"Ano problema?" tanong ni John kay Lucas habang banayad niyang hinahaplos ang buhok niya. "Parang hirap kang tayuan."
"Pagod. Sorry. Daming iniisip."
"Ahhh. It helps to talk about it."
Nagbuntong hininga si Lucas. "Yeah. Well, minsan ang gulo ni Carl. Hirap dalhin. Tumagal na rin kami."
"Nag-aaway na naman ba kayo?"
"Kailan ba hindi? Laging may napapansin. Laging nakasimangot. Haaay."
"Siguro, may problems rin siya kaya ganun."
"Lahat naman mayroon. Kailangan ba niyang laging ibubuhos pag-uwi? Anyway..." , nagbuntong hininga na naman si Lucas. "Ganyan talaga."
"How many more minutes?" tanong ni John.
Tumingin sa relo si Lucas. "I need to go by 9pm. Sorry, babe."
"Ok lang. Wag mo akong isipin. Cuddle uli." at niyakap ni John si Lucas.
Ang sarap ng pakiramdam pag kasama niya si John. Yakap pa lang, nakakapawi na ng pagod. At masaya siyang walang reklamo si John pagdating sa kanilang mga lakad at tagpuan. Kahit minsan, i-cancel niya ang lakad dahil sa trabaho, o kay Carlito.
Bumitaw na rin siya at nag-umpisang magbihis. "Babe, get the bill na."
Pauwi, may bigat sa kanyang dibdib. Nahuhulog na nga siya kay John. Kahit hindi nila pinag-uusapan ang ganyang mga bagay. Para lang talaga silang magkaibigan, maliban sa paminsan-minsang pag-sex.
Ganun ang samahan nila. Walang pag-uusap tungkol sa nararamdaman. Walang mga "I love you" o kahit man "I miss you." Ang pinakalambing na nila sa isa't-isa ay ang tawagan ng 'Babe'. Kung ano ang ginagamit niya kay Carlito, yun rin ang ginamit niya kay John. Para hindi mahuli kung sakaling magkamali sa text.
Pati yun naiisip niya. Kahit ang pagsisinungaling. Para hindi mahuli, kailangan plantsado ang mga dahilan. Kaya nga minsan, kung mukhang alanganin ang sitwasyon, hindi niya tinutuloy makipagkita kay John. Na hindi naman kinasasama ng loob ni John. Parang wala lang. Kaya mas lalo siyang napapamahal kay John.
Ganun pa man, marami pa rin siyang di nalalaman tungkol kay John. Hindi man niya alam kung may ibang date siya. Hindi rin nagkukuwento. Takot rin naman siyang tanungin kasi may mararamdaman na rin siyang pagseselos. Kahit wala siyang karapatan magselos. Eto nga siyang may jowa, ngunit parang hindi naman pinagseselosan ni John.
Nakahain na ang pagkain niya sa bahay pagdating. Sinigurado ni Carlito na bago umalis ay natapos ang mga tungkulin sa bahay. Sa mga ganung bagay, nakakabawi naman siya.
Nagtext si John. "Nkuwi n me. u?"
"Home n babe. rest k n." yun lang ang sagot niya bago niya dinelete ang buong thread. Maingat pa rin siya.
Tulog pa rin siya ng dumating si Carlito mula sa trabaho ng madaling araw. Sinilip muna sa kwarto ang nahihimbing na jowa bago nag-ayos at naligo. At nang matapos na, tumabi na siya sa kama.
Tinignan niya muna si Lucas sa pagtulog. Humihilik pa rin. Ngunit nakasanayan na niya. At nang pinatong na niya ang kumot sa kanyang mga paa, naramdaman niyang may nahulog na gamit sa sahig. Gamit ang flashlight, hinanap niya kung ano ang nahulog. Ayun at nakita niya ang remote ng stereo ang nahulog mula sa kumot. Uminit na naman ang ulo niya. Ilang beses na niyang sinabing itatabi ng maayos ang remote. Hay. Yan ang problema kay Lucas. Kahit maayos sa gamit sa kabuuan, minsan may kakakalat pa rin. Away na naman eto.
