"Oh, bakit nakabihis ka na? I thought later pa tayo aalis?" tanong ni Carlito.
"Babe, I have to meet a client lang ng sandali." paalam ni Lucas.
"Huh? Biglaan naman yan."
"I know. Kainis nga. Ang demanding."
"Wag mong pagbigyan. Wag mong sanayin."
"I can't say no to them! Ano ka? Client 'to!"
"Alam naman ng office mo na naka-VL ka! Bakit kailangan mong pagbigyan yan? Ganyan talaga ang kliyente. Kung hahayaan mo, aabusuhin ka."
"Hindi kita pinapakialaman sa trabaho mo. This is my call."
"De huwag! Bahala ka! I'm leaving tomorrow na! Parang istorbo lang ako sa iyo dito!" sumisigaw na si Carlito. Ma-init na naman ang usapan.
"I didn't say that. Pagbigyan mo lang ako for lunch. Sandali lang."
"Bahala ka. I don't care. Magpa-alipin ka sa buwisit na kliyente mo." at pumasok sa loob ng kwarto si Carlito, binalibag ang pinto.
Nakagawa ng paraan si Lucas na sumaglit sa tagpuan nila ni Emily. Away na naman ang kapalit. Yun ang nakaka-inis lang kay Carlito. Lagi na lang away ng away. Laging may issue. Kaliit-liit na bagay, pinapansin. Mabilis uminit ang ulo.
Nagdabog rin siyang lumabas ng bahay. At nagmamadaling pumunta sa Mango. Bwisit rin kasi etong si Emily. Marunong talaga ang babae. Kung makapagbanta. Akala niya tapos na ang problema niya dito nung nag-resign. Hay. Ano na naman kaya ang problema nito?
Nasa isang sulok ng Jollibee si Emily naghihintay. Ibang-iba ang itsura. Hindi man naka-ayos. Naka-maong lang at T-shirt. Nilapitan niya at umupo sa tapat.
"Anong malaking usapan eto?" may galit na agad sa tono niya, dala na rin ng away nila ni Carlito.
"Delayed ako."
"Shit." di alam ni Lucas ang iisipin o sasabihin.
"Panagutan mo 'to." diretso ang tono ni Emily. Walang emosyon.
"What? Akin ba yan?" ang biglang reaksyon ni Lucas.
"PUTANG-INA MO! Ang kapal ng mukha mo!" nanlilisik ang mata ni Emily. "I never went out with anybody else since tayo ang lumabas. 'Tang-ina ka!" nag-umpisang lumigid ang luha sa mga mata.
"Shit. Shit. Shit." yun lang ang nasabi niya, umiiling at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
"I can't get married.."
Pinutol siya ni Emily. "Wala akong balak magpakasal sa iyo. Bakla ka. I know everything."
Sasabat sana si Lucas.
"At alam kong nandito ang boyfriend mo mula sa Manila. Ang liit-liit ng Cebu, no?"
Natameme na lang si Lucas. Lalong lumalalim ang hukay sa utak niya.
"Simple lang, Lucas. Tumakas ka sa responsibility mo sa batang eto, at sisiguraduhin ko mula Cebu hanggang Manila, alam nila ang sikreto mo. Okay?"
Di na nakapagsalita si Lucas. Nangingig sa galit, sa takot.
"Ako ang tatawag sa iyo. Babalitaan kita kung paanong mangyayari."
Bigla siyang nakapagsalita. "Gusto mo bang ituloy yan?" tanong ni Lucas. "May ibang options naman."
"Fuck you, Luc." at tumayo't umalis si Emily, iniwan siyang tulala habang dumarami ang tao sa Jollibee. Dun pa lang niya napansin ang tao, ang ingay. Ngunit naramdaman niya ang panginginig ng kanyang kalamnan. Gusto man niyang umiyak ngunit walang lumalabas na luha. Siguro, shock pa rin siya. At naghalo-halo na ang gulo ng buhay niya.
Lumakad siya patungong kotse, tulala pa rin. Nagdrive muna sa siya pa-ikot-ikot, tulad rin ng isipan niya.
Sasabihin ba niya kay Carlito? Kailangan ba niyang malaman? Ano ang magiging reaction niya? Baka naman cool lang siya kasi babae naman. Kaya na ba ni Emily na ituloy ang banta niya? Ganun ba ang pagkakakilala niya sa kanya? Sa kanya ba talaga yung bata? Parang ilang beses lang naman sila nagtalik na walang condom. Nakabuo na siya? Baka naman ginagamit lang siya. Baka may ibang pinagtatakpan si Emily.
Shit. Hindi niya kayang magsustento kay Emily, kung sasabay sa binabalak nilang bibilhin na condo. May obligasyon ba talaga siya? Ano ba ang nasa batas?
Si Nanay, si Ate? Anong magiging reaksyon nila? Baka matuwa pa yun at isiping lalaki talaga si Lucas.
Kung unahan na niya at mag-resign siya, bago mag-iskandalo si Emily? Saan siya hahanap ng trabaho? Hindi pa naman madali ngayon humanap ng malilipatan.
