Friday, October 19, 2012

Carlos 25, John 2

"Babe, short ako for this month para sa rent."

"O, paano nangyari yun? Carl naman! Ang dami ko ring bayarin ngayon."

"I don't want to ask sana. Kaso, naningil na si Tita Remy."

Kinuha ni Lucas ang wallet at nag-abot ng pera. "Eto lang ang cash ko ngayon. O, eto."

Inabot kay Carlito, ngunit hindi niya itinago ang pagkainis.

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Anong gusto mo? Sino bang matutuwa, ka-aga-aga, utang agad ang pinaguusapan."

Bigla niyang binawi ang mga masasakit na salita. "Babe, I'm sorry. Marami lang trabaho. Sobra sa pressure."

"Ok. Sorry rin. Hindi na ako mag-short next time. Nagkasabay-sabay lang, Babe."

Niyakap ni Lucas si Carlito. "I know. I'm sorry, ok?"

Kapadala pa lang ni Lucas ang sustento ni Emily. Ika-pitong buwan na rin niya. At dumadalas na ang pagpapadala ng pera. Excited rin naman siya para sa pagpapanganak. At kung papayagan siya ng opisina makapag-leave, pupuntahan niya para masaksihan ang panganganak.

Nakatanggap siya ng text mula sa di kilalang numero.

"hey luc. c john eto. musta?"

"sori but john hu?"

"yung sa party ni Roel. yun truth or consqwens"

Bigla siyang kinabahan. Naalala niyang hindi niya binigyan ng number niya si John. Kanino kaya nito nakuha?

"helo. im ok. kaw?"

"im gud. eto ppasok work."

"ok. cge. txt txt n lng. bc pa."

"k. ingat."

Inaamin niyang may kilig pa rin. Naalala niya ang itsura ni John. Ang kinis ng kutis, ang ganda ng ngiti. Ang ganda ng hubog ng katawan. Ngunit hanggang dun lang dapat yun. Hanggang paghanga lang. Ipinangako niya sa sarili na hindi na niya guguluhin ang buhay niya.

Nagtext siya kay Roel nung nagkalibreng oras siya.

"teh, cnong nagbgay no ko k John?"

"cnong john?"

"yun bitbit ni louie sa diner"

"call me." At dali-dali niyang tinawagan si Roel.

"Sis, sino kaya ang nagbigay ng number ko?"

"Kapatid, malamang si Louie. Selosa yun. hahaha"

"Eh kung selosa, bakit niya ibibigay kay John?"

"Ay pwedeng resignation baga. Alam niyang walang mararating ang kanyang pagsintang pururot. HAHAHA"

"Teh, seriously? si Louie kaya?"

"Ma at pa! At bakit naman kailangan mong malaman?"

"Teh, ayoko na ng gulo."

"Gaga ka pala. De wag mong sagutin. Besides, ano ba sabi? Sex raw kayo?"

"Hindi naman. Hello hello lang ang drama."

"Chos! Kung ayaw mo, wag mo, teh! Ganun lang kasimple."

"Ayaw ko namang bastusin ang bata."

"Asus! Dinahilan pa ang pagbabastos! Aminin mong gusto mo rin!!!"

"Hindi no. Basta alamin mo lang, teh. At sabihin naman sana wag ng bigay ng bigay ng number ko. Alam mo naman na napakaselosa ni Carlito."

Nakaraan rin ang ilang araw bago nagtext si John sa kanya. Ngayon alam na niya dahil sinave niya ang number cellphone. Para alam niya ang kanyang iiwasan.

"ei luc. musta?"

Pinalipas niya ang ilang sandali bago magreply.

"hey. im gud. tnx. can i kol?"

"sure bro."

Tinawagan niya agad ang bagets.

"Hey John. ahmm. You know naman may partner ako."

"Oo naman. Malinaw. Dude, all I want is to be a friend. Wala naman akong balak na iba. Luc naman."

"Ah..I'm sorry for jumping to conclusions. Ayaw ko lang kasi gulo."

"Look, Luc. Ay ang saya! haha magka-rhyme! Anyway, look, among the rest kasi ikaw lang ang magaang ang dating. At pareho tayong nasa sales kaya gusto kitang maging kaibigan."

"Ah ganun pala naman. Ok. Sorry, praning ako."

"And I respect that. Mabuti ngang ganun. So malinaw na ang lahat? So we could be friends?"

"Sure, sure. Salamat. At sorry talaga sa assumptions ko."

"Ok lang yun. Minsan coffee tayo. Kuwentuhan mo ako, okay?"

"Sure. Friends! Gotta go! Bye!"

Nakangiti pa rin si Lucas habang binabalik sa bulsa ang cellphone. Masaya dahil nalinaw niya kay John ang magiging estado ng kanilang samahan. Ngunit di pa rin maalis na may atraksyon siya kay John. At dahil dun, itutuloy niya ang kanilang "friendship."