At away na nga ng umaga ang nangyari. Galit na galit na naman si Lucas na pumasok sa trabaho. At habang nasa kotse, tinawagan si John upang maghinga ng sama ng loob.
"Busy? On your way to work?
"Nope. Dito na ako kanina pa. Musta?"
"Haay. Away na naman kami. Kainis."
"Cool ka lang, babe. Natural lang yan."
"Natural pa ba naman eto, babe? Lagi na lang. At talagang hindi niya palalagpasin. Kahit puyat siya, gigising at gigising para awayin ako. Tama ba naman yun??"
Natawa ng bahagya si John. "Hindi ka na nasanay sa jowa mo."
"Hay. Oo nga. Hey, gotta go pala. Nasa office na ako."
"Basta cool lang, babe."
Naglunch sila ni Tere upang magkwentuhan.
"Kamusta na si Baby Matt?" tanong ni Tere.
"Ok naman. Hindi pa kami nag-update ni Em. Pero siguro naman ok lang."
"Ah ok. Bakit hindi na naman maipinta ang mukha mo?"
"Hay, Tere. Di ko na makaya."
"Ang alin?"
"Si Carl. Lagi na lang kaming away ng away. Kahit maliit na bagay."
"Luc, ganyan lang talaga magmahal yang jowa mo."
"I know. Kaya nga mukhang di ko na matatagalan."
"Pag-isipan mo yan. You know what happened the last time, remember?"
"Oo nga. Pero kung.. Well, kung masabi ko ng maayos..."
"Mukhang pinag-isipan mo na. Decided ka na?"
"I don't know. Hindi pa naman. Pero napupuno na ako."
"And besides..."
"Besides what?"
Gustong-gusto na niyang banggitiin si John sa kanya. Gustong-gusto na niyang ikuwento ang kanilang ginagawa. Wala siyang nasasabihan tungkol sa nangyayari sa kanila. Wala siyang masabihan tungkol sa kakiligan niya, sa mga nararamdaman niya para kay John. Ngunit, pinigilan pa rin niya. Ayaw niyang may ibang maka-alam. Gugulo lang.
"Besides, wala na rin kami anything in common."
"Fren, mabigat yang dala-dala mo. Pero in fairness to Carl, pag-usapan niyo muna. Don't make a decision yet."
"Usap na naman? Eh lagi nga kaming nag-uusap. Nauuwi lang sa away."
"Hay, fren. Di ko alam. Ang bigat-bigat."
Abala sa trabaho si Carlito. Nung napunta siya training, ang dami na niyang ginagawa at hinahawakang responsibilidad. Ngunit kahit gaano ka-hectic ang schedule niya, hindi pa rin lumilipas ang araw na hindi niya naiisip si Lucas. At ang buhay nila.
Marami ng nagbago sa kanila. Kung tutuusin, nag-open na sila ng relasyon. Pinagbigyan na ang kakatihan. Ang libog sa ibang lalaki. Wala naman siyang reklamo. Nag-eenjoy rin naman siya sa mga threesome nila. Ngunit lahat yun, ginawa niya dahil alam niyang yun ang gusto ng jowa.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, may dumating sa kanyang text mula sa isang numerong di kilala.
"Jowa mo. bantayan mo."
Nagtaka siya. At biglang kinabahan. Sumagot siya.
"Hu u? wat u mean?"
Hindi na sumagot ang misteryosong numero. Nagdaan ang isang oras at wala pa ring sagot.
Uminit ang pakiramdam niya. At bigla na lang nawala lahat ng tungkol sa trabaho. Anong ibig sabihin nito? May ginagawa na naman ba etong si Luc? Seseryosohin niya ba eto? Bakit hindi na sumagot?
Pinagpasya niyang wag pansinin muna ang text. Baka ligaw na text lamang. Ngunit sinave niya ang numero "Mystery Caller".
- Posted using BlogPress from my iPad
1 comment:
I really do hope the story would move in a different direction...
Post a Comment