yan."

Yumuko na lang si Lucas sa kahihiyan. "Yes, Sir."

"Bakit hindi mo pinakasalan si Emily?"

Nagulat na naman si Lucas sa tanong ng boss. "Ah, Sir, kasi ... hindi pa ako handa. At hindi naman niya hiningi yun sa akin." Hindi pa rin niya lubos maisip na nagaganap ang pag-uusap na eto.

"Panindigan mo yang batang yan. Anak mo yan."

"Opo. Wala pong patid ang tawagan namin ni Emily."

"Tandaan mo, nobody is indispensable here. Don't mess with me. Ayokong maulit eto, is that clear?"

Napalunok na lang si Lucas. "Yes, Sir."

Ang laking takot niya sa kaganapang iyon. Hindi niya naisip na hahantong sa pagkatanggal niya sa trabaho kung sakali.

Nung kagabihan, tinawagan na niya si Emily upang mangamusta.

"Hello, Em. Musta na? Galing ka ng OB?"

"Uy. Oo. Nanggaling ako kanina. Healthy pa rin ang baby. On schedule daw. Ano, pinayagan ka ni Boss?"

"Oo, pero nasabon ako. Dahil sa atin. Alam niya pala ang lahat."

"Oo naman, si Boss pa. Bakit anong sabi?"

"Kung di ka raw umalis, kakasuhan niya ako. Hindi ko alam kung ano. Basta nagalit."

"Ay ang sweet ni Boss Von sa akin. Hanggang ngayon, inaalagaan pa rin niya ako." natawang sinabi ni Emily. "Tapos na yan. Wag ka ng mag-emo. Sus, naka-move on na ako! Hahaha"

Napangiti na rin si Lucas. "Thanks, Em. Ang bait mo talaga. Kung hindi lang..."

"Kung hindi ka lang bading eh nagpakasal na tayo, ganun ba? Haha"

"Mismo. Hahaha. Pero nagpapasalamat ako na isang katulad mo ang magiging nanay ng anak ko."

"Tama na ang drama. Anyway, naka-book na yung hotel mo. Sasama ba si Carl?"

"Hindi siya pwede. Ako lang. Buti na rin yun para naka-focus tayo sa delivery."

"Okay. Basta i-email ko yung reservation. Oh siya. See you in two weeks."

"Bye, Em. Thanks talaga."

Ang laki ng pinagbago ng kanilang ugnayan ni Emily. Naging maging magkaibigan na talaga sila. Excited na rin siyang pumunta sa Tacloban. Dun manganganak si Emily kasama ang kanyang nanay. May dumating na text.

"Ei, fren. Musta?" galing kay John.

"Im ok. Pagod. Ayos trip to Tacloban.”

“Uy. Sama ako. Wen?”

“Nxt wk.”

“Cool. Pagod k? Tara, masahe kta. hehe”
“Y? Magaling k magmasaj?”

“Yup. Nag-aral me. Nung wa pa work.”

Nagulat si Lucas sa alok ng masahe. “Ah. ok. sarap nga sana.”

“Ano? Bahay k n b?”

“Yup.”

“Punta me?”

“Nxt time. ok lng. kaya p.”

"K, fine. Txt txt. Swit drims fren"

Laking hinayang niya sa pagtanggi sa alok ng masahe. Dahil nararamdaman niya talaga ang pagod, galing na rin sa nakaka-stress na pag-uusap nila ni Boss.

Siguro, hindi na rin siya dapat magtaka sa ganyang alok ni John. Nung mga nakaraang araw, may ganyang landian sila sa text, at minsan sa telepono. 'Ika nga nila, maharot rin etong batang 'to.

Minsan, may mga 'mwah' at 'tsup' ang mga text. O kahit na yung 'Swit drims'. Ganyan kalambing ang bagets. At kung tutuusin, di na rin bagets si John. Nakatatlong jowa na rin siya. Single lang ngayon dahil ini-enjoy niya muna ang walang commitments. Marami ring nagpadaanan. Naging masalimuot rin ang nakaraan niya sa ibang jowa.

Galing siya sa isang simpleng pamilya. Kaya nagsumikap, bata pa lang. Kung anu-ano na ang mga binibenta sa mga kaklase. Maabilidad at may ambisyon. Sa sariling kayod nakapagtapos ng kolehiyo. Kasama na diyan ang crew ng Jollibee, ang pagiging sekretarya sa isang maliit na construction office. At ngayon, nalaman pa niya na nakapag-aral magmasahe ngunit hindi niya naipagpatuloy.

Masayang kasama si John. Nakapag-coffee na sila minsan. At dun, ang gaang ng pakiramdam nila sa isa't-isa. Kahit makulit at makwento, kaya rin niyang maging seryoso. Dun na aninag ni Lucas ang isang binatang balanse ang pananaw sa buhay. Kaya madali rin siya naging kampante sa kanya. Nakikinig lang kahit mga problema sa trabaho o sa kanila ni Carlito. Kahit sa kanya ay na-ikuwento na rin niya ang tungkol kay Emily.

Inaamin niyang nan duon pa rin ang atraksyon niya kay John. Siguro, mas lalo pang lumalim ng makilala niya ang pagkatao. Ngunit hanggang dun lang sila. Konting landian sa text. Konting lambing. Yung saktong kilig lang.

Binaba na niya ang kanyang cellphone at tinapos ang pag-empake. Kahit sa susunod pang linggo ang byahe ay tapos na ang bagahe niya. Excited siya maging tatay.

Ngunit naalala niya ang kanilang pag-uusap ni Emily. Hindi totoong maraming ginagawa si Carlito at hindi makakasama. Ang totoo ay malamig si Carlito sa ano mang balita tungkol sa bata. Akala niya noon ay lilipas rin, pag matagal na ang nagdaang panahon. Iba rin talaga si Carlito magtanim ng galit. Tahimik ngunit malalim ang pinanggagalingan ng poot. Akala niya, para kay Carlito, ang bata ay paalala ng sakit na dinulot niya. Mali pala. Noong isang away nila lumabas ang katotohanan. Tinuturing niyang parang karibal ang bata sa atensyon ni Lucas. At kung tutuusin, hindi lang sa atensyon, kahit sa gastusan. Malalim nga ang pinanggagalingan.

Tinabi na muna niya ang bagahe. Naramdaman ang pagod at nagpahinga. Masarap nga magpamasahe. Tinignan niya ang cellphone niya at hinanap ang isang pangalan - "Justin". Eto yung nirekomenda ni Carlito. Eto yung regular na nagmamasahe sa kanya. Natawa na lang siya ng maisip niya na parang kailan lang, eto rin ang kanilang pinag-awayan, ang masahistang nagbibigay ng extra service sa kanya.

Ang layo na rin ng pinagbago ng kanilang relasyon ni Carlito. Ngayon, tanggap na nila na okey lang ang masahe na may e.s. Basta hanggang dun lang.

Nagtext at nagpa-iskedyul ng masahe. Hindi pa niya nasubukan si Justin. At ang balitang performance level na e.s. ang kanyang hinintay.



- Posted using BlogPress from my iPad

1 comment:

Anonymous said...

the manager should or rather needs to mind his own business.