Saturday, December 8, 2012

Carlito 29, John 7

Nahabol ni Rene si Carlito upang awatin. Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa Metrowalk.

Ngunit hindi na niya mapigilan ng lapitan ni Carlito si John, na nakaupo pa rin sa harap ng taxi. Binuksan niya ang pinto at pinilit na hilahin palabas.

"Sino ka? Who the fuck are you? Saan kayo pupunta ka, puta ka!?" sigaw ni Carlito.

Hindi makasagot si John, nabigla. Ngunit hindi siya lumabas ng taxi. Nahila naman ni Lucas at Rene si Carlito palayo.

"John, umalis na kayo! Go!" sumigaw na rin si Lucas. "at ikaw.." habang humaharap kay Carlito "Shut up! Nakakahiya!"

Naisara ni John ang pinto. At naka-andar na ang taxi palayo.

Humarap na si Carlito kay Lucas, kumawala sa kapit ni Rene.

"I dont fucking care about them! So totoo nga! May kabit ka nga!" sigaw ni Carlito.

"Uy, Carl, calm down!" pahintulot ni Rene. "Please lumayo na tayo!"

"Just Shut up, Carl!" at hinila na nila Rene at Lucas palayo si Carl, papuntang parking area. Hiyang-hiya na siya sa iskandalo na kanilang ginagawa sa tapat ng Starbucks.

Nag-umpisa ng umiyak si Carlito. "Sabi ko na nga ba... sabi ko na nga ba.... Umamin ka na. Tama na ang pagloloko."

Tangan-tangan na ni Rene si Carlito. Nanghihina na siya habang naglalakad papuntang kotse ni Lucas. Nag-umpisa na naman ang asthma niya. Buti na lang ay dala niya ang inhaler.

"Umupo ka muna sa loob" ang sabi ni Lucas, habang binubukas niya ang pinto.

Hindi pumasok sa loob si Carlito at sumandal na lang sa kotse. Humithit sa inhaler para makahinga nga mabuti.

"Ano? Sumagot ka, Luc."

Hindi handa si Lucas sa mga tanong na eto. Umiikot pa rin ang utak niya sa bilis ng mga pangyayari. At nakainom na rin siya kaya hindi na niya napigilan ang kanyang bibig.

"Oo na. Oo na." tumutungo na lang siya.

"Gano na katagal, ha? Gaano na katagal mo akong niloloko?" unti-unting humihinay na ang boses ni Carlito.

"Carl... it's not like that. Magkaibigan lang kami."

"Bullshit, Luc. Umamin ka na, babawiin mo pa? Please Luc, no more lies."

"It's not like we have anything. Puro fun lang."

"Puro sex lang? Ganun ba yun? Fuck buddy lang?"

"Something like that..." tumungo na lang siya. Alam ni Lucas na nagsisinungaling lang siya. Dahil yun ang kailangan marinig ni Carlito ngayon.

"Shit. Alam mo bang may nagsumbong sa akin ng pinag-gagawa mo? Stupid mysterious text. Ayaw kong maniwala. Akala ko okay na tayo. I'm so stupid."

"Nagtext?" Biglang kinabahan si Lucas. Sino kaya yun? May naninira sa kanya?

"Hindi ko siya kilala. But that's not the point. Pucha, eto na naman tayo. Eto na naman ako. Tatanga-tanga." tumutulo ng lang ang luha niya.

"I'm sorry, Babe..."

"Ako rin. Sorry for believing you. Trusting you again." Niyakap siya ni Rene. "Carl, aalis na ako. Kailangan niyong mag-usap, kayong dalawa lang."

"Rene, hintayin mo ako." at biglang tumayo si Carl.

"Hopeless ka na, Lucas. Hopeless na tayo. Ayoko na. Pagod na akong nagmumukhang tanga." Pinunasan ang mga luha.

"Carl, what do you mean?"

"You have your freedom back, Luc. Wala na akong magagawa para sa relasyon na 'to. It's over. Shit. It's over." diretsong tinignan ni Carlito si Lucas, na siyang umiiyak na rin.

"Pagbalik ko mamaya, I want all your stuff out. What I find there, susunugin ko."

"Carl! Ano ba? Let's talk about this!"

"Nothing to talk about. And I mean it. Ni anino mo ayokong makita. Putang-ina mo."

At lumayo na sila Carlito at Rene, iniwan ng nag-iisa si Lucas. At habang palayo sila, inakbayan ni Rene ang kaibigan.

"Kaya mo ba, kapatid?"

"Kakayanin, teh. Sawang-sawa na ko. Tama kayo lahat. Makati pa sa higad ang asawa ko."

"Eh totohanin mo ba yung pagpapalayas sa kanya?"

"Of course. I swear, susunugin ko yung gamit niya. Kung anong madatnan ko pa dun."

"At hindi dun magtatapos ang higante ko, teh. He's going to pay for all this pain."

Tumungo na lang sa pagsang-ayon ang kaibigan.



- Posted using BlogPress from my iPad

1 comment:

Carlito said...

Hurray! Finally! :D