Thursday, November 29, 2012

John 6, Carlito 28

Sinabi man niya sa sarili niyang hindi niya papansin ang text, nag-umpisang mag-imbestiga si Carlito tungkol sa mga gawain ng jowa. Ngunit wala naman siyang napapansin pang kakaiba. Hindi naman madalas nagpapaalam na lumabas, kahit officemates o barkada ang kasama. Nung minsan, sinilip niya ang cellphone messages. Wala rin namang kakaiba dun. Lumipas ang ilang araw at nalimutan na rin niya ang text na yun.

Hanggang nag-text uli ang Mystery Caller.

"di mo nababantayan jowa mo. lumalandi. dont be stupid"

Dali-dali niyang tinawagan ang numero. Hindi sumasagot. Nagpadala siya ng text.

"hus dis? y u doin dis?"

Wala na namang reply. Tahimik na naman. Nanggigil siya dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya. Wala naman siyang napapansin na kakaiba. Talaga kayang ginagawang siyang stupid at tanga ni Lucas? Paano naman?

At parang script sa sine, nagtext si Lucas sa kanya.

"Babe, nagyaya d2. inuman daw. gagabihin ako."

Eto na kaya ang pagkakataon upang mahuli niya si Lucas?

"Sure babe. san gimik?"

"metrowalk daw." yun lamang ang sagot niya.

Ngunit nagplano na siya kung paano niya iimbestigahan si Lucas.


"Sir, inuman mamaya sa Metrowalk." bulong ng isang ahente, si Tom, sa kanya. At nagsenyas ng 'text' sa kanya.

Nangiti si Lucas sa imbitasyon. Siya lang kasi ang manager na iniimbita ng mga taga-field sa inuman. Siguro dahil matatanda na ang iba, at hindi kwelang kasama. Siya rin ang tumatayong 'kuya' nila, napaghihingahan ng mga sama ng loob sa iba't-ibang aspeto ng kanilang trabaho.

At naisip ni Lucas na eto rin ay isa na namang pagkakataon na makasama si John muli.

"ei, pwede k mmy?"

Mabilis ang reply ni John.

"l8 pa. may ot."

"k lng. inuman muna kmi. 10?"

"k. pano? san?"

"kta metrowalk."

"k. txt txt"

Nabuhayan na naman ng loob si Lucas. Matagal-tagal na rin ng huli silang magsama. Na-miss na niya ang yakapan at halikan. At dun siya nag-text kay Carlito.

Kinakalkula ni Carlito ang oras. Dapat maka-alis siya ng opisina ng alas-singko para umabot sa Metrowalk ng alas-sais. Yun ang oras na lumalabas sina Lucas mula sa opisinang malapit lang.

Tinawagan niya ang kaibigan niyang si Rene.

'Teh, samahan mo ako."

"Oh napatawag ka, kapatid? Saan kita sasamahan?"

"Manghuhuli tayo."

Natawa ng malakas ang bakla. "Ano naman ang huhulihin natin?"

"Kuwento ko mamaya. Kita tayo by 5pm"

"Ha? Ngayong gabi ba?"

"Yes. Sige na. Kailangan ko ng kasama."

"Fine, fine. Pasalamat ka light ang tanggap ko ngayon."

"Dun na tayo sa Starbucks magkita sa Metrowalk, 530pm pala"

"Hindi na 5pm?"

"Paalis ako office by 430pm. Kwento ko mamaya."

Binaba ang telepono. Kumakabog na naman ang dibdib niya. Halong excitement na mala-Imbestigatdor sila. Biglang nagbago ng naisip niya kung anong gagawin niya kung wala nga dun si Lucas. Paano kung mahuli niya ngang nagsisinungaling lang siya? Hindi niya muna inisip. Ang mahalaga ay ang makarating sila dun upang hanapin si Lucas.


Pasado alas-sais na ng makarating si Lucas sa Metrowalk. Hinanap ang lugar ng inuman at nakita ang tropa ng mga ahente. Nakahain na ang mga beer at pulutan para sa lahat. At mabilis siyang pinagsilbihan ng mga kasama.

Masaya ang kwentuhan at tuksuhan. At may naglakas-loob na tanungin siya tungkol kay Emily. Nangiti siya at binanggit na lang niya na tahimik na si Emily at ang kanyang mga anak. Kuha nila agad na hindi pa rin komportableng pag-usapan ang tungkol sa kanila. Kaya iniwasan na rin.

Hindi man niya napapansin ang oras ngunit tingin pa rin siya ng tingin sa cellphone niya para sa messages ni John. Ang usapan, iiwan na lang niya ang kotse sa Metrowalk at susunduin siya ni John na naka-taxi lang. At diretso na silang check-in. Hay, makikita na naman niya si John.

"Puta ka, ikaw pa late!" pagalit na bati ni Rene kay Carlito. "30 minutes na ako dito."

"Sorry. Sorry. Ang traffic. Ang hirap kumuha ng taxi. Sorry kapatid."

Pumunta agad si Carlito sa counter upang mag-order ng kape. Pagbalik niya, inumpisahan na niya ang kuwento tungkol kay "Mystery Caller."

"So nandito tayo para hulihin ang jowa mo? At paano naman natin gagawin yun?"

"Kutob ko hindi officemates ang kasama niya. Pakiramdam ko magkikita sila ng kabit niya."

"Akala ko ba hindi mo dapat pansinin yang text na iyan?"

"Ewan ko ba, pero after the 2nd text, tamang-tama naman nagpaalam si Luc. Kaya parang biglang may nag-connect sa utak ko."

