Wednesday, December 26, 2012

Carlito 30, John 8

"Good morning, sis. Nakatulog ka ba?" palapit si Roel sa sofa kung saan natutulog si Lucas. Nagising na rin siya.

"Hello." Nag-unat muna si Lucas bago naupo mula sa pagkakahiga.

"Di rin masyado akong nakatulog. Pero, sis, salamat for letting me in. Ang dami ko pang gamit dun sa bahay. Di ko mahakot. Shit, baka sunugin nga ni Carl."

"Hindi naman siguro. Alam mo naman yang asawa mo, puro kahol."

"Ex, sis, Ex ko. I hope hindi nga. May topak yun eh."

"Anyway, wag mo munang isipin. May breakfast na ako, kaso cereals lang. Alam mo naman ang sister mo, naka-diet!" nagpatawa ng bahagya si Roel. At gumaang rin ang hangin.

"Salamat, teh. I'll look for a place agad. Promise."

"Wala yun. Pero sorry talagang hanggang tonight ka lang pwede dito, ha? Bukas darating kapatid ko mula sa province..."

"Ok lng, teh. Nakakahiya nga sa iyo. Kapatid ba yan o booking?" nagtawanan ang dalawa.

Tinext niya si John. "Ei, can i kol?"

Matagal bago sumagot si John. "Hi. later n. Work p aq. Txt kta."

Ngayon pa lang siya nakapagtext kay John mula nung gulo. Hindi man niya nakamusta. Ano kayang nangyari sa kanya pagka-alis ng taxi? Siguro galit sa kanya yun. Ang laking kahihiyan ang dinulot nila.

Tumawag siya kay Tere. "Hello, Tere. Si Luc 'to."

"Hello! Oh, nasaan ka? Hanap ka na ni Boss."

"Pakisabi mag emergency leave ako. Hanggang bukas."

"Ha? Naku ngayon pa! Ang init ng ulo ngayon. Anong sasabihin ko?"

"Bahala ka na, Tere. Magulo buhay ko ngayon. Ayusin ko lang."

"Sus! Ano na naman yan, Luc? Hindi ka na nawalan ng gulo. Hindi naman sa family?"

"Hindi, tungkol kay Carl."

"Ha? Naku? Anong nangyari sa inyo?"

"Malaking gulo. Wala na kami..."

"Ay wait... tinatawag na ako ni Von.."

"Ok, sige, bahala ka na. Please."

"Sige, sige... bye."


Ang malaking problema ngayon ay ang paghanap ng lilipatan. At ang paghakot ng ibang gamit. Wag naman sana tuparin ni Carlito ang pagsunog sa gamit niya. Naghanap agad siya online, nagtanung-tanong. Buti na lang, may isang kaibigan siyang naghahanap ng roommate.

Ayaw man niyang makisama sa isang kwarto lang ngunit mapipilitan siya. Nakipagayos siya na tatlong buwan lang. At maghahanap pa rin siya ng iba na solo niya ang kwarto. Buti pumayag rin si Joey sa arrangement. Dadalhin lang niya ang mattress. Ang ibang gamit niya, dadalhin niya sa mga pinsan muna sa Cavite.

Nagdadalawang isip siya kung itetext niya si Carlito. Ngunit kailangan niyang makuha ang mga gamit niya. Tinext na lang niya si Rene. "Helo rene. c luc eto. can i kol?"

Dumating agad ang sagot. "Kapal mo rin 2 txt me. wat do u want?"

Nilakasan niya ang loob at tinawagan na.

"Hello, Rene?"

"What? Di ka pa kuntento sa gulong ginawa mo?"

"Look, I just want to ask a favor. Please ask Carl when I can get the rest of my stuff."

"Di ba sunog na?"

"Rene, please, tell him naman walang ganunan. I'm moving out naman. Please find out if nandun pa gamit ko."

"Luc, tang-ina talaga yung ginawa mo. You've hurt Carl so much."

"I know. At lalayas na ako. Nandun pa kaya ang gamit ko? Makukuha ko pa kaya?"

"Maski ginago mo si Carl, disenteng tao siya. Di katulad mo."

"Please, favor lang Rene. Pakitanong if I can get it tomorrow. Para mawala na ako sa buhay niya."

"Ok. This is the last I will hear from you."

"Yes, pramis. Salamat, Rene."

Hapon na nung nagtext si Rene. "Get ur stuf tom 2-6pm."

Gabi na ng nagtext naman si John sa kanya. "Ei. tawag n u"

"Hey John. Kamusta na?"

"Ikaw kaya ang kamusta. Buhay ka pa?"

"Eto naman. Sorry, John. Nasangkot ka pa sa gulo."

"Yeah. Ok lang yun. Pucha, nakakahiya yun nangyari."

"Oo nga. Sorry talaga."

"Anong nangyari sa inyo?"

"Wala na kami. Nung gabi ring yon. Nakipaghiwalay na si Carlito."

"Oh. I'm sorry."

"Kailangan na ring matapos, di ba? Ayoko na rin. Napagod na ako."

"Well, wala na bang pag-asang magka-ayos kayo?"

"Wala na. I don't want na rin."

"Ok. If you say so. Hey, paalis na ako ng office. Text-text, okay?"

"Yeah, sure. Ingat pauwi. Bye."

