Hindi nakatulog si Joey. Umuulit sa kanyang isipan ang magiging confrontation nila. Iniisip niya kung anong oras siya darating. Dapat ba sa umagang-umaga? Kakatok ba siya sa kwarto? Makukuha ba niya ang numero ng kwarto? Kung sa may dining area kaya, habang nag-aalmusal sila? Naku, ayaw naman niya ng iskandalo. Alam rin niyang nagdaan na sa ganun si Lucas. Paano niya haharapin sila? Anong una niyang sasabihin? Paano kung umalis sila agad? Paano kung hindi pala si Lucas ang kasama ni Dante? Ang daming katanungan, nguni kahit ano pa, desedido siyang ituloy ang confrontation. Kaya maaga pa lang ay naghanda na siya. Ala cinco pa lang, gising na siya at inisip na kung ano ang dapat sakyan para makapunta sa Antipolo.
Nagising si Dante ng maaga rin. At nang tinignan niya ang kanyang katabi, nakita niyang mahimbing na natutulog si Lucas, nakatalikod sa kanya. Tinignan niya ang relo. 530am pa lang. Naalala niya ang naganap kagabi.
Pinahiga niya si Lucas sa kama at pumatong. Patuloy ang kanilang halikan. At sa kanyang tiyan naramdam niya ang bukol ni Lucas. At hindi niya naramdaman na tumitigas ang nota. Tinuloy niya ang paghalik sa matipunong dibdib ni Lucas, na napakasarap namang halikan. Napunta siya sa mga utong na dinilaan niya ng husto, at kinagat-kagat pa. Narinig niyang umungol si Lucas. Naisip niyang tunay ngang nasasarapan si Lucas.
Kinapa niya uli ang nota. Hindi pa rin gaanong katagas. Iniwanan niya at nagconcentrate siya uli sa pusod. Eto naman ang kanyang dinilaan at hinalikan. Nakakakilit sa kanyang mga labi ang mga buhok-buhok ni Lucas sa bandang pusod. Umungol na naman si Lucas. Pinisil niya ng nota na parang tumitigas na rin.
Binuksan at hinubad na niya ang pantalon ni Lucas. Lumitaw ang puting underwear, na napakaseksi sa kanya. Napansin niya ang bukol. At eto na ang dinila-dilaan niya, mula sa brief. Mukha nga patigas na. At hindi na niya napigil at hinila pababa ang brief para lumabas ang nota ni Lucas. At dahan-dahan ng dinilaan ang natutulog pa ring nota. Walang kibo si Lucas. Sinubo na niya ang nota. Tinuloy-tuloy ang pagchupa. Ang paghigop, pagdila. Nilabas niya ang kanyang galing. Nagawa niyang dilaan ang ulo sa loob ng kanyang bibig. Ilang sandali ay unti-unti ng tumitigas ang nota. At parang narinig na niyang humahalinghing si lucas. Kaya lalo niyang hinusayan ang pagsubo.
Ngunit ilang sandali pa ay nawala ang katigasan at dahan-dahang lumambot uli. Napapagod na siya at nagngangawit. Naramdaman na lamang niya ang mga kamay ni Lucas sa kanyang balikat, at inaangat siya. Nilapit siya sa mukha at hinalikan. Lumayo si Dante at tinignan si Lucas.
"May problema ba, love?"
"Pagod lang ako, Dante. Wala namang problema. Relax lang tayo."
Ngunit hindi naman talaga siya pagod. Sa totoo ay hindi pa nga siya inaantok. At totoong nararamdaman niya ang pagkawala ng kanyang erection. At nahiya siya. At nainis sa sarili.
"Baka yung wine?" Tanong ni Dante habang pumatong sa kanyang dibdib.
"Baka nga." Ngunti alam niyang hindi rin yung alak.
"Mamaya na lang natin ituloy." Tumayo muna si Dante. "Sleep ka muna, love."
"Sige, I'll take a nap lang." At nahiga ng husto si Lucas.
Lumabas muna sa kwarto si Dante, patungong balkonahe. Tinuloy ang pag-inom ng wine. Nang bumalik siya ay mahimbing na ang tulog ni Lucas. At humihilik pa.
Nasuya si Dante at kinuha na lang ang mga toiletries niya upang maghandang matulog na rin.
