Thursday, August 2, 2012

Carlito 17, Emily 8, Paolo 11

Nagulat si Carlito sa sarili. Hindi siya agad nagreact sa mga sinabi ni Lucas. Hinayaan lang niyang magkuwento muna siya. Walang emosyon.

"I swear, Carl, it was just... you know, experimenting." tinuloy ni Lucas ang kwento. "It just happened."

"How many times? Di ka pa nagcondom?"

"Once or twice? Parang isang beses lang na hindi ako nagrubber."

"Baka hindi sa iyo. Di ba pokpok yung girl? Nakwento mo na sa 'kin siya."

"Baka nga, I don't know. Pinipilit niya sa akin. At nagbabanta siya."

"Anong banta niya? What can she do?"

"She told me knows about me, about us. Feeling ko, binabantayan niya ako."

"Ano raw gagawin niya?"

"I-buking ako sa office. Pagsabi na bading ako."

"You believed her? Will people believe her? May credibility ba siya?"

"I don't know, Carl. Di ko alam. Basta alam kong masisira ang career ko kung malaman nila."

Tumahimik muna silang pareho. Malalim sa pag-iisip si Carlito. Naramdaman niya ang laki ng problema ng jowa niya. Nakita niya ang lubhang pag-alala sa pangyayari. Ngunit gusto man niyang maawa ay di pa niya magawa. Wala pa rin siyang pakiramdam. Paalis na siya ng Cebu bukas. Ano pa nga ba ang magagawa niya para kay Lucas?

"Let's go. Di pa ko tapos mag-empake."

Pauwi sa bahay, wala pa rin umiimik sa kanilang dalawa. Ngunit biglang gumaang ang pakiramdam ni Lucas dahil sa kanyang pagkukwento sa partner niya. Natapos na ang pagsisinungaling at pagtatago. Pagdating kay Emily. At nagulat rin siya sa reaksyon ni Carlito. Sa lagi nilang pag-aaway nuon ay inaakala niyang napakalaking away ang mangyayari dahil dito kay Emily. Ngunit ang nakita niya ay isang kalmadong reaksyon, isang tunay na nagmamahal sa kanya at kapakanan lang niya ang inaasikaso. Mahal niya ako. Mahal na mahal niya ako.

Nag-ayos na ng gamit si Carlito pagdating sa bahay. Tahimik pa rin. Samantala, nanuod na lang ng TV muna si Lucas. Nililibang ang sarili. Nakahanap ng isang bote ng beer at yun ang naging kasama.

Nang matapos na si Carlito, tinabihan ang jowa sa panunuod.

"Anong balak mo kay Emily?"

"Hindi ko pa alam. Siya raw ang kokontak sa akin. Kung pwede nga magpa-DNA test na para malaman kung akin nga."

"Stupid. You can't do that."

"I know. Parang hindi ko matanggap na akin nga yun. Baka nga hindi pa buntis yun."

"Nag-resign na ba siya?"

"Oo. Baka bumalik na yun sa Tacloban. May family yun dun. May anak sa pagkadalaga."

"Hay. Wala pa lang kadala-dala siya."

Napatawa sila pareho. Ngayong lang uli nagkatawanan. At biglang niyakap ni Lucas si Carlito.

"I'm sorry, Carl. At salamat, salamat for being so understanding." ibinulong ni Lucas sa kanyang kayakap.

"Yah. Malalampasan natin eto." eto ang sagot ni Carlito, ngunit tumatakbo ang isip niya, lalo na nung napansin niya ang cellphone ni Lucas sa may side table.

Bumitaw sa isa't-isa. "Mauna ka na sa banyo so you could rest." tinulak ni Carlito si Lucas papuntang bathroom. "We both need to sleep. Maaga pa bukas."

"Yes, babe." tumayo na si Lucas at pumunta sa CR. At iniwan ang cellphone sa side table.

Habang nasa banyo pa siya, tinignan ni Carlito ang messages. At nakita niya ang galing kay Emily. Kinuha niya ang number at may naglalaro sa kanyang utak. Ngunit may napansin rin siyang isa pang pangalan. At parang lumuso ang kanyang puso. "Pao" Marami-raming messages. Binasa niya ang ibang messages at biglang kumabog ang kanyang dibdib. At naramdaman niya ang dugong mainit sa ulo niya.




- Posted using BlogPress from my iPad

2 comments:

Carlito said...

Sana happy ending 'to. Please lang. Nakakadepress kasi.. :(

Anonymous said...

can't wait for the next part! my gahd!