Nakarating siya sa bahay. Magulo pa rin ang isip. Ngunit pinagpasiya niyang huwag muna sabihin kay Carlito. Patapusin na niya ng maganda ang bakasyon sa Cebu. Plastikan na lang muna.
Pumasok siya sa loob ng kwarto, nakitang natutulog si Carlito, nakatalikod sa kanya, nakahiga sa tagiliran. Nilapitan niya at niyakap mula sa likod.
"Babe, I'm sorry." malambing niyang ibinulong, habang unti-unting hinahalikan ang tenga, ang leeg, ang batok.
"Mmmm..." umungol si Carlito, nagising ng bahagya. Ngunit tinuloy ni Lucas ang paglalambing. "I'm sorry, Babe." at hinaplos ang kamay, pababa patungo sa hita. Inabot na niya ang nota ni Carlitong matigas na. Pinisil at inumpisahan ng batihin. At mula dun ay humarap na si Carlito, nakapikit pa rin, at hinayaan si Lucas na paglaruan ang kanyang nota. Nilabas mula sa boxers ang nota at dinalaan, sinubo. Tumuloy-tuloy na ang kanilang pagtatalik. Hanggang sa sukdulan ng kaligayahan.
Nang matapos, nakahiga lang sila sa kama, magkahawak ang mga malalagkit na kamay. Magaan na ang pakiramdam sa kanilang dalawa. Ngunit di pa rin maalis ni Lucas ang malaking problema niya kay Emily.
"What time tayo aalis tomorrow?" tanong ni Carlito.
"Ahhh... para sigurado mga 7am. Mahirap kasabay traffic papuntang Mactan."
"Ok." at hinalikan ni Carlito si Lucas bago tumayo at maligo.
Nagawa niyang libangin ang sarili at si Carlito sa huling gabi niya sa Cebu. May pinuntahan silang kainan paakyat ng Cebu Plaza Hotel. Maganda ang tanawin at presko ang hangin.
"Babe, paano na yung condo? Kailan natin uumpisahan?" tanong ni Carlito sa kanya.
Napatigil sa pagnguya si Lucas, at nanumbalik ang kaguluhan ng tanghali.
"Ahh, Babe. Defer muna natin, ha? Baka di kayanin ng bulsa for now."
"Huh, akala ko naplano mo na? We have been talking about this for months."
"Yeah, pero kasi mahirap magplano ng matagalan..." nahihirapan si Lucas na maghanap ng tamang salita. Nauutal na siya.
"What?" nagtaas na naman ang boses ni Carlito. "What could possibly happen? Ang gulo-gulo mo!" biglang sumimangot na siya.
"Babe, I.. I just don't want to commit muna to..."
"You don't want to commit? Tama ba ang naririnig ko?"
"Look, I didn't mean it that way... I meant..."
"You meant you can't commit to this investment kasi you don't want to commit to me."
"Ano ba, Carl? Hindi yun.." naiinis na rin siya.
"Pucha, Luc. Pabago-bago ka ng isip. Here I am making all the fucking plans, hindi ka pa pala sigurado!"
Away na naman. Walang katapusang away. Sumabay pa si Carlito sa kanyang mga problema.
"TANG-INA NAMAN, CARL! I'm just having money problems now! CAN'T I GET ANY SUPPORT? GANYAN NA BA?" sumigaw na si Lucas. At nakuha na nila ang atensyon na ibang kumakain.
"Miss, yung bill nga!" tinawag agad ni Lucas ang waitress.
"Don't you dare say this is about me! I've been supporting you all this time, pati yung pagpunta mo dito. TANG-INA, ako, oo lang ng oo!"
"Will you lower your voice?? Nakakahiya ka na!" sagot ni Lucas habang kumukuha ng pambayad sa wallet.
Biglang tumayo si Carlito at nagwalk-out. Hinabol ni Lucas.
"Come back here!" sinigaw ni Lucas sa kanya. Dinedma siya at tinuloy ang paglalakad. Hinabol uli hanggang maabutan at hinablot ang kanyang kamay.
"Pucha, don't make a scene here. Sa bahay tayo mag-uusap." Nang humarap sa kanya si Carlito, umiiyak na siya. Niyakap na niya at dinala sa kotse.
"Babe, ayoko naman na ganito tayo na lang lagi tayo. Away ng away." pati siya ay napapaiyak na rin. "I have so many problems, Babe. Kung alam mo lang." at naramdaman na lang niyang biglang bumuhos na rin ang kanyang mga luha.
"Anong problems? Ako ba ang problema mo?" tanong ni Carlito.
"No, Carl." at tuloy ang pagluha niya. "Carl, I am in deep shit."
"What are you talking about?"
"Carl, I'm sorry. I'm so sorry."
"Sorry for what? Ano ba, Luc? Ano na naman??"
"There's this girl. And..."
"Girl? As in babae? Huh?"
"Yeah, Carl, I think I got her pregnant."
- Posted using BlogPress from my iPad
1 comment:
Ambigat sa dibdib ng mga pangyayari. :(
Post a Comment