"Maayong buntag, Babe" text ni Lucas ang unang pumasok sa telepono niya pagka-turn on nito. Nangiti si Carlito. Maayos naman ang flight papuntang Cebu. Naghintay muna siya ng makarating na siya sa luggage claim area bago tumawag.
"Hello Babe. Nandito na ako, palabas. Saan kita hihintayin?" tanong ni Carlito.
"Hey Babe! Nakapark lang ako. Dadaan ako mismo sa harap ng exit mo. Di ka na lalayo." excited ang boses ni Lucas.
"Kamusta ang flight, Babe? Maayos naman?" Nasa kotse na sila patungo na ng Cebu City.
"Yeah, ang aga lang. Di ako nakatulog masyado sa plane. Ang ingay
ng katabi ko. Mga OFW."
"Hahaha, kawawa ka naman. Hayaan mo, makakapahinga ka. Diretso na muna tayo sa apartment."
Habang papunta dun, naituro na ni Lucas ang mga ibang landmarks sa Cebu tulad ng bagong tulay, ang reclamation, ang SM.
"What's the plan ba?"
"Dito muna tayo sa city tonight. Dinner tayo sa Ayala..."
"Mall na naman? Eh puro mall na nga tayo sa Manila."
"Maganda ang Ayala dito, Babe. At marami kasing choices."
"Anyway, bukas naman paalis tayo ng Bantayan Island. Mag two nights tayo dun."
"Malayo ba yun?"
"Di ako sure. Pero maganda daw. Di ko pa napuntahan. I wanted to visit it with you." at kinuha niya ang kamay ni Carlito at pinisil.
"Okay. Malayo pa ba house mo? Na-jingle na ako."
Normal na uli ang buhay niya ngayong nasa Cebu si Carlito. Nabuhay na naman ang apoy ng damdamin niya, lalo na nung pinagmamasdan niyang nag-aayos ng gamit si Carlito sa bahay. Mula dun ay nagtungo na sila agad sa mall. Excited siyang ipakita ang tanawin ng Cebu, ang pangalawa niyang tahanan.
"Ma-traffic rin, no?"
"Oo, babe, lalo na dito sa Mango. Masikip pa rin ang mga kalye."
"Huy nandyan na pala ang Fitness?"
"Tagal na niyan! Nandito na tayo. Di ba maganda naman ang Ayala Cebu?"
Lumigid-ligid sila sa loob ng mall. Pareho rin naman ang mga brands na nilalaman, lahat nasa Manila na rin. At habang papasok sila sa Rustan's, bigla niyang nasalubong si Paolo.
Si Paolo!?!?
Bigla siyang nanigas. At kahit si Paolo ay biglang tumalikod. At dali-daling pumasok sa looban muli ng Rustan's.
"Kilala mo ba yun, Babe?"
"Huh? Sino?" dedma na lang.
"Yung bagets. Parang kilala ka niya. Biglang nag-aboutface."
"Talaga? Hmmm. Hindi ko napansin."
"Anong hindi mo napansin, eh, parang natigilan ka rin."
"Hindi no? May iba akong napansin. Ano ka ba?" naiirita na si Lucas. At nararamdaman niyang namumula na siya at pinagpapawisan.
"Babe, I saw him and you. Kilala mo ba siya?" nagbabago na rin ang tono ni Carlito.
Hinarap niya at tinitigan niya si Carlito. "I swear I don't know him. Di ko napansin."
"Kung ikaw may nililihim sa akin, Babe"
"Carl, naman, kararating mo lang, nagseselos ka na! I don't even know the guy!" tumataas na ang boses niya. Ganyan talaga, unahan lang ng sindak.
"Ok, ok. Weird lang, Babe. As in, ang weird."
"Fine. I really don't know him, okay? Tara, let's eat na." at niyaya na niya si Carlito patungong Cafe Laguna.
Hindi na muli binanggit ni Carlito yung enkwentro kay Paolo. Bumalik sa normal ang usapan. Ngunit naramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Tumiyempo siya ng nag-CR si Carlito at binasa ang text.
"M sori." text ni Paolo sa kanya. Mas lalo siyang nagalit sa bata at bilis dinelete ang text. 'Tang-ina!' sa loob-loob niya. Sa lahat naman ng places, ngayon pa nagpunta dito.
Bumalik na sa table si Carlito at nagyaya ng umuwi.
"Ok Babe, may biyahe pa tayo bukas. I'm so happy you are finally here, Babe!"
- Posted using BlogPress from my iPad
1 comment:
hehe...unfaitfull kasi...
hehehe
Post a Comment