Napadaan siya sa isang department store pauwi upang bumili ng mga gamit para sa katawan at sa buhok. Nakita niya ang paboritong shampoo ni Carlito, shampoo na matagal na niyang hinahanap. Binili niya, para na rin makabawi sa kasungitan niya kanina.

Pagdating sa kanilang bahay, nadatnan niya si Carlito paalis pa lang ng bahay.

"Oh Babe, you're still here?"

"Hello Babe. Yeah, binago na naman ang shift ko. Hay. Napapagod na ako, Babe."

Niyakap niya ang mahal. "Hold on, Babe. Mahirap humanap ng trabaho. At di rin maganda kung pabago-bago ka ng kumpanya."

"Hay, I know. Nahiya rin ako sa iyo, Babe."

"Don't worry, okay? Basta nandito lang ako." Hinalikan niya si Carlito sa labi. "Sige, ako na bahala dito." At sabay kuha ng pasalubong. "Babe, I got you this"

"Uy! Saan mo nakita? Tagal ko ng hindi nakikita eto!"

"Dun sa Rob. Mayroon dun."

Niyakap ni Carlito si Lucas ng mahigpit. "Thank you, Babe. I love you." Umalis na rin siya papuntang trabaho.

Nang matapos ang kanyang hapunan, naligo si Lucas. Masarap ang shower. Relaxed kasi ang pakiramdam niya. Umupo siya sa sofa at nanuod muna ng TV. Walang gaanong magandang palabas. Tinignan niya ang cellphone para sa mga messages. At nang makita niya uli ang message ni John, naisipan niyang i-text.

"ei. gcng p?"

"ei, luc. yup. d p antok. ano gawa u"

"la lng. nuod tv. tamad."
"hehe. ako gawa report."

"cge d kta disturb."

"k lng. basta kaw, fren." Natawa siya sa "fren" nung nabasa niya. Seryoso naman etong bata maging kaibigan lang.

Tinext rin niya si Louie, ang kaibigan na nagdala kay John sa hapunan ni Roel.

"Teh, Luc here. Can i kol?"

Matagal rin ang lumipas bago sumagot si Louie.

“Sure, honey”

“Hello, Louie!”

“Oh ano? Napatawag ka, bakla?”

“Nangangamusta lang.”

“Hindi! Naku hindi ka nangangamusta! HAHAHA” Kung maingay si Roel, mas maingay pa etong si Louie. Natatawa na lang siya habang kausap niya.

“Oh di ba? Alam ko ang pakay mo, kapatid. At oo, ako ang nagbigay ng number mo sa haliparot na yun.”

“Haliparot? Teh, bakit mo naman binigay ang number ko?”

“Aba, galit ka pa? WAHAHAHA Teh, aminin, may kagandahan ang jagets!”

“Oo naman. Pero alam mo namang may jowa ako. Super seloso pa.”

“Huwell, hindi ko problema yan. HAHAHA. And for the record, ayaw ko sanang ibigay. Kaso ang kuleeeeet!”

Kinilig na naman si Lucas. Mukhang type na type siya ni John.

“Wait, di ba type mo yan? Di ba kayo?”

“Heeexcuse me! Kapatid EX-type ko siya. At binasted ko na siya.” Sa pagkakilala niya kay Louie, mukhang baliktad ang tunay na kuwento. Ngunit sinakyan na lang niya.

“Bakit naman, kapatid? Gwapo naman”

“Ay! eh kung kasing kati ba naman ng balat ng sayoteng kinudkud mo sa iyong singit! Wag na!”

“Ah ganun ba siya?”

“Naman! Player yan no? Joz ko! kung anong inosente ng fez, yun naman ang kakatihan sa tunay na anyo! WAHAHA!”

“Hahaha. Ikaw talaga, mukha namang mabait.”

“Bakeeet? Nahuhulog ka ba? May namumuo na ba??”

“Wiz, teh. Intrigera ka ha? Friends lang kami. Hanggang dun lang yun. Ayoko ng komplikasyon.”

“Teka, narinig ko na yan. HAHAHA”

“Hindi, teh. honest. Hanggang dun lang. Anyway, wala na akong magagawa. Nasa kanya na ang number ko.”

“Flakak! Teh, kung hind mo type, wag mo! He’s a big boy. He’ll understand WAHAHA”

“Yah, baka nga ganun mangyari. Anyways, sige, teh. Salamat na rin!”

“Oh di ba? talagang si John lang ang topic natin! Ni hindi mo ako kinamusta!? Wahaha”

“Ay sorry naman! Kasi ikaw, siningit mo agad si John!”

“Joke lang, teh! hahaha napakadefensive mo! Baboo!”

Mas lalo tuloy siya na-intriga kay John. Player nga kaya o bitter lang etong si Louie? Hindi niya mawari ang katotohanan. Ngunit malinaw sa kanya na ang nais lamang niya ay maging kaibigan.



- Posted using BlogPress from my iPad

2 comments:

StripZoo said...

sana may kasunod...

Unknown said...

I need handsome textmate/partner.
I'm discreet Bi, 20y/o
09358987388