"Hello Mother!" Bati ni Lucas kay Rene.
"Uy! Nabuhay ang bangkay. Hoy! Hindi ako ang nanay mo! Ate lang ako!" Sabay halakhak ng malakas ang bakla.
"Oh anong balita?"
"Magkukuwento lang ako. Tagal na nating hindi nagkuwentuhan."
"Aba! May bagong developments! May bago bang komplikasyon sa buhay mo?" Tanong ni Rene.
"Uy! Sobra eto! Para namang tumatawag lang ako pag may problema! Di ba pwedeng nangangamusta lang?"
"Ay! Sorry naman. Na-hurt ang kapatid! Salamat naman at nangamusta ka. Ano nga ba ang bago sa iyo? Kamusta na kayo ni Joey?"
"Ok naman. Actually going strong kami. Pero.."
Sumingit si Rene. "Ayan na! Sabi ko na nga! May 'Pero'! Hahaha"
"Che! May pero kasi.. sige na nga. May isang guy..."
"Ay! Ituloy ang kwento!"
"Mamaya na. Kita tayo." At inayos nila ang kanilang pagtatagpo.
Nagkita sila sa isang coffeeshop na may masarap ring mga pasta. Gusto ni Lucas dito dahil wala sa loob ng mall ngunit nalalakad mula sa Greenbelt. At hindi marami ang nagpupunta.
"Teh, naalala mo yung kwento ko nun? Yung encounter ko sa bus nung bata?"
"Sa bus? Ahh yung bata ka pa? Yung may minolestya kang matanda? Wahaha"
"Hahaha, oo yun nga! Tagal ko nga pinantasyahan na makita ko ulit yung guy na yun."
"Oh bakit? Nakilala mo?"
"Yeah. Alam mo bang ang liit ng mundo. Kaibigan pala ni boss Claude! Imagine after how many years!"
"OH my gulay! Totoo? Oh anong pangalan?"
"Dante. Fashion designer na siya. Nagpagawa nga ng website sa amin."
"At????"
"Alam mo, excited na excited ako nung inassign sa akin ni Boss yung account. Una hindi pa ako sure. Pero nung nakita ko yung nunal, yung ngiti, hindi ako nagkamali."
"Oh shit! Ano, sinabi mo na sa kanya?"
"Hahaha Pero hindi agad. Oo, at siyempre, hindi na niya maalala. Pero nung gabing iyon, we kissed."
"Puta ka! Ang landi mo talaga! Masarap? Kiss lang ba talaga?"
"Oo, no? Dalagang Pilipina. At may asawa. HAHAHA. Tapos na nga ang project pero lumalabas pa rin kami."
"Matagal na ba yan?"
"Di naman. At siyempre, di madalas. Lagi kong sinasabi kay Joey na client servicing. Haha. Pero seriously, wala pang nangyayari sa amin."
"May sakit ka ba, Lucas? Ikaw, makati pa sa higad, makakatiis na walang nangyayari? Hahaha"
"Che! Oo. Actually, ewan ko rin. He's really nice. At ang daming alam sa buhay."
"Aba, siyempre, Thunders na siya!"
"Bastos! Hahaha Hindi lang yun. Talagang matalino at well-travelled siya. Kaya enjoy kasama. I learn a lot."
"Eh kung yun ang gusto mo, de sana yung librarian na lang ang pinakasamahan mo! hahaha"
"Gaga ka talaga! So, ano, namamangka ka na naman sa dalawang ilog? o betlog? HAHAHA"
"No. Friends lang kami. Wala talagang nangyayari."
"Well, if I know, hindi mo lang siya type."
"Ganun ba yun? Di ba pwedeng taking it slow lang?"
"Kapatid, pinaglihi tayo sa gabi. Ang kati nakadikit sa ating balat. I don't think you're into him."
"But I am. Siguro hindi lang masyado sa sexual level. Pero talagang attracted ako sa kanya, sa kanyang background, sa kanyang kaalaman."
"But if nothing is happening..?"
"Well, nagki-kiss kami pag magkasama. Ganun muna. Nagtatanung siya kung kailan kami mag-sex. I told him na tumityempo lang ako kay Joey. Actually, I want to grow to love him."
"Joz kho kapatid! Talagang lagi kang naghahanap ng batong ipupukpok mo sa ulo mo, no? Eh paano si Joey?"