Parang nanibago si Lucas sa kanilang pag-uusap ni John. Parang iba ang pakiramdam ni John. Nagalit kaya talaga si John sa kanya? Hmmm.

Hindi niya muna inisip ng husto. Pinlano niya muna ang pagkuha ng mga gamit bukas.


Nagpatulong na lang siya kay Roel upang maghakot. Hindi pa nga sinunog ni Carlito. Pero lahat ng mga damit, sapatos at iba pang gamit niya tinambak na lang sa labas ng bahay.

Marami siyang iniwan na. Yung TV, yung gas stove. Maski nga yung kama, pundar niya yun. May mga dekorasyon rin siyang iniwan. Hinayaan na niya kay Carlito etong mga gamit. Gusto na rin niyang kalimutan ang masalimuot nilang samahan.

Halos alas sais y media na rin sila natapos. At isang huling pagcheck. Nilapag niya ang susi sa may sala. At lumabas at sinara ang pinto.

At dun niya na naramdaman ang lubhang kalungkutan. At umiyak na rin siya sa kotse, sa tabi ni Roel. Humagulgol. Dun pa lang niya nalubos maisip ang nasira niyang relasyon. Ang tinipon na mahigit dalawang taon rin.

"Dapat masaya ako, Rene. Dapat hindi ako umiiyak. Eto naman ang ginusto ko. Bakit ang sakit rin? Bakit ang bigat?"

"Kapatid, minahal mo si Carlito. Mahal mo pa naman, di ba? Dun nanggagaling ang sakit. Hindi madaling isara ang pinto ng pagmamahal."

"Oo, Roel. Hindi pala madali. Masaya naman kami nung umpisa. Ako lang talaga ang nagkaproblema."

"Huwag ganyan. It takes two to tango. Hindi rin perfect si Carlito. Oo at may fault ka. Pero hindi lang ikaw ang sumira sa relasyon niyo."

Tuloy ang pagtulo ng luha ni Lucas.

"Ano, Luc, okay ka na? Gusto mong may puntahan muna?"

"Hindi kapatid, okay na ako. Diretso na lang tayo dun sa apartment ni Joey. Ibaba ko na ang ibang gamit. Tapos dun na sa house mo."

"Sige, kapatid."


Naka-adjust naman si Lucas na maki-roommate muna kay Joey. Mabait at tahimik lang siya. May pagka-nerd. Mahilig pa rin sa games. At pagbabasa. Kaya nagkakasundo rin naman sila. Paminsan-minsan, pag-gabi nagkukuwentuhan sila tungkol sa mga nangyari. Hindi kasi sila gaanong close nuon. Kasi, hindi rin naman niya type si Joey. Pero ngayon, ang laking utang na loob niya sa kanya at kinukupkop siya agad. Kaya minabuti niya na maging kaibigan kay Joey.

May ilang araw na lumipas na hindi nagte-text si John sa kanya. Nagtaka na siya at tinawagan na si John. Pagkatapos ng ilang beses na pagsubok ay sinagot rin ni John ang telepono.

"Hey Luc."

"Huy. Kamusta ka na? Galit ka ba sa akin?" tanong ni Lucas kay John.

"Huh? Bakit naman ako magagalit sa iyo?"

"Siguro, dahil sa gulo na nangyari nuon. Sorry at nadamay ka."

"Ay wala yun. Hindi naman ako galit sa iyo."

"Eh bakit hindi ka na nag-contact sa akin? Matagal-tagal na rin na hindi tayo nagkita."

"Ahhh. Naging busy lang. Dami trabaho."

"Ah ok. Sigurado kang yun lang?" kinulit ni Lucas siya.

"Oo naman. Wala akong galit, Luc. Sige, Luc, may tatapusin pa ako na trabaho."

"Ahh. Ok. Sige. Nice to hear from you. Sana labas tayo uli."

"Yeah, yeah.. Bye."

Nagbago na talaga ang ihip ng hangin pagdating kay John. Ano kaya ang nangyari at tila malamig na siya. Parang walang gana.

At parang sagot sa tanong niya, dumating ang mga text ni John.

"Bro, sori pro beter n d tau mit. I tink hanap k ng kpalit ni Carl. d aq yun. Simple lng gus2 ko. Fun. No complications."

"Bro, yoko ng gulo. At yoko relationship. D aq ganun."

Nabigla si Lucas sa texts ni John. Kung kailan pa naman libre na siya. At libre na silang magkikita. Nahuhulog pa naman na siya kay John. At naiisip niya na magiging sila. Ang laking pagkakamali pala ng akala niya.

Gusto niya sanang awayin. Ngunit nagdalawang-isip siya. Tama nga naman si John. Dapat fun lang. NSA lang.

"k, jon. kala ko pa nmn tau na" yun lang ang sinagot niya.


At hindi na nag-reply si John.

Nawala na si Carlito. Nawala pa si John. Nagkaleche-leche na nga ang buhay niya.



- Posted using BlogPress from my iPad

2 comments:

Macintosh said...

Im much excited of joey and luc. Hahaha. I hope joey would be really the conservative type and luc would try to get into his pants but cant. Hahaha.

Anonymous said...

I just recently discovered your blog and i have to say im stuck like glue to the goings-on in the life of Luc and the other characters surrounding his life....good job and more complications in his life please...lol