Sunday, January 22, 2012

fitting room 1

Napadpad siya sa isang sosyal na mall. Hindi niya madalas puntahan dahil mahirap makarating dito. Ilang sakay rin ang kailangan. At sosyal eto. Puro de kotse ang mga nagpupunta. Puro Ingles ang salita nila.

Dinayo niya kasi may panahon siya. At papunta rin naman siya ng Makati. Lumiligid siya sa mga shops. Talagang high-end. Yung iba, di na niya mabigkas ang pangalan. Ni pumasok, di niya binalak. Baka mapahiya lang siya pag pumasok siya. Pagdilatan ng sales girl na tadtad sa make-up.

Sa second floor, natuwa siya at nakita niya ang Bench. Salamat, may pamilyar na pangalan. Kaya ko eto, wika niya sa sarili. At naalala niyang gusto niyang bumili ng sando. yung kakaiba yung porma. Yung square ang collar.

Nakita niya sa gym suot-suot ng kanyang crush. Kahit mukhang pangbabae ang sando, bagay pa rin kay crush. Ganda kasi ng tindig at katawan niya. Naalala niyang pinagmamasdan niya si crush sa salamin, para hindi halata. At sabay niyang tinignan ang kanyang katawan. Di rin naman pahuhuli. May porma na. Marami na ang bumabati. Lalo na sa dibdib niya.

Ha. daig niya si crush sa dibdib. Nung nagsabog ang Diyos ng dibdib na malusog at matipuno, nakuha niya 'ata kalahati! Kaya pakiramdam niya, carry niya yung bagong style ng sando.

Pumasok sa loob ng Bench. Di kalakihan ang store na eto, kumpara sa iba, tulad ng Megamall. Maliit nga. Siguro kasi mahal ang renta dito, naisip niya.

"Good Afternoon", bati ng mga sales clerk, nakaputing shirt na may kwelyo. Mapa-lalaki o babaeng sales clerk, nakangiti at bumabati. Dumiretso siya dun sa estante ng mga underwear. At nilapitan siya ng isang lalaking clerk.

"Yes, Sir? Ano po hanap nila?, tanong niya. Napatingin siya kay clerk. Maganda ngiti kahit di naman kagwapuhan. Matangkad. At parang may katawan ring magandang nagtatago sa maluwag na shirt.

"Saan ba yung sandong, diretso ang kwelyo? Yung bago?", tanong niya habang nagmamasid sa mga display.

"Eto, Sir", dali-daling kinuha ni clerk ang sandong nakadisplay. "Eto po. Anong size, Sir"

"Siguro medium. para maganda ang fit", sagot niya habang tinitignan ang sando ng may kaunting alangan. Mukha ngang pambabae. Kaya ko kaya eto, inisip niya.

"Eto, Sir, gray na medium. Bagay yan sa iyo, Sir. Maganda ang dibdib mo", ngiti ni clerk.

Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang pakiramdam. Bumilis ang tibok ng puso niya. May iilang mga pagkakataon na nakakaramdam siya ng ganito. Pag nasa locker area siya. O pag nagpa-spa siya. Dun sa City Lifestyle. Eto ang kabog ng dibdib pag may magaganap na eksena. Pag nagkakaroon ng pagtatagpo ng mga mata ng nangungusap, nagaanyaya ng kaunting sarap. nakaw at patago. naramdaman niya muli sa tono ng boses ni clerk.

"Gusto niyo sukatin, Sir? Nandun po ang fitting room" sabay turo sa likod, sa kanto.

Tumango siya at sumunod kay clerk, na naunang pumunta sa fitting room.

Di niya maintindihan kung bakit may kabog sa dibdib niya hanggang pumasok siya sa loob ng silid.

Inabot sa kanya ang sando. At nakatayo sa labas si clerk. Sinara niya ang pinto. At hinubad niya ang shirt niya. Sinukat ang sando.

"Ok ba ang fit, Sir" tanong ni clerk.

Parang may sumapi sa kanyang kalandian. Binuksan niya ang pinto upang ipakita kay clerk. Nakita niya ang ngiti sa mga mata at labi ni clerk habang pinagmamasdan ang hugis ng katawan niya. Nararamdaman niyang tinitigasan na siya.

"Sabi ko na nga ba, Sir. Bagay na bagay sa inyo!" ang bati ni clerk sa kanya. Tinignan niya ang sarili sa salamin muli. Oo nga, maganda sa akin.

"Sir, ganda talaga ng chest niyo. Pwedeng pahawak?"

Nagulat siya sa tanong. Oo at maraming humawak, kumakapa sa kanyang dibdib. Ngunit hindi nangyayari sa mall. Sa club. Sa sauna. Ngunit di sa mall.

Napangiti lamang siya. Nilapitan ni clerk at dahan-dahang nilapat ang kamay sa dibdib niya. Nagpupumiglas sa brief niya ang kanyang matigas na ari. Lalo na ng dumampi sa utong niya ang kamay ni clerk.

"Hanep, Sir. Ang tigas na. Puro muscle." tinanggal rin naman agad ng clerk ang kamay niya. Lumayo. "Gusto ko rin ng ganyan sana. Laso parang mahirap lumaki ang chest ko"

Di siya makapagsalita. Nangiti na lang. Eto ba ay paanyaya? Paano naman? Nasa mall kami! Duty siya.

Pumasok siya muli sa fitting room. Di niya sinara ang pinto. Sa salamin nakikita niya na tuloy na pinagmamasdan siya ni clerk. Hinubad ang sando at sinuot ang shirt niya.

"Sige, kunin ko yan." pabulong niyang binigkas. Nalilito siya. Alam niyang libog na libog siya ngayon. Wala ang partner niya. matagal na rin siyang di nagpapalabas. Kaso, inuhan siya ng takot. Baka naman di ganun ang pakay nitong si clerk. Talagang humahanga lang.

Dali-dali siyang pumunta na ng cashier, kasunod si clerk. Inaayos ni clerk ang sando sa paglalagyan. "Thank you, sir!" bati muli ni clerk, bago umalis at iwan siya sa counter.

Kumakabog pa rin dibdib niya habang palayo ng Bench.

Nung pag-uwi niya, hinubad niya ang lahat ng damit at tumingin sa salamin. Siniyasat ang katawan. Tinignan ang kanyang chest. Unti-unting naramdaman ang pagtigas ng kanyang ari. Hinawakan, hinaplos.

at nung natapos, humiga siya at inulit niya ang eksena sa utak niya.

"Babalikan ko yung hayop na yun"



- Posted using BlogPress from my iPad

No comments: