we have been getting a lot of feedback from that Q&A part 4 fabcast, both positive and negative. and it has spawned comments and even blogposts, again both positive and negative! nothing like a controversial topic to become a lightning rod of sorts!
siyempre, makikisawsaw rin ako! and it starts with...
dear boyshiatsu,
salamat sa iyong pakikilahok sa aming talkayan! kababasa ko pa lang ng iyong post tungkol dito, na ginamitan mo ng napaka-creative na handle, ang Misa! bilib ako sa iyo!
nalungkot naman ako na mas lalo kang nabaliw dahil sa aming fabcast. baliw naman talaga kami! lol pero seriously, nagulat ako dun sa feedback na 'feeling na nabastos ka'. alam kong di namin sinadyang mambastos ng kahit sino, lalong lalo na ang isang listener/reader. kung ganun man ang dating, ako ay humihingi ng paumanhin.
sa tanong mo lumabas ang katotohanan na ang mga bading ay hindi nagkakaisa sa mga pananaw. kung ang hinahangad mo sa tanong na iyon ay mapulsuhan ang sankabadingan, marahil ang nakuha mong boses ay marami at magkakaiba. ganun talaga, kahit sa pagkaliit-liit na lupon ng Fabcasters at peanut gallery! iba't-iba ang aming mga background, mga current situation. yun na rin ang pinanggagalingan ng aming masigabong talakayan sa bawat fabcast.
ako, wala akong patumangging gumamit ng sex worker. at talaga namang napakinapabangan ko na ang marami-raming sex worker. mula sa therapist na dyakol lang ang serbis, hanggang sa mga indie actor na all the way. nagkaroon na rin ako ng lover na dating sex worker. at di malayong isipin na mahulog ang loob ko sa isang taong mabait, mapagmahal at sex worker on the side.
ngunit sinang-ayunan ko si migs nung fabcast. dahil naintindihan ko ang kanyang pinanggalingan. at aaminin ko rin na kahit ganun ako ka-liberal minded sa mga sex workers, di ko maaalis na magkakaroon ng ibang kulay ang aking pananaw pag nalaman kong sex work ang ginagawa ng isang tao, kahit isang saglit lang ng pagkukulay.
ang pakiramdam ko, yun lang naman ang gusto ni migs na lumabas mula sa mga fabcasters. ang tanggapin na kahit kaunti, may pagbabago o nagkakaroon ng ibang kulay ang pananaw ng taong binansagan na 'sex worker'. ngunit sadya ring hindi pala ganun. para sa iba sa amin, walang bahid sa pagkatao ang trabahong sex work.
boyshiatsu, malawak ang mundo ng bading. kahit na tayong mga bading ay biktima ng diskriminasyon at bias, makakatagpo ka pa rin ng mga bading na may angking diskriminasyon sa ibang bading. ngunit sa bawat matagpuan mong ganung bading, marahil mas marami ang malawak ang pang-unawa. at sadyang tatanggapin ka bilang ikaw, at iyong 'sideline' ay walang kinalaman sa kanilang pakikitungo sa iyo.
ang hangad ko para sa iyo ay kapayapaan sa iyong mga lifechoices. at kalakip nito ang self-respect. tulad na rin ng salitang pinaglilinayan mo sa blogpost mo - rispeto. rispeto sa sarili ang puno't dulo.
cc
- Posted using BlogPress from my iPad
2 comments:
napakinggan ko ang fabcast...
i read mcvie's after thoughts...
boy shiatsu's reflection...
maganda ang kinalabasan ng fabcast..
walang pretentions..
it only shows, magkakaiba talaga ang mga pananaw ng tao.
but honestly, i like the way you wrapped up the whole fabcast thing...
thanks, anonymous one!
Post a Comment