Friday, October 11, 2013

Joey at Dante 4

"Napag-isipan mo na ba ang offer ko?" Sabay kinuha ni Dante ang kamay ni Lucas habang nasa kotse sila.

"I've been thinking about it. Kaso, hindi siguro makakapayag si Joey. Sa ngayong pa lang, alam kong nagsusupetcha na siya tungkol sa atin."

Hinila ni Dante si Lucas at niyakap. Hinalikan ang likod ng tenga. "Mahal na kita,Luc."

Hindi siya sumagot. Humarap siya kay Dante at hinalikan lang niya. At iniba ang usapan.

"Saan tayo pupunta tonight?"

"I got us tickets for the opera."

"Opera? Yung musical?"

"Hahaha magagalit sa iyo ang mga purists! Opera, my dear! At CCP."

"Ay sorry naman, wala niyan sa bundok. Haha"

"I want you to experience that, kahit once lang. See if you like it or not."

Na-excite si Lucas. Hindi pa niya naranasan ang manuod ng isang opera. Sana hindi siya antukin. Nakakahiya kung makatulog siya at humilik pa. Natawa siya sa kanyang iniisip.

Samantala, si Joey naman ay aburido na. Nagpaalam uli si Dante na makikipagkita siya kay Dante upang pag-usapan ang kanilang 'project'. Hindi siya mapakali. Kailangan niyang malaman kung saan sila nagpupunta. Naglakas loob siya at tinawagan niya si Sir Claude.

"Hello po, Sir Claude? Si Joey po, yung partner ni Luc."

"Oh,Joey! Napatawag ka."

"Sir, sorry po sa istorbo. May tatanung lang po ako."

"Ok lang, Joey. Ano yun?"

"May number at address po ba kayo ni Sir Dante?"

"Huh?Bakit kailangan mo yung info na yun?"

"Sorry, Sir. Alam kong kaibigan niyo siya. Kaso..."

"What, Joey?"

"Kaso, parang may relasyon sila ni Lucas. At kailangan kong malaman."

"What? Seryoso ka ba?"

"Opo. Pero hindi ako sigurado. Kuto lang. Matagal ko ng nakukutuban. Ngayon, nagpapaalam na naman si Lucas."

"Ayokong makialam sa nangyayari sa inyo, Joey."

"Hindi naman po pakikialam. At alam ko, parang inaalukan rin ni Dante si Lucas ng trabaho."

Dun tumaas ang kilay ni Claude. "Pina-pirate ni Dante si Lucas?"

"Parang ganun na nga. Pinag-iisipan na nga ni Lucas."

"Ah... Ganun ba?" Tumahimik si Claude at nag-isip.

"Eh siguro yun lang naman ang pinaguusapan nila, Joey. It doesn't mean that they are having an affair."

"Hindi, Sir. May kutob talaga ako. Baka dahilan na lang yung trabahong iyon."

Nagbuntonghininga si Claude. "Eh anong binabalak mo bang gawin pag nakuha mo yung number ni Dante?"

Hindi agad nakasagot si Joey. Ano nga ba ang gagawin niya? "Ah.. Tatawagan ko po. Tatanungin kung magkasama sila." Eto lang ang naisip niyang gawin.

"At sasagutin ka ng matino? Joey, isipin mo muna."

"Sir, kailangan ko ng may magawa." Nawawalan na siya ng pag-asa. Kailangan niyang malaman ng tunay kung niloloko na siya ni Lucas. Ayaw niyang mabigla na lang na iniwan na siya. Gusto niyang ipaglaban ang kanilang samahan.

"Hmm. Tutulungan kita. Gusto ko rin malaman kung pinipirata ni Dante ang tao ko."

Biglang nabuhayan si Joey. "Paano, Sir?"

"Ako ang tatawag kay Dante. Bahala na ako. Sige, tutulungan kitang hulihin yang jowa mo, kung totoo nga ang suspecha mo."

"Anong gagawin ko po?"

"Maghintay ka lang. Tatawagan kita uli."

Bumilis ang tibok ng puso ni Joey. Nakahanap siya ng katulong sa kanyang problema.


"Uuuy. Hindi siya nakatulog!" Kiniliti ni Dante si Lucas ng palakad na sila patungong labas. Ang daming tao sa lobby. Maraming naka-postura. Nagagandahan ang mga dresses. May ibang mga bumati kay Dante, marahil ay mga kliyente niya. Ang mga lalaki, naka-coat, naka-neck tie. Ang gara talaga ng gala.

Habang hinihintay nila ang kotse, nagdadatingan rin ang ibang mga sundo ng mga nanuod. Parang parada ng luxury cars ang dumaan. May BMW, Benz, Audi. May Porsche pa. Nagulat na lang si Lucas ng ang dumating ay isang BMW Z4, at lumabas ang driver ni Dante.

"Salamat, Gilbert." Inabot ni Gilbert ang susi kay Dante, at binuksan ang pinto ng driver's side. "O, sakay na!"

Nagtataka pa rin si Lucas habang nasa loob ng isang sports car. At si Dante ang nagmamaneho. "Maganda ba?", tanong ni Dante.

"Super! Hindi ko alam may Z4 ka pala."

"Si Papa ang mahilig si kotse. Pinahiram sa akin. Minsan masarap i-drive."

"Wow, I can imagine! Ang bilis nito!"

