Tuesday, June 5, 2012

Paolo 3, Emily 3

Nabigla siya sa tanong ni Paolo. Sex nga lang ba ang habol niya? Pwede ba niyang sabihing 'oo naman'?

"Huh? Saan galing yan? Bakit mo naman naisip yan?" ang sagot niya. Magaling! Naibalik niya ang tanong.

"Eh kasi ang bilis mo." sagot naman nung isa.

"Tara labas na tayo.." at tumayo na sila at lumabas.

At nung nandun na sila sa Food Court, inupo niya si Paolo at kinausap muli. "Pao, di ko lang mapigilan. Type kita, alam mo naman siguro." yun ang bungad niya. "Kung sex lang naman, de sana, di na kita niyaya kung saan-saan pa. Gusto kitang makilala pa. Pareho tayong dayo lang dito. Malungkot rin, di ba?"

Inisip niya kung magaling siyang magsinungaling. Papaniwalaan kaya ni Paolo ang kanyang mabulaklak na bibig?

"Sige, Kuya. Let's get to know each other better. Hindi naman sa maarte ako. Parang ayoko lang na puro sex lang." ang taos-pusong sagot ng bata. Iba talaga ang ahente.

Gumaan ang pakiramdam ng pauwi na sila. Nagpatuloy ang tawanan hanggang sa maihatid na niya sa tinitirahan.

At nung pauwi na, pinag-isipan niya ang kanyang pinapasukan. Mukhang kailangan pang ligawan para lang maka-score. Kailangan pang patunayan na sincere. Hanep. Nakakabitin. Pero nakaka-challenge rin. Naisip niya tuloy kung gaano niya kabilis maikakama ang bagets. Tataningan niya ang sarili niya. Dapat sa sunod na date nila, matikman na niya ang bagets.

Hmm. Nabitin si Lucas pagkatapos ng date. Naghanap ng madaliang makakapagparaos ng libog. Makasubok nga ng mga spa. Sabi sa kanya ng mga kaibigan sa Manila, mayroon rin raw dito sa Cebu nun.

Hindi pa niya nasubukan ang mga ganitong massage. Sa Manila kasi, ang alam niya, mahal ang singil, lalo na kung may extra service. Pag nagpapamasahe siya, sa babae. May suki na nga siya sa isa sa mga spa na lagi niya pinupuntahan. Ngunit ngayong nasa Cebu na siya, at maganda naman ang pasok ng pera kaya pwedeng subukan. At binitin siya nung bagets. Parang sasabog na ang bayag niya sa libog.

Naalala niya ang isang spa na binabanggit, sa may Guadalupe. Nagtanong at nahanap rin. Maliit lang ang spa. Di tulad ng mga pinupuntahan niya. Sa reception, nakatambay ang ibang therapist. Inaalala niya ang ibinigay na pangalan ng kaibigan. Si Elias raw ang gwapo. Nakasabit sa mga dingding ang mga litrato ng masahista. At dun niya nakita na ang mga pangalan ng therapist ay hango sa Noli Me Tangere. Aba, kaka-iba! At natawa siya. Hinanap niya si Elias. Sa litrato, gwapong-gwapo.

Tiempo naman na nandun at libre si Elias nung panahon na iyon. At nang makita niya ang masahista, nalaman niyang hindi photoshop ang litrato. Gwapo talaga, may kaliitan lang ang katawan. Artistahin, kung tutuusin. Ngunit nung nagsalita na, sumablay na sa taas ng boses, at katigasan ng punto.

Nahiga na siyang pataob. At pinahubad sa kanya ang shorts. Tinakpan siya ng tuwalya. At inumpisahan ang masahe. "Hard ka ba, ser?" tanong sa kanya.

"Hindi naman. Yung sakto lang. Gusto kong makatulog."

Ok naman ang hagod ni Elias. Ngunit hindi rin siya maka-relax ng husto. Inaantay niya kung paano mangyayari ang extra service, ang happy ending. Kung tutuusin, mas mahusay pa ang masahe ni Celine, ang suki niyang therapist. Pero siyempre, iba ang pakiramdam na lalaking gwapo ang humahawak sa katawan mong hubad.

Naramdaman niyang dumadaplis-daplis sa kanyang puwet at bayag ang mga daliri. Yun ang malaking pagkaka-iba sa masahe ni Celine. At naramdaman niyang tinitigasan na siya.

Pinatihaya siya. Nahiya siya dahil ang tigas na ng kanyang ari. Ngunit parang wala lang naman kay Elias. Tinuloy ang masahe. Nung nasa may hita niya, talagang tinatatamaan ang kanyang bayag, at kung minsan, ang kanyang titi. At lalo siyang na-excite pagnakikita niya ang mukha ni Elias. Gwapo kaayo!

"Ser, ikstra serbis gusto mo?" pabulong na tanong ni Elias.

"Aaah, ano ba ang extra?"

"Rumansa, ser. Pwede mo ako blojob."

"Nagbo-blow job ka ba?"

"Hindi ser. Dili ako agi. Pero pa pa-blojob ako sayo."

"Magkano?

"P1,000. Enjoy ka na dun."

"Huh, ang mahal naman!"