Tumahimik si Lucas. "Can't I love two people at the same time? Lalo na kung magkaiba naman ang love ko?"
"Ibang klase ka, kapatid! Siguro in some parallel universe. At buti kung papayag sila nag magkahati sila."
"Hindi naman ako seryoso. In-enjoy ko lang time ko with Dante. Siyempre, iba pa rin si Joey."
Ilang beses ng lagi ni Joey napapansin na ginagabi si Lucas. Ngayon na morning shift siya, kitang-kita niya kung paano ang mga kilos ng jowa. Puro client call ang dahilan. Hindi naman siya makasabat. Nag-aaway lang sila.
Ngunit maliban dun, pareho pa rin naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Kung tutuusin, mas dumalas pa nga ang lambingan. Halos tuwing umaga, may nangyayari, may nagaganap. Ang sarap ng sex life niya. At pag sila ay magkasiping, wala siyang ibang naiisip. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ni Lucas. Kaya, maliban sa pag-uwi niya sa gabi, wala naman dapat siyang pagsuspetyahan.
Hanggang sa isang gabi, nagpaalam na naman si Lucas na mag-overtime. May tinatapos raw para kay Dante. May natanggap na text si Joey mula sa isang di kilalang numero.
"Is this is the number of Joey Montero?"
Nagulat siya at hindi niya agad alam kung sasagutin niya.
"Yes. Hus dis pls?"
"This is Claude, boss of Lucas. Can I call? Can you talk?"
"Yes, Sir." At biglang nagring na ang kanyang mobile.
"Hello, is this Joey?"
"Yes, po."
"Joey, this is Claude, no? Si Lucas ba nandiyan?"
"Wala, Sir. Hindi pa siya umuuwi."
"Oh, may lakad ba siya raw? I need some files with him."
"Sir, may client meeting daw siya. With Sir Dante."
"Dante? Why is he meeting Dante? That project was over weeks ago."
Nanlamig si Joey. "Ahhh. Yun lang po ang sabi niya sa akin."
"Well, that's weird. He's not answering my calls nor my texts."
"Ah. Subukan ko rin i-contact siya."
"Would you? Sige, thanks! Tell him to call me up."
"Opo."
Umakyat ang galit sa ulo ni Joey. Tinatawagan niya si Lucas. Hindi nga sumasagot.
"Wer u? Y not reply?"
Walang sagot pa rin. Gusto niya sanang hintaying hanggang maka-uwi upang kumprontahin si Lucas. Ngunit nakatulog na siya ng makauwi. Nagising na lang siya ng nag-aayos na si Lucas ng gamit pangtulog. At bigla siyang naupo.
"San ka galing?" Bigla niyang naalala ang inis.
"Huh? I told you, I was with a client, si Sir Dante."
"Tumawag dito ang boss mo. Hinahanap ka!"
"Ah yeah. Nakausap ko na si Boss."
"Wala na raw kayong project with Dante!" Sumisigaw na ang tono ni Joey.
"Will you please lower your voice!? Ang ingay mo!"
Tumahimik si Joey.
"Tapos na nga ang project namin with Dante. Pero mayroon siyang pinapagawang iba. Hindi software related. Kaya pinag-uusapan namin."
"Lokohin mo lelang mo."
"Mahina ang signal dun sa place na pinuntahan namin."
"Mayroon pa bang ganun ngayon? Shit! Magsisinungaling ka lang, mali-mali pa!"
"Bahala ka! I'm telling you the truth. Makatulog na nga!"
Humiga si Lucas at tinalikuran si Joey. Wala na siyang magawa. Hindi na rin siya makatulog. Hindi niya matanggap ang dahi-dahilan ni Lucas. Kailangan niyang mag-imbestiga. Kailangan niya ng ebidensya.
Kung tutuusin, di naman kasinungalingan ang sinabi ni Lucas sa kanya. Talaga namang may pinag-usapan si Dante at Lucas na trabaho. Sinundo ni Dante si Lucas sa Ministop na malapit sa opisina. Mabuti na rin na ganun at ayaw niyang mahalata ng mga taga-opisina.
Dumating ang sasakyan ang naupo siya sa likod, tabi ni Dante.
"I have something for you" bungad ni Dante, at may kinuha mula sa likod na mga damit na naka-hanger.