At ngayong umaga na, tinignan niya si Lucas na nasa ilalim na ng comforter. May kaunting hilik pa rin. Yumakap siya mula sa likod. At hindi naman pumalag si Lucas. Kinapa ang nota. Matigas na. At dahan-dahan na niyang hinimas ang nota. Na-excite na siya muli.
Humiga na si Lucas sa kanyang likod. Nakapikit pa rin. Umilalim sa comforter si Dante at dumiretso at pagsubo ng matigas ng nota. At muli niyang pinaghusayan ang pagchupa. Ilang sandali pa lang at tinanggal na ni Lucas ang comforter para lalong makagalaw si Dante. Binuksan ni Lucas ang kanyang mata at nakita niyang si Dante ang sumusubo sa nota niya, habang nagsasalsal ng sarili.
Mga ilang sandali na lang ay lumambot na muli ang nota niya. At kahit ano pang pagsubo ni Dante ay walang nangyayari. At naramdaman na naman niyang inaangat siya ni Lucas. Tinuloy na nila ng halikan, habang nagsasalsal sila pareho. Ngunit wala pa ring nangyayari kay Lucas. Hindi pa rin siya tinitigasan.
Ilang minuto ang nagdaan. Wala pa rin.
"Palabas ka na lang" bulong ni Lucas kay Dante.
At tinuloy na ni Dante ang pagjajakol hanggang labasan siya. At kahit masarap ng panandalian, walang satisfaction si Dante sa nangyari. Tumayo siya.
"Magshower na ako, Luc." Tumungo lang si Lucas sa pagsang-ayon.
Hindi nahirapan si Joey na hanapin ang mga sakayan papuntang Antipolo. Mabuti na lang at maaga siya bumyahe. Hindi pa matraffic. Ngunit habang mabilis nagpapatakbo ang sasakyan ay lumalakas rin ng tibok ng kanyang puso. Naisip nga niya na sana ay ma-traffic na lang para hindi niya kailangan harapin agad ang dalawa.
Nakagawa naman siya ng plano. Itatanong niya sa reception kung naka-check in si Sir Dante. Palalabasin niyang may mahalaga siyang papeles para sa negosyo. Aalamin niya kung nandun pa sila. At kung nandun pa nga, ay maghihintay siya sa may kainan ng almusal. Maghihintay siya hanggang bumaba sila para kumain. At kung sakali mang hindi sila mag-almusal, ay sasasabihan siya ng Front Desk upang may salubungin sila habang sila ay nagche-check-out.
Haharapin lang niya sila. Ipapakita lang niya kay Lucas na alam na niya. Hindi siya mag-iiskandalo. Pagnakita na siya ni Lucas ay aalis na siya. Ay, ibibigay niya pala kay Dante ang envelope, nakunwari ay may dokumento para sa kanya. Iiwan lang niya ang envelope na walang laman. O lalagyan lang niya ng isang maikling sulat. "Goodbye Lucas at Dante. Mga manloloko." At aalis na siya. At uuwi muna siya sa probinsiya. Bahala na kung gaano katagal.
Oo, hihiwalayan na niya si Lucas. Hayop talaga ang kanyang boyfriend. Minahal niya ng tapat. Tinulungan niya nung walang-wala siya, nung panahon na wala mang gustong tumulong. Naluha siya habang iniisip niya ang gagawin niya. Halong galit at awa sa sarili. Sa kanyang katangahan. Sa kanyang pagtitiwalang wala namang sukli kungdi panloloko at kasinungalingan.
Handa na siya. Kailangan lang niya makumpirma sa sarili niyang mga mata ang pagtataksil.
"May problema ba, Luc? Kagabi pa yan." Nagbibihis na si Dante habang nagsasalita. Nasa kama pa rin si Lucas.
"Ang bata-bata mo pa, may erectile dysfunction ka na."
"Wala akong impotence." Ang galit na sagot ni Lucas.
"Eh anong tawag mo diyan?"
"I'm just not into the mood."
"Mood? May nalalaman ka pang mood?" Sarcastic na ang tono ni Dante.
"I don't know. Parang wala lang akong libog."
"Obvious ba?"
"Look, I'm just tired maybe. Or..." Naiirita na rin si Lucas.
"Or what?"
"Hindi ko alam, ok? Ewan ko"
"Are you trying to tell me something?"
"Basta... parang wala akong libog pag tayo..."
Parang sinampal si Dante. "Ah ganun. Fuck you."
