Friday, August 31, 2012

Carlito 20, Paolo 14, Emily 10

Matagal rin pinigil ni Carlito ang sarili bago kumilos. Alam niyang napapansin na ni Lucas na matamlay pa rin siya. Hindi niya pinapakita ang galit na nagkakabuhay sa kaibutiran ng kanyang puso.

Hindi naging maganda ang kinalabasan ng pag-uusap nila ni Emily. Babalikan na lamang niya ang babaeng yun sa susunod.

Napunta kay "Paolo" ang atensyon at galit ni Carlito. Tulad ng kay Emily, wala siyang alam tungkol sa kanya. Maliban siguro sa mas bata eto, dahil "Kuya" ang tawag kay Lucas. Ano kaya itsura niya? Hot kaya? At paano kaya sila nagkakilala? Isang malaking pagkakaiba: hindi alam ni Lucas na may alam na siya. At alam pa niya ang numero.

Pinindot niya agad sa cell phone niya ang numero at tinawagan. Sinagot naman agad.

"Hello. Si Paolo ba eto?"

"Si Pao po. Sino po sila?"

"Di mo ako kilala. Ako si Carlito, yung partner ni Lucas." Hindi na umimik ang kausap.

"Tang-ina kang hayop ka. May partner na yung tao, pinapatulan mo pa. Hindi mo kilala kung sinong tinatalo mo. Gago ka. Lumayo ka na kay Lucas. Bumalik ka na sa lunggang pinanggalingan mo. Tandaan mo. Kaya kitang ipaligpit." at binaba ni Carlito ang telepono.

Napangiti siya sa ginawa niya. Feel na feel niya ang kanyang Celia Rodriguez acting. Kinailangan lang niyang sindakin ang karibal, para matauhan.

Nasindak naman kaya? Kaya ba niyang iparamdam kay Paolo na totoo ang banta niya? Di na muna niya inisip ang mga detalye. 'Intimidation is the name of the game.' Yun ang gagawin niya dito. Tinotopak na talaga si Carlito.

Si Lucas naman ay nanumbalik na sa dating gawain. Naka-focus na muli sa trabaho. Wala na munang inaatupag na kalokohan, maliban sa nangyari dun sa beer garden. Kung tatamaan man ng libog, sa massage na lang. Natutunan na rin niya ang patakaran, at tinanggap na niya na yun lang ang paraan upang makapag-release siya na hindi siya guilty.

Makaraan ang ilang araw at nagulat na lamang siya ng may naghihintay sa gate ng bahay - si Paolo. Ayaw niya sanang harapin ang bagets. Ngunit nahuli na siya. Bumaba siya at sinalubong si Paolo.

"Oh, Pao, anong ginagawa mo dito?"

"Hindi kita dapat aabalahin, Kuya. Alam kong tinanggal mo na ako sa iyong buhay."

Ang sakit palang marinig yun, isip ni Lucas. Nahiya siya sa sarili.

"Ahh hindi naman sa ganun, Pao.... uhmm. Busy lang sobra. Patapos na ang year..."
"Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo, Kuya. Nandito ko kasi may nanggugulo sa akin."

Binuksan na niya ang gate at pinapatuloy si Paolo sa loob.

"Wag na. Dito lang ako. Kuya, ginigulo ako ng jowa mo."

"Huh? Sinong jowa?"

"Pucha naman, Kuya. Sino pa ba? Ilan ba talaga jowa mo?"

"That's not what I meant."

"Si Carlito, Kuya! Ginugulo ako! Pucha!" at nag-umpisang tumulo ang luha ni Paolo.

Naguluhan si Lucas. Paano niya nakuha ang number ni Paolo? At paano niya nalaman ang kanilang ugnayan? Shit!

"Halika nga, pumasok ka sa loob ng bahay." Inakay niya paloob ang batang umiyak na ng husto.

"Kuya, lumayo na ako. Sabi niya layuan kita. Di na kita kinulit mula nun. Pucha naman, hanggang ngayon nanggugulo pa siya."

"Anong gulo? Ano pa ang mga sinasabi niya sa iyo?"

"Sisirain raw niya career ko. Isusumbong raw niya ako." at tuloy ang pagluha. "Eto, basahin mo ang mga text niya."

Niyakap na niya si Paolo, upang huminahon. At binasa niya ang mga pinadalang messages ni Carlito. Hindi naka-save ang number. Kinumpara pa niya sa number na gamit ni Carlito. Galing nga sa kanya.

Puro banta, intimidation, ang laman ng mga mensahe. Hindi niya lubos-maisip na si Carlito nga eto.

"Look, Pao, I'm so sorry for this. Hindi ko alam na nalaman niya ang mga nangyari."

"Kuya, hindi ko dapat sabihin sa iyo. Yung isang tawag niya, kasama yun sa banta. Wag na wag ko raw sasabihin kundi malilintikan ako."

"Pao, wag ka ngang magpadala sa kanya. Anong magagawa niya? Nasa Manila siya. Paano naman niya ikaw sasaktan? Puro banta lang yan. Puro hangin."

