Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng mabasa niya ang text. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Ngunit mga ilang sandali pa at nag-ring na rin ang cellphone niya. Si Carlito ang tumatawag.
"Tang-ina, sino yung Pao na yan?" halos pasigaw na si Carlito.
"Will you calm down? Ano ka ba? Wala yun. Anak ni Andrew yung, inaanak ko.." pinagdarasal niyang walang kaba at alinlangan ang boses niya. Isa lang ang solusyon. Labanan ng sigawan.
"Fuck you. Dont make me stupid, Luc. Di ako tanga!"
"Tang-ina, will you please calm down!" pasigaw na rin ang boses niya. At nagtitinginan na ang mga taong napapadaan. Lumapit na rin si Emily. Nagsenyas ng "Okay ka lang?". Tumungo lang siya. At nagsenyas rin ng "Wait lang"
"Carl, nasa labas ako! Hindi natin pag-uusapan eto ngayon. Masyado kang malisyoso! Tatawagan kita mamaya!" at sabay sara ng telepono. Nanggigigil pa siya sa galit. At tumatakbo ang utak niya, nag-iisip ng kung paano magiging buo at kapanipaniwala ang kuwento.
Binalikan niya si Emily. "Anong nangari? Ok ka lang?" tanong ng dalaga, concerned, nagaalala.
"Yeah, yeah... sa bahay. Si nanay." tinuloy-tuloy na ang pagsisinungalin. "Ok lang ako, Em. Siguro uwi na lang tayo."
"If you want to talk about it, Sir..."
"No, Ems. I dont want to talk about it, okay?"
"Sige, Luc. Ok lang. Uwi na tayo. Gusto mong magpahinga sa bahay muna?"
Shit. May balak pa ata etong hitad.
"Iuuwi kita Ems. Id rather be alone."
Pinaghandaan niya ang kanilang magiging talakayan. Walang masyadong alam si Carlito sa mga ahente niya. Kaya niyang panagutan ang angulo na ninong siya ng anak ni Andrew. Ang kailangan lang ay madepensa niya ang pag "miss you" sa isang batang onse anyos lang.
Mahaba ang naging away. Kahit napuputol ang cellphone call, itutuloy pa rin. Di agad bumenta ang storya ni Lucas kay Carlito. Matalino kasi rin etong si Carlito. Parang abugado kung magtanong at mag-analyze. Ngunit sa kahulihan, kumalma rin.
Ninong siya ng bata sa kumpil. Naging malapit sa kanya dahil minsan, sinasama ng tatay sa mga lakad ng team. Magkikita sila dahil pinangakuan niya ng laruan. At nami-miss niya ang kanilang paglalaro. - Yun ang kwento niya. Paninindigan na lang niya. Tatandaan upang hindi magkamali sakaling mabalik ang usapan.
Nung huminahon na si Carlito, nag-umpisang umiyak. "Babe, I swear, I can't lose you. I love you so much."
"I love you rin, Babe. You know that. I'm so excited nga about your visit, di ba?"
"Naku Babe, makakapatay ako kung malaman kong may ginagawa kay dyan."
"Ano ba, Babe, stop thinking like that! We have this future pa, Babe."
Sa wakas, natapos rin ang paguusap. Bumalik din sa normal. Ngunit nung gabi na, hindi pa rin siya makatulog. Inisip niya si Paolo, at ang kanilang samahan. Malinaw naman sa konsensiya niya na hindi sila magsyota. Kaya hindi naman siya talagang nangangaliwa... pa. Ngunit nahuhulog na rin siya sa bagets. Iba ang pakiramdam niya pag sila'y magkasama. Hay naku. Bahala na nga.
"Kuya, matamlay ka." bati sa kanya ni Paolo. Papasok sila ng simbahan, isang lugar na matagal na rin niyang di pinupuntahan. O iniiwasan. Hindi rin niya kasi binalikan mula ng naging sila ni Carlito, dahil nga iba ang pananampalataya ni Carlito. Ngunit alam niyang dahi-dahilan lang yun.
Di niya nararamdaman ang pangangailangan magsimba. Ngayon pang nasa malayo siya at wala na ang Ate at Nanay para magpa-alala. Ang pagsimba ay isang makalumang gawain. Naniniwala pa rin naman siya sa Diyos, sa Birheng Maria ngunit sa kanyang sariling pagdasal na lang, bago matulog.
Si Paolo, palibhasa'y bata pa, ang nagyayaya. Wala namang mawawala kung sumama siya. Kaya minsan, nagsisimba na rin silang sabay. Ngunit ngayon, parang gulong-gulo ang isipan niya. Sariwa pa rin ang pag-aaway nila ni Carlito. At sariwa pa rin ang mga kasinungalingan na sinabi niya, upang ipagtakpan ang kanilang samahan ni Paolo.
