Sunday, June 24, 2012

Emily 5


Tahimik ang meeting ng team nung Lunes na iyon.  Hindi maganda ang pasok ng benta. Kung kailan naman ang ganda na sana ng takbo ng negosyo.  

"Andrew, ano na ba ang nangyari dun sa isang niluluto mo?" galit na ang tono ni Lucas.

"Boss, alam mo naman ang tagal ligawan ni Madam.."

"Sus, Andrew, six months mo ng sinasabi iyan!  Ang laki na ng gastos natin diyan. Puro ka palusot!" at natahimik lang si Andrew.

"Ems, bakit ganito lang ang pinasok mong benta?  Di ba may papasok sanang order yung account mo sa Mandaue?" si Emily naman ang binanatan.

Hindi sumagot si Emily.  Hindi man siya pinansin.  Tinuloy ang pagsusulat ng report.

"Emily, I'm talking to you!"

"But I'm not talking to you." sagot ni Emily.

"Wag mo akong bastusin, Emily."

"Sino ba sa atin ang bastos, Boss?" tinignan siya ng matindi ng dalaga, nanlilisik ang mata.  "Sino ba ang hindi man sumasagot sa text, sa call?"

"You don't include that here.  This is work."

"Fuck work.  Fuck you!"

"Watch your language, Emily.  Pwede kitang sesantihin right now!" 

"Then fire me!" at nag-walk out si Emily sa meeting.  

Tahimik ang lahat.  Walang makapagsalita.  Hinihintay ang susunod niyang gagawin.  

"Bong!  Yung reports, tapos na ba?" binaling sa iba ang galit.   At dun na lamang nabuhos ang galit at kahihiyan ni Lucas.

Nang matapos ang meeting, tinawagan niya si Emily.

"How dare you do that to me!" sinigawan niya, nanggigil siya sa galit.

"Tang-ina mo! Ikaw pa ang may ganang magalit!"

"Fuck you, Emily!  Saan ba nanggagaling yang galit mo!"

"Fuck you, Lucas! Tang-ina mo!" at binagsak ang telepono.

Dumaan ang Lunes na yun na para siyang tuliro.  Hindi makapag-concentrate sa trabaho.  Nanginginig pa rin siya sa galit kay Emily.  Ngunit alam niyang siya rin ang may kagagawan.

Mula nung huling labas nila sa SM, iniiwasan na rin niya makipag-contact kay Emily.  Kinabahan siya sa mga hirit nun.  Pakiramdam niya ay may iba ng pakay si Emily.  Pipikutin ata siya.  Magpapabuntis.  Hindi niya kayang masira ang mga pangarap niya. ang buhay niya kung biglang mabuntisan niya siya.  Kaya iwas na lang ang solusyon.

Ngunit hindi tinanggap ng dalaga ang ganun na lamang na paghihiwalay.  Alam niyang kailangan rin niyang makipagharapan sa kanya upang matapos ang lahat sa kanila.  Nagpunta siya sa boarding house si Emily at naghintay hanggang maka-uwi si Emily.

"Anong ginagawa mo dito, Boss?" sarcastic ang tanong ni Emily ng sinalubong siya sa gate ni Lucas.

"Mag-usap tayo, Ems." kalmado na rin ang boses niya.  

"Tang-ina boss, ngayon pa tayo mag-uusap.  Ilang araw kitang hinahabol."

"I know.  Busy lang ako."

"Fuck busy.  Ako pa ang niloko mo."

Pumasok sa loob ng bahay.  At tinuloy nila ang pag-uusap.  Dun pa lamang niya nakitang namumugto ang mga mata ni Emily, marahil sa kaka-iyak.

"So you've come here to fire me, Boss?"  dun na rin niya napansin na nakainom na ang dalaga. "Ironic, no?  This is also where you first fucked me." at tinuro ang sofa.

"Ems, don't say that.."

"Tang-ina, Boss.  You fucking used me.  'Kala mo hindi ko alam?"

"Alam ang?..."

At biglang-tumawa si Emily.  "Lucas, ikaw lang ba ang di nakaka-alam na alam ko, alam namin lahat na bakla ka?"  

Namutla si Lucas sa mga salitang binitawan ni Emily.

"You know what? I'm so fucking stupid.  Akala ko mababago kita.  Tang-ina! Akala ko, mahihilig ka rin sa puke!" 

"Shhhh. Ang lakas ng boses mo, Ems!"

"Anong paki ko?  Shit.  Ako pa? Hindi ko pinakinggan ang mga sabi ng mga tao.  Na hindi ka magbabago.  Bakla ka pa rin."

Sumabog na muli si Lucas.  "TANG-INA, EMILY!  I'm not a fag!" 

"Lokohin mo na ang lahat, Lucas.  Bakla ka pa rin!" 

Tumayo si Lucas at pagbubuhatan na sana niya ng kamay si Emily.

"Get out, faggot!  Bahay ko eto!  Saktan mo ako, sisigaw ako dito!  Ipapapa-baranggay kita!"  

Pinigilan niya ang sarili niya.  At lumayas siya ng bahay.

"Tang-ina mo, bakla ka!  BAKLA!" ang mga huling sigaw na lang ni Emily ng palabas siya ng garahe.  

Madali niyang pina-andar ang sasakyan.  At habang umikot-ikot sa mga kalye, naramdaman na lamang niyang tumutulo na ang luha niya.  

Tinabi niya ang kotse at humagulgol. 

Ano ba etong pinasok niya?  Fuck me for this!  Tang-ina!  What will she do?  Magsusumbong ba siya sa office?  Shit!  Ikakalat ba ni Emily ang kanyang sikreto?

Sikreto?  Anong sikreto?  Alam raw ng lahat.  siya lang pala ang gago.  Fuck! Fuck! Fuck!  

Iyak siya ng iyak.  Naramdaman niya ang lubhang kalungkutan.  Ni isang kaibigan wala siyang malapitan.  At lalo siyang na-awa sa sarili.  

Huminahon ng sandali ang kanyang damdamin.   At tinawagan ang numero ng isa pang taong nilalayuan na niya sana.

"Hello Pao. Gising ka pa?"



4 comments:

StripZoo said...

Hehehe.. ganda ng story.. sa lalaki pa din pala siya babagsak.. hehe

jaara28 said...

I love this chapter...lalo n nung pinamukha
sa knya n faggot xa...sana mbasa ito ng frend ko...puro pagtatago kc din ang alm...nxt chapter n ulit mr.author!

Migz said...

Ang sakit naman nun! Ang hirap talaga pag bakla. T_T

Anonymous said...

I feel for Emily, parang ako lang sa kagagahan - KC Cuneta