"Di ko siya kilala, Kuya. Ikaw lang makakapagsabi niyan."

"Trust me. Pucha, walang magagawa yun. Hindi naman mayaman o pulitiko pamilya nun."

Nakayakap pa rin si Paolo kay Lucas. Hindi na siya umiiyak. At habang nakayakap ang isang kamay, ang kabila naman ay unti-unti ng namamasyal sa hita ni Lucas. Naramdaman niyang iba na ang pakay ng kamay. Bumitaw siya sa pagkakayakap.

"Pao, I... I really don't want to do this anymore."

Tinignan siya ni Paolo, at mukhang gumigilid-gilid na naman ang luha.

"What did I do wrong, Kuya?"

"Hindi ikaw, Pao. Hindi na natin pwedeng ituloy. Hindi ko na kayang lokohin si Carl. Sorry na bigla na lang akong nawala. I thought that was the best for us."

Biglang tumayo si Paolo.

"Ok lang, Kuya. Ok lang. Hindi naman ako nagpunta dito para makipagbalikan. Alam kong tapos na. Ganun talaga ang gamit. Pag tapos na, ibasura na lang." may galit na sa tono ng bata.

"Shit, Pao... " umiiling si Lucas.

"Kuya, ang gusto ko lang tigilan na ako ni Carlito sa panggugulo. Wala akong balak na agawin ka sa kanya. Pakilinaw lang sa kanya."

"I'll take care of it. I'm sorry, Pao" inaabot niya sana ang braso ngunit lumayo si Paolo.

"Alis na ako. Isipin mo yung mga ginagawa mo, Kuya. Wag ka ng manakit ng iba. Baka ma-karma ka."

At lumabas na ng bahay si Paolo.

'Baka ma-karma ka.'

Di pa ba karma etong hindi matapos-tapos na gulo ng buhay niya? tanong ni Lucas sa sarili. Paano niya kakausapin si Carlito? Ano kaya ang balak nito?

"Sus! Kung kailan naman nagbabagong buhay! Shit, naman, Carl!" nandun ang takbo ng utak ni Lucas ng biglang may nag-text. Si Emily.

"Sked ko bukas chek up. Samahan mo ako."
"Wow, sumabay pa 'to! Nampucha namang buhay 'to!" Ganun na lang ang galit ni Lucas at napasigaw siya sa loob ng bahay. Karma na nga siguro eto. Pinagpasiya niyang samahan si Emily.

"K. wer mit?" at inayos na nila ang tagpuan ng dating kalaguyo.

Iba na ang itsura ni Emily ng magkita sila. Maaliwalas. Sa katotohanan, maganda siya. May glow sa mukha, kahit hindi nakangiti. Mukhang bagay sa kanya ang pagbubuntis, kahit hindi pa halata sa hugis ng katawan.

"Hi." binati niya si Emily habang palapit.

"Hi. Kay Dr. Santiago ako." at nauna ng lumakad si Emily papuntang clinic. Sumunod si Lucas at humabol sa paglalakad.

"Uhmm. Musta ka na, Em?" tanong niya.

"Ok lang. Nandito Nanay ko para tumulong sa akin."

"Mabuti naman. Yung panganay mo?"

"May school kaya nasa Tacloban pa."

"Ahh." at tahimik pa rin sila.

"P500 ang consultation fee. Ang bayad after na."

"Ok. Yeah, naghanda ako.... Naglilihi ka na ba?"

"Hindi pa." natawa ng bahagya si Emily.

"Pinaglihi raw ako sa kasoy, sabi ng nanay ko."

"Kasoy? Weird naman nun."

Natawa na rin si Lucas. "Oo nga. At parang walang dating."

"Kamusta na ang boyfriend mo?"

Napatigil si Lucas sa tanong. Lumunok at dahan-dahan na ring sinagot. "Ayun, pareho pa rin. Nasa Manila na."

"Oo nga. Alam ko. Tinawagan ako nung paalis."

"HUH? Tinawagan ka rin?" Halos mahulog si Lucas sa kinauupuan nila sa clinic.

"Yeah. Hindi ko alam anong gusto. Weird talaga yung partner mo."

Natulala na si Lucas. Si Pao at si Emily, tinawagan. Hinalukay niya ang telepono niya! Tang-inang 'yon!

"Anong sabi?"

"Wala masyado. Di ko in-entertain, no? Gulo niyo yan. Binabaan ko ng telepono."

"Fuck him. Em, that's good. Just don't entertain him. I don't know what he's up to."

"Ano? Takot ka? May sayad pala syota mo?"

"Shit. I don't know. Basta huwag mong kausapin."

"Wala akong balak. Gago ka kasi. Na-karma ka."

At tinawag na sila ng secretary para pumasok sa loob ng clinic.








- Posted using BlogPress from my iPad

3 comments:

Carlito said...

The nerve of Lucas. Carlito has all the rights to do what he did. >_<

Rygel said...

ayan nag comment na si Carlito :p

Carlito said...

LOL! >_< Kapangalan ko lang yung character, ewan ko kung bat nacacarried away ako. Hahah.