"Look. You want the truth, right?"
"Tang-ina mo, Lucas. Handang-handa akong gawin kitang partner! Alam mo ba yun? Partner! Hindi lang empleyado!" Nararamdaman ni Dante na tumutulo na ang kanyang luha.
"Dante, I'm sorry. But I want to make this work, too."
"How could this work? We can't even have sex!"
"Baka matutunan ko rin.."
"Huh? Kailangan pag-aralan? Anong tingin mo sa akin?"
"I know I like you."
"What do you like about me, Lucas? Ano nga ba?"
"What I know is that hindi ko malimutan ang nangyari sa atin. Nung bata pa ako."
"Eh anong nagbago? Nandito na ako. Nagkita na tayo muli. What changed?"
"Di ko alam. Basta, alam kong nagugustuhan na kita."
"Gusto mo nga, pero wala ka namang libog na nararamdaman. Oh God. I feel so old and ugly." Umiyak na ng husto si Dante. "Aminin mo na, Lucas, wala kang ibang nararamdaman for me, nothing special, right?"
"No, that's not true. Handa na nga akong iwan si Joey for you."
"Kay Joey ba, ganyan ka rin? Hindi ka tinitigasan?"
Hindi umimik si Lucas. Dahil ang katotohanan ay masarap pa rin ang sex nila ni Joey. May excitement pa rin.
"Fuck. Di ka man makapagsinungaling sa akin."
"I'm sorry."
Mga ilang sandali na lang ay nahimasmasan na si Dante. "I get it. Di naman ako tanga. Alam kong nadala ka lang."
"What do you mean?"
"You thought I was still the same guy, yung taong nakasama mo sa bus nung bata ka pa. Yung naging fantasy mo for the longest time. But reality is, hindi na ako yun. Tumatanda ang tao, Lucas. Yung sa fantasy mo, hindi. You thought you could bring it all back. The same feeling. With all the pluses."
"Pluses?"
"Oo, pluses. Plus the job, plus the lifestyle, di ba? Oo, guilty ako of showing it off. Kasi nahulog ako sa iyo. Alam kong mai-impress ka. So stupid of me."
"Ang sakit mo magsalita."
"Diyos ko, Lucas. Mag-aminan na tayo."
Sinundan eto ng katahimikan. Walang imikan, maliban lang sa pagsinghot paminsan-minsan ni Dante.
"But I still want to make this work." Eto na lang ang nasabi ni Lucas.
"This? Anong 'this'? May jowa ka. Iiwan mo na lang ba si Joey?"
"Pinag-iisipan ko na nga yun. I told you that."
"For what? To devote time to me... To learning to love me? Eh yung libog mo, matuturuan mo rin ba yan?"
"I'm sorry about that. Hindi lang ako handa, siguro."
"Handa? Lucas, wag na nating ipilit. Hindi ako nanlilimos ng pag-ibig mo. I may be old and ugly but I am just too proud to beg for your love."
"Don't say that."
"Eh yun ang pinadadama mo sa akin!"
Tahimik muli. Nag-aayos ng gamit si Dante.
"Mag-shower ka na. Magbreakfast na tayo at maka-alis na."
Umikot muna sa paligid si Joey. Maganda nga ang lugar na eto. At malamig pa ang simoy ng hangin, dahil may kataasan na rin ang lugar. Bumalik sa siya sa restaurant at naupo. Naghintay. Naka-check in pa nga sila. Halos alas siete na rin. Pababa na rin siguro yun para mag-almusal. Naghihintay na siya.
Tahimik na silang pareho. Nakaayos na ang mga gamit ng matapos na si Lucas sa pagligo at pagbihis.
"Tara, baba na tayo."
Kukunin na sana ni Lucas ang mga bag. "Iwan mo na muna. Pakukuha ko na lang pagkakain."
Bumaba sila sa reception area at dumiretso sa restaurant. Buffet breakfast ang kasama sa kanilang binayaran. Ngunit kapwa sila walang ganang kumain.
Nakita ni Joey ang kanilang pagdating sa loob. Nakatago siya sa likod ng isang poste kaya hindi siya napansin ng dalawa. Kumakabog ang kanyang dibidb. Lalapitan na ba niya? Hindi muna. Hihintayin niyang nakaupo sila. Pagnakakuha ng pagkain. Dun siya lalapit.
