Maluwag ang bus. Kakaunti lang ang tao. May tatlong bag siyang dala-dala. Malalaki man ay naisakay niya sa loob ang lahat. Marami pa siyang gamit na naiwan. Ngunit nailagay na niya sa kahon at naidala kay Rene. Dun na lang niya kukunin pag naka tiyempo siya.
Walang tao sa bus. Weekday kasi. Nasa trabaho ang mga tao. Mabuti pa sila. Talaga naman ang malas, pag dumating, tatlo-tatlo lagi. Iniwan siya ni Dante. Pinalayas na ni Joey. At tinanggal pa sa trabaho ni Claude.
Malungkot man siya ay wala na siyang luhang mailalabas. Naiiyak na niya ang lahat, lalo na nung huling araw nila magkasama ni Joey. At nanumbalik na naman ang mga ala-ala.
"Walang kibo, Babe." Kinalabit niya si Joey habang nasa loob sila ng jeepney pauwi mula Antipolo. Hindi pa rin siya kinibo at pinansin ni Joey. Hanggang umabot na sila sa bahay.
Dumiretso sa kwarto si Joey, sumusunod si Lucas. At sa kwarto, hinarap na rin ni Joey si Lucas.
"Ako dapat ang lalayas, Luc. Handa na akong umuwi sa probinsiya."
"Huh? Bakit?"
"Putang-ina naman, Luc. May gana ka pang magtanong kung bakit?"
"Babe, di mo dapat pakinggan si Dante. Walang nangyari sa amin. Honest"
"Nasa hotel kayo nagcheck in, walang nangyari? Ganun ba katanga ang tingin mo sa akin?"
"No, Joey. It's true. Walang naganap. Please, Babe. Maniwala ka naman sa akin."
"Tanga talaga tingin mo sa akin. At talagang naging tanga akong umibig sa iyo!"
"Bakit hindi ko pinakinggan ang mga suway sa akin ng mga kaibigan ko tungkol sa iyo?" Nagumpisa ng tumulo ang luha ni Joey.
"Wala ka na talagang ipagbabago, Lucas. Hopeless ka na. At tangang martir na lang ang pwedeng magmahal sa iyo."
"Wag kang ganyan, Babe. I've shaped up. Hindi ko pinatulan si Dante. Siya mismo magsasabi sa iyo."
"Shut up. Tama na ang kasinungalingan. Pagod na pagod na ako."
"Wag mo akong iwan, Babe. We have a life together. Di ba, marami tayong plano?"
"Walang kwenta lahat ng pagpapaplano natin. Sa isang makating ahas tulad mo. Athi ndi kita iiwan. Hindi ako aalis dito."
Biglang tinignan ni Joey si Lucas, gamit ang matalim na mga mata.
"Ikaw ang lumiyas. I hate you, Lucas. Get out of here."
Hindi niya malimutanan ang galit na nakita niya sa mga mata ni Joey. Nanlilisik na mga mata. At naalala niya ng huli niyang makita ang mga matang ganun. Kay Carlos. Kaya rin hindi na siya lumaban at nagpumilit na magstay. Hindi na niya pinaglaban ang kanilang samahan. Baka saan pa mauwi ang usapan. Baka magkasakitan pa sila.
Mula nun ay sumunod-sunod na ang malas. Hanggang nandito na siya, pauwi ng probinsiya. Kakaunting pera na lang ang natira sa kanyang pitaka.
Parang kailan lang ng maganda pa ang takbo ng buhay niya. Pasikat siya sa kumpanya dati. Maganda ang samahan nila ni Carlos. Napunta pa siya sa Cebu. At nakilala niya si Emily. Nagkagulo-gulo ang buhay niya dahil sa mga komplikasyon na pinasok niya. Oo, siya mismo ang pumasok sa mga gulo ng buhay niya nun.
Akala niya ay hindi na siya makakabangon mula nung natanggal siya sa trabaho. Ngunit dahil kay Joey ay naiangat niya muli ang kanyang buhay. Si Joey na tahimik na nagmahal sa kanya. At inalay ang lahat para sa kanilang dalawa. Ngunit kahit iyon ay hindi niya pala kayang matagalan. Mangyayari at mangyayari na siya mismo ang hahanap ng gulo sa buhay niya. Siguro talagang kakambal niya ang komplikasyon. Hindi niya kaya ang maayos na buhay?
Hopeless na nga ba siya? Ano nga ba ang puno't-dulo ng ganitong pagiisip niya? Kalibugan lang ba na hindi niya mapigilan? Hindi niya alam ang kasagutan. Ngunit naisip lang niya sana na mapatawad siya ng mga nasaktan niya. Ni Carlos, ni Joey, at yung mga iba pang umasa, nagtiwala.
Sa kabila ng lahat, nandun pa rin ang blessings niya. Nagka-ayos na sila ni Inay. At si anak niyang si Matthew. Wala man sa piling niya ay alam niyang nasa mabuting kalagayan.
Paano niya kaya uumpisahan ang buhay niya? Makakatagal kaya siya sa probinsiya? Ang maganda lang, maalagaan niya si inay, na marami na ring nirereklamo na mga sakit.
Malamig ang aircon sa bus. Nagbalot siya ng jacket. Nakatulog siya.
Nagising siya ng tumigil ang bus sa isang istayon ng sandali. Nagpick up ng mga sasakay. Bumaba siya upang umihi. Paglabas niya, nakasabay niya ang isang matipunong lalaki, bata pa siguro. Malaki ang kaha. Kahit ang biceps, mapapansin sa laki.
Pumasok sila sa bus. Tumabi siya sa mga gamit niya. At napansin niya ang lalaki naupo sa may bandang likod. Mag-isa. Walang katabi. Umandar na ang bus. May isang oras pa bago siya makarating.
Lumingon siya sa likod. Nakatingin sa kanya ang lalaki. Tumungo.
Inayos niya ang kanyang mga gamit. Ang mga ilang sandali ay tumayo si Lucas, bitbit ang tatlong bag, at lumipat ng mauupuan.
Wakas.
- Posted using BlogPress from my iPad
5 comments:
Did you always know it will end this way?
Cliff hanger: hindi pa alam kung sino nanira sa kanya kay carlito at sa boss niya before.. Oh well, sad na ganito yung ending.
abruptly ended, what a waste, run out of twist cc? - markgyver
i had a feeling it would end this way...unapologetically depicting Lucas' insatiable libido.
Ang dameng hindi nasagot na tanong sa kwento. Bitin at nakakalungkot.
Post a Comment