Monday, June 11, 2012

Emily 4, Carlito 12

"Uy, Luc! Kamusta ka na?" bati ni Tere sa cellphone.

"Best friend! Wow! Napatawag ka! Himala! May kailangan ba si Boss?

"Oo, yung hinihingi raw niyang update sa iyo sa email, nabasa mo ba?"

"Yay! Hindi ko pa nagawa. Sabihin mo submit ko mamaya. Nasa area lang ako."

"Sus! Area ba talaga oh nakikipagdate ka lang sa ahente mo?" pabirong binanggit ni Tere.

"Huh? At san naman nanggaling yan tsismis na yan?

"Hay naku, pinag-uusapan na kayo dito."

"Kami, nino?"

"Naku, nagmamaang-maangan ka pa! Hmmp. Naglilihim ka na sa akin! Lalaki ka na pala! HAHAHA!"

"Hoy hindi ah. Sino ba?"

"Yung sexy mong ahente diyan, si Emily, mismo ang nagsasabi noh?! Magjowa na raw kayo!"

"Huh.. paano? anong sabi niya?" nagulat si Lucas. Yung saya niya sanang makausap si Tere ay napalitan ng kaba.

"Basta yun ang kumakalat na tsismaks dito. Totoo ba, teh?"

"Kapatid naman, ikaw una kong sasabihan kung totoo."

"Oh siya, yun lang gusto ko marinig. Baka nag-iilusyon lang ang hitad!"

Napag-isip si Lucas. Pinagkakalat ni Emily na sila na raw. Galit ang una niyang naramdaman. Ang kapal naman ng mukha niya. Kahit may namagitan na sa kanila, sex lang yun.

Ngunit naisip niyang makakabuti sa reputasyon niya ang ganung tsismis. Siguro naman ay mapapahinga na ang mga tsismosa sa opisina na pinagduduhan ang kanyang kalalakihan. Aba, si Emily pa ang kanyang girlfriend! Ang pinagnanasahan ng lahatg tunay na hombre sa opisina!

Humupa rin ang inis at hinayaan na lang niya muna. Binuhos ang oras sa report na kailangan ng boss. Tuloy-tuloy ang magandang takbo ng career niya. Nababanggit sa mga management committee meetings ang kanyang mga nagawa, at kung paano niya napaangat ang benta ng Visayas. Para siyang bayani sa opisina, pinaguusapan, at ngayong, pinagtsitsismisan.

Nung matapos na, niyaya niya si Emily kumain ng hapunan. Nagpunta sila sa mall at nagiikot dun. Magkahawak kamay silang lumiligid. Proud siya dahil maganda at sexy ang kasama niya. Kung dati ay ang mga lalaking gwapo na kakaiba tumingin ang kanyang napansin, ngayon napapansin niya ang mga humahanga sa kasama niya.

Kung tutuusin, hanggang ngayon, hindi man nila pinaguusapan ang estado ng kanilang ugnayan. Hindi nagtatanong si Emily. At hindi naman niya kinaklaro. Hindi naman makulit si Emily. Hinihintay lang na yayain. Gusto niya pa rin ang kanyang kalayaan.

Ay, hindi pala siya malaya. Naalala niya si Carlito, at si Paolo. Mahal niya pa rin si Carlito. Ngunit sa pagkakalayo nila, napupunuan ni Paolo ang kanyang mga pangangailangan, at hindi lang naman sa sex. Si Carlito sa Manila, si Paolo sa Cebu. Si Emily, para sa career. Natawa siya sa kanyang complicated life. Balanse. Kaya naman palang lahat ay pabor sa iyo.

Nagforward ng sweet message si Paolo. Nangiti siya.

"Ang ganda naman ng ngiti mo, Sir" biglang tanong sa kanya ni Emily habang kumakain sila sa Pizza Hut.

"Huh? Ah.. si Nanay. Na-miss ako."

"Out of town tayo. May lakad ang barkada, punta ng Bantayan Island. Sa katapusan."

Katapusan? Yun ang dating ni Carlito sa Cebu.

"Ah hindi ako pwede. Darating yung friends ko from Manila."

"Ah sayang. Sarap pa naman dun. Sa atin yung isang kwarto."

"Kayo na lang. Em, kamusta na si Twinkle?" tinanong ni Lucas ang kalagayan ng anak ni Emily.

"Ok naman daw, sabi ng parents ko." iniwan niya ang anak sa piling ng mga magulang sa Leyte. "Bibisita ako sa December pa. Malikot raw. pero matalino. Naghahanap ng kapatid."

Kapatid? hindi niya pinahalata kay Emily ang kanyang pagtataka sa huling salitang iyon. Dedma lang.

Nagtext naman si Carlito. Nagtatanong ng mga plano sa pagdating sa Cebu. At sumunod rin ang text ni Paolo. Nagyaya naman magsimba bukas. At kinausap naman siya ni Emily. "Sir, hindi ka ba mahilig sa bata?"

"Huh? Mahilig naman. Wait lang, dami nagte-text." Isinantabi ang tanong, at sinagot naman ang text ni Carlito. "Wil fetch u, Babe. Off na ako pagdating mo." at lumipat naman kay Paolo "pwede ako 6pm pa"

"Bakit mo natanong naman?" binalikan niya si Emily. Kapatid? Anak? Anong binabalak nitong babaeng eto. Nararamdaman niyang umiinit ang ulo niya. Hindi na maitago sa tono.

"Wala lang. Just asking." at tumahimik si Emily.

Dumating na naman ang text ni Paolo. "Cge Kuya. C u SM mga 630pm. Mis u kuya." At sasagot pa lang siya, dumating naman ang text ni Carlito. "Tnx babe. Excited na me." At nagtext siya ng sagot para kay Paolo "c u 2. mis u 2 pao." At ng pinindot niya ang send, dun lang niya namalayan na kay Carlito niya napadala ang text. Namutla siya at pinagpawisan ng malamig. "Fucking shit."

"Uy, anong nangyari sa iyo?" tanong ni Emily.

"Wala. wala."

Hindi siya mapakali. Nagpapaalam upang mag-cr. Aburidong umalis sa mesa. Naghihintay ng reply ni Carlito. Ano ang kanyang magiging reply? At kahit parang walang hanggang paghihintay, dumating rin ang text.

"hus pao?"

- Posted using BlogPress from my iPad

1 comment:

jaara28 said...

nice story...feeling ki mabubuntis si emily...hehe...
npka unfaithfull kc...makati pa sa buni...
good job mr.author...nadadala ako ng bawat eksena.
nxt chpter n po ulit