Nakalusot siya ngayon. Eh bukas, sa kamakalawa? Makakalusot pa rin kaya siya? Napatingin siya sa imahen ni Kristo. At naramdaman niya ang tinik ng konsensiya niya, kinukurot ang puso niyang salawahan.
Tinignan niya si Pao sa tabi niya, mataimtim na nagdarasal, pagkatapos mangomunyon. Nakapikit, bumuka ang bibig. Marahil kinakausap ang Diyos. Pakikinggan kaya siya, pag binitiwan na ni Lucas ang pagpapaalam?
Hindi tatagal at gugulo pa ang buhay niya kung patatagalin pa niya ang kanilang pagsasama. Ngunit kaya ba niyang durugin ang puso ni Paolo? Kailangan humanap siya ng paraan. Huwag biglain. Dahan-dahanin.
"Kuya, may problem ba?" hindi na nakapagpigil ang bata, hindi na maitago ang kaba niyang nararamdaman. Pareho silang wala masyadong gana habang kumakain.
"Ewan ko, Pao. Magulo utak ko... Nag-away kami ni Carlito."
"Ahh. May kinalaman ba sa atin yan?"
"Katangahan ko, Pao. Na-forward ko text mo sa kanya kagabi. Nagalit. Nagsisigawan kami."
Tumahimik si Paolo.
"Pao, lie low muna tayo. Alam mo namang parating si Carl sa end of the month."
"Sabi mo, Kuya, walang magbabago."
"Pao, I know. I know that. Kaso, ayoko ng gulo. At ayokong madamay ka. Nilusutan ko lang yung katangahan ko."
"Gaano katagal? Parang cool off lang?"
"Concentrate ka muna sa work mo. Kailangan mo rin naman. Until after maka-alis siya from here."
"More than two weeks rin iyon."
"Please, Pao. Konting tiis lang tayo. I promise, after umalis na siya, back to normal."
"Sige Kuya. Sabi ko naman sa iyo, hindi ako magiging pabigat sa iyo."
"Thanks, Pao. I promise, we'll have fun, back to normal."
"Kuya, hatid mo na ako pauwi."
Sa kotse, tahimik na naman silang pareho. Walang imikan. Ano ba etong pinasok ko? tanong ni Pao sa sarili niya. Dalawang linggo? Anong gagawin niya pag-weekend? Nasanay na siyang lagi silang magkasama. Alam na nga niya ang drama pag may text o tawag mula kay Carlito. Patay lahat ng radyo o dvd. Tahimik. At sa katahimikan na iyon, kahit aliwin pa niya ang sarili niya sa pagbabasa, naririnig niya ang usapan nilang magjowa. At parang tinutusok-tusok ang kanyang puso ng kanilang mga pag-uusap.
Kaya niya bang iwan si Kuya? Hindi. Nakita niya kay Lucas ang taong hinahangaan mula ulo hanggang paa. Idolo niya si Kuya. Isang taong nakapag-angat ng sarili mula sa hirap. Sa lahat ng anggulo, panalo si Kuya. Successful sa career, gwapo at magandang katawan. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kanya?
Yun lang nga, may sabit. Alam naman niya yun. Kahit hindi agad sinabi sa kanya. Kahit ano pa ang saway sa kanya ng tropa, tinuloy niya ang pakikipag-ugnayan kay Lucas. Walang ibang nakapagpaligaya sa kanya, binigyan siya ng halaga. At kahit sa maliit na mga bagay, ipinamalas sa kanya ang kalinga at pagmamahal.
Kaya ko eto. Kakayanin ko eto. Kailangan ni Kuya ng suporta ngayon. Titiisin ko. Yun ang mga tumatatak sa isipan ni Paolo. Baka balang-araw, kung masiyahan siya sa Cebu, hindi na siya babalik ng Manila. Lalo na kung maramdaman niyang wala naman kailangan pang balikan sa Manila, dahil nasa Cebu ang lahat ng hahanapin niya. Sa piling niya.
- Posted using BlogPress from my iPad
3 comments:
I have always wondered how you look like. ahaha
hay, naalala ko si 'kuya' rin. ako si paolo. hindi na kami ngkikita ngayon - sam
It helps them to analyze the information in order to plug the gaps and bring about some positive improvement. vpn setup with router. Emollients provide a layer of oil on the surface of the skin to slow water loss and increase the moisture. vpn setup nokia e71
Post a Comment