"Women's intuition ba eto, kapatid? Hahahaha"

"Gaga! Basta ang plano, hahanapin mo si Carlito."

"Diyos ko! Sa dami ng mga kainan dito, paano ko naman mahahanap yun?"

"Hayaan mo, magte-text yan. Nagsasabi kung nasaan na siya."

"At kung wala siya dito? E kung sa iba pala sila nag-date?"

"Oo nga. Well at least, nahuli ko ang pagsisinungalin niya sa akin. Lintik pa rin siya sa akin."

"Fine"

May kalahating oras rin ang dumaan bago nagtext si Lucas kay Carlito. "Babe, d2 lng kmi s Dencio"

"Ayan na, teh! Nagtext na O, simple ka lang ha. Wag pa obvious"

"Ano ba? Best actress awardee 'to, no?" At lumayo na si Rene, patungong Dencio's. Ang daming naglalaro sa isip ni Carlito habang naghihintay. Nandyan na rin ang pagaalinlangan sa ginawa nila. "Tama bang pagkatiwalaan ko ang isang text?" Ngunit hindi rin niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kung mahuli nga ni Rene si Lucas na may ka-date. Susugurin ba niya? Mag-iiskandalo ba siya?

Hindi na rin nagtagal ay bumalik na si Rene. Walang masyadong imik.

"Teh.."

"Ano? Ano? May ka date si Luc?"

"Teh.."

"Tang-ina naman, kapatid! Ano ba?"

At bigla na lang humalakhak ng malakas ang bakla. " WALA! Hahaha"

"Huh? Anong wala? Wala siya dun?"

"Gaga! Nandun ang jowa mo. Tama at nandun siya."

"Sinong kasama?"

"Yun ang mali. I mean, mali ang hinala mo! Kapatid, puro tropa sa opisina sila! Naka-uniform pa! Hahaha"

Parang nakahinga si Carlito. Yun rin naman ang gusto niyang marinig. Ayaw na niyang pagdudahan si Lucas. At hindi niya talaga dapat pinatulan ang bwisit na text na yun.

"Salamat, teh. Malaking kabawasan sa isipan ko yun."


Nagtext si John sa kanya. "Babe, can i kol?"

"Sure." at dali-dali siyang lumabas ng restaurant dahil maingay.

"Babe, hey, maaga akong makaka-alis. Can you escape early?"

Ngumiti si Lucas. "Yup, yup. I told them hindi naman ako magtatagal."

"Great, babe. In 30 minutes, nandyan na ako. Patatabi ko sa may Starbucks yung taxi. Dun ka pumunta pag tumawag ako."

"Okie!" at binaba niya ang telepono. Agad siyang bumalik sa mga ka-opisina. At pag-upo niya, napansin niya ang isang pamilyar na mukha na pumasok sa loob ng Dencio's. Si Rene, kaibigan ni Carlito. Tumayo siya upang batiin.

"Uy, Rene! Musta?"

Nangiti at inabot ang kamay. "O, nandito ka. Sinong kasama mo?" tanong ni Rene.

"Ayun kami, officemates. Ikaw, sinong kasama mo? Saan kayo?"

"Ahh dun lang sa may mga dvd. Wala, ako lang."

"Ah ok. Sige, balitaan na lang."

"Pakikamusta ako kay Carl, ha?" pinahabol ni Rene habang palayo si Lucas.


"O kapatid, tigil na yang kabaliwan ha? Mukha namang matino na ang jowa."

"Oo nga. I feel bad tuloy for suspecting. Stupid text kasi."

"Ganun talaga. Minsan may mapanirang-puri diyan. May galit lang siguro sa jowa mo."

At tinuloy na lang nila ang kuwentuhan.

Pagkaraan ng ilang sandali...

"Oh ayan na si Lucas... Saan papunta?"

Biglang tumingin sa labas si Carlito. Nakita niyang nagmamadaling naglalakad tungo sa may direksyon nila! Ngunit papuntang kalye.

"Teh, tignan mo nga." Pareho silang tumayo ngunit si Rene lang ang pumunta sa may pinto upang tignan kung saan patungo si Lucas. At dun niya nakitang patungo sa isang naghihintay na taxi.

Hindi nakatiis si Carlito at sumunod. At nakita rin niya ang taxi na naghihintay, na may lalaking naka-upo sa harap. Biglang kumabog ang dibdib niya. Dun ay biglan niyang naramdaman na may kakaibang tagpuan na magaganap.

Madali siyang lumabas at tinawag si Lucas habang palapit na eto sa taxi.

"LUCAS! LUCAS!"

Napatingon si Lucas at biglang namutla pagkakita kay Carlito.

Sumisigaw na si Carlito. "Lucas, huwag kang sasakay!" At dun pa lang niya natignan ang lalaki sa harap ng taxi. Nakatingin lang sa kanya na nagtataka, hindi makaintindi sa mga nangyayari.


Binuksan ni Lucas ang pinto.

Palapit na sa taxi si Carlito, kasunod si Rene. "FUCK YOU, LUCAS! DONT YOU DARE! :



- Posted using BlogPress from my iPad

2 comments:

Fifty shades of Queer said...

Hi CC! I'm new to your blog and I'm loving it already. I came across your blog through Love Yourself website.

Btw, I'm starting mine as well. Can I plug it through yours?

http://fiftyshadesofqueer.blogspot.com/

chink said...

Ang ending ... palengkera ang peg!!! PEACE ;-)