"Haha. Mabilis nga. Kaya minsan, sa expressway, nakakatakas ako at hinahataw ko ng 150-160. Ayaw ko rin naman lumampas dun"

Umiiling pa rin si Lucas sa paghanga. "Hanep!"

"I-topdown ko sana kaso baka maulan. At minsan, ang fear ko yung may makatabi kang bus at tatapunan ka ng basura o duduraan ka! Hahaha"

"Yuck! Hahaha Oo nga. Maraming naiinggit sa ganito."

Kinabit ni Dante ang iphone niya sa kotse. At nagpatugtog ng magandang music, pang-driving.

"Saan tayo pupunta?"

"Joy ride lang tayo."

Ang sarap ng pakiramdam. Ang pogi. Alam niyang lahat ng mga dinaraan nila ay napapatingin sa kotse, at sa mga nasa loob. Feeling pogi siya talaga. Biglang nagring ang telepono ni Dante.

"Aba? Ang boss mo tumatawag?" Sinagot ni Dante sa handsfree system ng kotse. At nagsenyales kay Lucas na tumahimik.

"Yes, kapatid?"

"Teh! Kamusta ka? San ka ngayon?"

"Ok naman. Just came from watching Puccini at CCP. Napatawag ka."

"Ay wala lang. Papunta sa condo ang mga bading. Impromptu chika moment. Punta ka."

"Ay ang saya! Naku sorry, teh. Not tonight. I'm off to Antipolo."

"Mayo ba? Or naglilihi ka lang sa kasoy? Haha"

"Gaga! No, just planning to spend overnight sa 7 suites." Sabay tingin kay Lucas at kumindat.

"Ay! May booking ang aking kapatid!"

"Oh siya! Mas mahalaga ang booking. Bye!"

Nagtawanan sila ni Lucas. At bigla siyang tinanong "Magche-check in tayo tonight?"

"Yes, love!"

"Wala akong gamit."

"I have a bag in the trunk. All you need is there. And the bag is yours."

"What? ahh hindi ako nakapagsabi kay Joey." Biglang nag-alinlangan si Lucas

"Can't you call now? Come on. It's nice there. Once lang naman."

"Eh anong excuse ko?"

"Work, as always. May kailangan tapusin for a client."

"Eh yun na nga ang dahilan ko tonight."

"Oh de i-extend mo lang. Sige na, love."

Nagdadalawang isip si Lucas. Alam niyang away na naman eto pag nagpaalam siya. Ngunit nahiya naman siya kay Dante. Mukhang pinagplanuhan eto. Kinuha ang cellphone at tatawagan na si Joey. Ngunit nagbago ng isip.

"I'll call him when we are in the hotel na."

"Thanks, Love." Kinuha ni Dante ang kamay niya at hinalikan.


"Hello Joey?"

"Sir Claude?"

"Mago-overnight sila sa Antipolo tonight."

"Huh? Hindi po nagpaalam si Lucas. Shit!"

"I'm sure tatawagan ka niyan. I suggest you go over there. Hulihin mo sila."

"Huh? Ahh, opo. Sige, sir. Gagawa ako ng paraan."

"That's the most I can do for you, Joey."

"Sir, maraming salamat."

Ang ganda ng kwarto nila. Maayos. Lumabas muna sa balkonahe si Lucas upang tawagan si Joey. Hindi siya nahirapan kumuha ng paalam. Mukhang tanggap na ni Joey ang rason niya. Lumabas si Dante.

"Everything good, love?"

"Yeah. Ok naman kay Joey. Nakakagulat nga."

"That's great. You don’t need to worry. And nagpaakyat ako ng wine." sabay ngiti si Dante.

“Ok.” Yung lang ang naisagot ni Lucas habang tumitingin sa mga kumikislap na ilaw sa kalakhang Marikina. Maya-maya pa lang ay nilapitan na siya ni Dante, dala ang isang kupita ng alak.

“Thanks, Dante.”

“Oh, bakit parang malayo ang ini-isip mo?”

“Wala naman.” Niyakap siya mula sa likod ni Dante at hinalikan sa batok.

“Drink up.”

Uminom si Lucas. At ilang sandali na lang ay iniharap na siya ni Dante at hinalikan sa labi. Bumitaw siya.

“Huy. Baka may makakita.”

Parang na-inis si Dante. “Ha? Eh Marikina Valley ang kaharap natin? Sinong makakakita mula dun?” Lumayo si Dante at pumasok na sa kwarto. Hinabol ni Lucas at niyakap.

“Eto naman, tampo agad. Gusto ko lang private.” Niyakap at hinalikan na niya si Dante sa labi, sa loob ng malamig na kwarto. Hindi na rin lumaban si Dante at hinalikan na rin si Lucas.

Matindi ang halikan. At unti-unti ng tinanggal ni Dante ang shirt ni Lucas. Hinalikan siya sa leeg, sa dibdib. At ng mapunta na sa utong niya, dinila-dilaan niya ng dahan-dahan. Napa-ungol siLucas. Dumiin ang pagdidila. At nanggigil na si Dante. kinagat ang utong.

"Aray."

"Sorry." Tumigil si Dante at hinila na si Lucas sa kama. Tinulak niya at napahiga. At pinatay na ni Dante ang ilaw.



- Posted using BlogPress from my iPad

1 comment:

Geosef Garcia said...

Kawawa naman si Joey. What an asshole Lucas is. At si Dante, walang respeto sa relasyon ng dalawa. *tsk tsk*

Looking forward to the next part. Sana mahuli sila.