"Sige na ser. Tulong mo na lang."

"Wala akong budget na ganyan... Wag na lang"

"Ok ser. Tapos na yun massage. Kuha lang ako hot towel." at umalis muna si Elias, kasama na rin ang libog niya.

Sobra naman, inisip niya habang nagbibihis. At biglang tinawagan si Boyet nung naka-alis na.

"Sis, bitin na bitin ako! Bwisit, ang mahal pala magpa-jervis!"

"Gaga! Dapat tinawaran mo. Siyempre, itataas nila presyo nila." sagot ni Boyet.

"Ganun? Akala mo, ginto ang titi! Gwapo sana, Sis."

"Talaga? Sana kasi, pinilit mo."

"At ako pa ang susubo. Ako pa ang mage-effort? Ganun ba talaga?"

"Eh kung hindi ka naman gaga, siyempre! Eh lalaki naman yan."

"Sis, super mega bitin na ang lola mo."

Humalakhak ang hitad na bading. "Kuripot ka kasi! Magtiis ka sa sarili mong kamay!" at tinapos na rin nila ang usapan.

Nun pa lang niya napansin na may missed call mula kay Emily. Naisip niya baka trabaho. Kaya tinawagan na niya agad.

"Yes, Emily? Anong balita?" biglang seryoso ang kanyang tono, ibang-iba sa halakhakan ng nakaraang sandali lamang.

"Hello Sir! Wala lang, may inuman kasi dito sa bahay. Baka gusto mong magpunta." may lambing pa rin sa boses ni Emily.

"Sinong mga kasama? Team mates mo ba?" tanong ni Lucas, tuloy pa rin ang seryosong tono.

"Dili gyud. House mates, at barkada. Masaya, Sir. Punta ka."

Wala na rin naman siyang gagawin. At ayaw pa niyang umuwi at maalala ang bitin niyang date at palpak na pagpapamasahe. Pinagpasiya niyang dumalo sa tinutuluyan ni Emily at makipag-inuman. Ngunit kailangang magpa-alam muna.

"Hey babe. Di ka na nagtext. M hir lng. Sama ako sa inuman ng team." text niya kay Carlito. Hindi rin niya hinintay ang sagot. Alam niyang nasa biyahe kasi si Carlito sa kasalukuyan. Pauwi ng kanilang probinsiya. Marahil, bukas na makakasagot yun. Pero ang mahalaga, nakapag-text siya. Para walang away.

Masaya naman ang mga kasama ni Emily. Halos mga ka-edad na rin nila. Tatlong babae, si Carla, Mai-mai at Ellen. May isa pang lalaki, yung boyfriend ni Carla na si Jovy (na kung tawagin ay Juby). Mabilis siyang nakahabol sa inuman. At napansin niya na iba na ang turing ni Emily, at ng mga kasama, sa kanya. Pinagsisilbihan. Di umaalis sa tabi niya. Para silang mag-boyfriend.

Lampas alas dose nung nagpaalam na rin ang mga kasama sa inuman. Ngunit binulungan siya ni Emily. "Huwag ka munang umalis."

Alam na niya kung saan patutungo. At sa kalagayan niya ngayon, kahit babae ay pagtiyatiyagaan na niya, makaraos lang.

Nang makapagligpit na ng pinag-inuman, umakyat na sila sa kwarto. At dahil lasing na rin siya, hindi na niya pinigilan ang sarili na halikan at yakapin si Emily. Hinubaran niya ang damit at dinalaan ang kanyang leeg, dibdib. Ngunit iba ang nasa isip niya. Si Paolo ang hinahalikan niya. Ang makinis at maputing katawan ni Paolo ang yakap niya.

Marunong na siya ngayon. At dali-dali niyang hiniga si Emily sa kama at pinatungan. Binuka ang mga hita at pinasok na rin niya ang kanyang ari. Ang kanyang matigas na ari na kanina pa naghahanap ng mapagrarausan ng libog. Sa piling lamang ng hiyas ni Emily makakalipas. Kahit walang condom. Kahit nakainom na. Sige lang ng sige.

At ng malapit na siya sa sukdulan, ilalabas niya sana ang titi niya. "Don't" yun lang ang sinabi sa kanya ni Emily, sa gitna ng mga halinghing at "Shit oh Fuck". Di na niya napigilan at nilabasan na siya sa loob ni Emily.

Ibang klase ang kanyang orgasm. Parang punong-puno ng tamod at sarap. Dala ng pagkabitin. Dala ng alak. Dala ng kanyang inisip na kinakantot niya si Paolo. At para siyang lupaypay na gulay na pumatong kay Emily ng matapos na.

At tuluyan na siyang nahimbing, sa piling ni Emily.

- Posted using BlogPress from my iPad

2 comments:

Anonymous said...

Sir, I really love the series with Emily. Di ko alam na naging lesbyana po pala kayo minsan sa buhay nyo. hehe. Nagkababy po ba kayo ni emily?

Anonymous said...

Sir, Kayo po ba si Lucas sa series? kasi parang may resemblance sa mga nangyari sa buhay nyo eh.
Ang galing po ng way ng pagkwekwento nyo parang xerex na may halong drama.