"Wow! Para sa akin eto?" Hindi makapaniwala si Lucas. Ilang pares din ng shirt at pantalon na nakahanger at nakabalot pa ng plastic.
"I want to see you dressed up in our clothes." Ngumiti si Dante.
"Wow. Thanks!" At hinalikan niya sa pisngi si Dante.
"Sa pisngi? Kumare?" Humirit si Dante at natawa. Niyakap ni Lucas si Dante at hinalikan. "Thanks, Dante!"
"Saan tayo pupunta?"
"Malapit lang. I want to visit the horses."
"Horses?"
"Sa tatay ko. May mga kabayo siyang inaalagaan."
Nagulat si Lucas. Hindi niya akalaing ganun talaga kayaman si Dante. Napakasimple lang kasi kumilos. At minsan, nagcocommute pa.
"Ngayon lang kami nagka-ayos ng Dad ko. Kaya ako na ang nagprisintang tumingin sa mga horses niya. Matagal akong naglayas sa bahay. So I also know the value of hard work. I told myself I wasn't going to show up at our place until I have established myself. It finally happened, and I showed up. Nagulat sila na buhay pa ako. Hahaha"
Ibang lifestyle talaga ang na-aninag niya kay Dante. Dumating sila sa ranch na malaki, malapit lang ngunit nasa may parteng Bulacan na. Kaya mahina ang signal, mabundok na ang lugar na iyon.
Niyaya siyang maghorseback riding. Umikot sila ng ilan sandali. Tinuruan siya sumakay ng kabayo. At nang natapos na, pumunta sila sa kubong tabi ng stables. May nakahanda ng pagkain, baon pala nila. At inayos ng asawa ni Mang Selo, ang caretaker. Candlelight pa na picnic ang style. Namangha si Lucas.
Sa kuwentuhan nila nalaman ang pinag-awayan ng mag-ama: ang kanyang career. Bata pa lang, mahilig na siyang mag-sketch. At mahilig na rin siya sa fashion. Ngunit desidido ang tatay niyang pag-aralin siya ng law. Kailangan raw may magbantay sa kanilang mga property. Pinagbigyan niya sa kolehiyo. Political science ang major niya. Ngunit hindi maitago ang hilig. At siya mismo ay nabarkada na sa mga bading. Naramdaman na niya ang pag-aalab ng damdamin sa lalaki. Hanggang sa punto na nagkarelasyon na siya, sa isang macho dancer.
Nasira ang pag-aaral. At nagkaroon ng malaking away silang mag-ama. Lumayas siya at nagsarili. Pinagpatuloy ang pag-aaral sa Fashion Design. Nag-part time na apprentice para makaraos. At nag-umpisa ng magbenta ng mga designs niya. Ngunit agad niyang nakita ang potential niya sa retail. Kaya nag-ipon at nagpundar na. Lumaki ang negosyo. Binalikan niya ang pamilya kamakailan. Narinig niyang mahina na ang tatay niya. At dun, napatunayan niya na kaya niyang mag-isa. Hindi niya kailangan ang mga ari-arian.
Kaya naman hanggang ngayon, ni isang kusing ay hindi siya kumukuha sa tatay niya. Ngunit nagsabi na ang tatay na sa kanya ipapamahala ang pagmanage ng mga rentals nila. Marami pala silang paupahan. Yun ang trabahong pinag-usapan nila. Inalok ni Dante siyang maging executive assistant niya, tagapamahala ng rentals.
"Wow. Hindi ko naisip na magiging ganito. I don't know how Boss Claude will react." Sagot ni Lucas.
"Don't worry about Claude. I'll talk to him. I'm sure he'll let you go if he knew the offer."
"Very tempting, Dante. Kailangan kong pag-isipan. Hindi ba weird na..." Sumenyas siya, tinuturo silang dalawa.
"What? About having a relationship and working together? I don't have any problems with that. I'd rather entrust this to someone I love."
Napatigil si Lucas as 'love' part.
"I am falling for you, Luc. And I just want to make you happy. And I want to see you everyday. What better way than for you to help me out in the business."
"Dante, may jowa pa rin ako."
"I know. Kaya nga gusto ko, employee kita. Para madalas tayo magkita, officially."
"Dante, I'll think about it, seriously. Pero I am so flattered at grateful." Naghalikan sila sa liwanag ng kandila.
- Posted using BlogPress from my iPad
No comments:
Post a Comment