Pinagmasdan niya si Dante. Ngayon pa lang niya nakita. Maaaninag mo pa ang tipo bagamat may edad na. Mukhang fit naman. Si Lucas, mukhang may bagong damit. Hindi niya nakilala ang shirt na gamit. Sa malayo, parang tumaba na nga ang mahal niya. Mahal pa nga ba niya? Natawa siya sa sarili. Makakarating ba siya ng Antipolo kung di man niya mahal ang gagong iyon?
Nakaupo na sila, dala-dala ang mga plato at kakainin. Timutiyempo siya. Tahimik ang pagkain. Hindi gaanong nag-uusap. Tumayo na siya at lumapit. Hindi man siya napansin hanggang malapit na siya sa mesa. Ngunit ang lakas na ng kabog ng kanyan puso. Eto na ang sandali. Habang palapit siya ay nanumbalik ang galit, ang awa sa sarili. Naramdaman niya ang pag-akyat ng dugo sa kanyang ulo.
Tumigil siya at tinawag si Lucas.
"Lucas."
Parehong napatingin si Lucas at Dante sa kanya. At namutla si Lucas.
"Babe! Anong ginagawa mo dito?"
Dahan-dahan at malumanay siyang nagsalita. "Tang-ina mo, Lucas. Puro ka pagsisinungaling."
Biglang tumayo si Lucas. "Babe! Relax ka lang. Don't make a scene." Nilapitan niya si Joey. At naramdaman niya ang panginginig nito. "Please Babe." Hinawakan niya sa braso. Pumiglas si Joey.
Biglang sumingit si Dante. "Aren't you going to introduce us?" Tumayo na rin si Dante.
Pareho silang nagulat kay Dante. At napatigil. "Joey, si Sir Dante." Inalok ni Dante ang kanyang kamay. Hindi siya kinamayan ni Joey.
"Joey, join us for breakfast."
Parang nalito si Joey. Hindi eto ang nasa isip niyang mangyayari.
"Babe, maupo ka na. Cool lang tayo."
Hindi umiimik si Joey ng umupo. Galit pa rin ang nasa puso niya. Ngunit hindi siya kumikibo. Nag-umpisang magsalita si Dante.
"Joey, wala ka dapat ipangamba. We are not having an affair ng jowa mo."
Napatingin si Joey kay Dante.
At nakapagsalita na si Joey. "Sir, hindi ako tanga. Please, wag niyo akong tratuhin na tanga."
"Ok. You might as well know everything." Nagulat si Lucas kay Dante. "Dante! Ano ba yan? What are you talking about?"
Hindi pinansin ni Dante si Lucas.
"Oo, I fell for him. After working with him, sinuyo ko siya. I wanted him to work with me. And be my boyfriend."
"Fuck you..." Biglang sumingit si Joey.
"Wait. Patapusin mo ako. I wanted that then. But not anymore. Hindi ko na siya gusto. He's all yours."
Nagulat si Lucas. Gulat na gulat na nangyayari ang lahat na eto. "What the hell are you talking about?!?"
"Oh come on, Lucas. Itatago mo pa ba kay Joey? Enough na. You and me. It's not going to work out. Kaya wag mo na siyang iwan."
"Tang-ina mo!"
"Lower your voice, Lucas. Aalis na ako. Iiwan ko na kayo dito. Mag-usap kayo. Alam mo, Joey, maraming issues yan si Lucas. Is that what you really want?"
"Fuck you, Dante! You don't know me! Wala kang karapatan husgahan ako."
Natawa si Dante. "I just did. And you know I am right. Anyway.." Tumayo na si Dante. "Mag-usap na kayo. I'll leave your things at the concierge. Joey, nice meeting you."
Tuliro si Joey. Hindi maka-react. Hindi niya alam kung anong magiging reaction niya. Iniwan na sila ni Dante sa mesa.
Tahimik muna sila. Walang masabi pareho. "Kuha ka muna ng breakfast, Babe?" Yun lang ang nasabi ni Lucas.
Tinignan ni Joey si Lucas. Tinitigan. Wala na rin ang mga luhang naguumpisa na sanang tumulo.
"Tang-ina mo, Lucas. Tang-ina mo." Tumayo na rin siya mula sa mesa at umalis.
- Posted using BlogPress from my iPad
1 comment:
Marami ngang issues si Lucas. Buti nga sa kanya.
Post a Comment