Nagtagpo sila ni tisoy, si Nandy, isang linggo matapos ang O party. Nagtatawagan na at nagsasagutan sa text. Busy lang nung weekdays kaya di sila nakapagkita. Natuloy rin nung Sabado, sa Robinson's sa Manila.
Tisoy pa rin si Nandy sa liwanag. Mas maputi pa nga. At dun lang niya napansin na may konting tiyan pala. Pero ok pa rin naman kasi malaki ang bulas niya. At kapansin-pansin ang mga braso na malaki rin. Mabait pag nakangiti na. Pero pagseryoso, parang nakakatakot. Parang insabero. Mestizo kasi.
"Are you hungry?" tanong agad ni Nandy sa kanya.
"Ok lang. Meryenda tayo muna, at kape siguro." sagot ni Lucas. Tinagalog na niya kasi baka maubusan na siya ng Ingles. Narinig naman niyang nag-tatagalog rin si Nandy nung party. At nung narinig niya ang sagot na "Sige, maghanap na lang tayo ng coffee shop" ang sagot niya, nakampante na si Lucas. Hindi na siya mahihirapan.
Masarap ang kwentuhan nila ni Nandy habang nagkakape. Di na nga niya namalayan ang oras, at ang ensaymadang inorder niya. Malakas ang dating ni Nandy. May yabang at pagkasuplado na nakaka-akit.
"Nga pala, sorry kung hindi ako nakaka-reply agad sa text." banggit ni Nandy. "Tuma-timing lang. Baka mabasa ng partner ko."
Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Tama ba ang rinig niya, "partner"? Pero hindi niya pinahalata ang kanyang pag-alinlangan.
"Ah walang kaso yun. Gaano na kayo katagal?" tanong ni Lucas.
"Three years." sabay sa paghigop ng kapeng maligamgam na.
"Wow. Galeng naman. Uhmm. Open relationship ba kayo?"
"Hindi. Siguro tanong mo kung bakit ako nasa O party at anong ginagawa ko rito?" tanong niya kay Lucas. Napatungo lamang siya.
"Tinutulungan ko lang si Ate Jomay. Boss ko siya. Alam ni partner yun."
"Ah..Ok. Gets ko." sagot niya kahit hindi niya na-gets. Lokohan na lang kaya ag relasyon nila?
"Baka naman magkagulo kung... lumalabas tayo." tanong niya kay Nandy.
"Walang gulo. Ako bahala. Takot yun sa akin." may yabang sa boses ni Nandy habang nagsasalita.
Naniniwala siya sa mga salita ni Nandy. Malaking kaha. Malaki ang kamao. Kaya nitong bumuhat ng kamay. Marahil nga eh kontrolado niya ang partner niya.
"Ah ok. At wala naman tayong ginagawa. Kwentuhan lang naman." ang sagot niya.
Tuloy pa rin ang kwentuhan nila. Tungkol sa trabaho, sa pamilya, sa pinanggalingan. At ng tumayo sila at maglakad palabas, dun lang niya napansin sa kabuuan si Nandy. Dun niya napansin na sa slacks na suot, parang may malaking sorpresang nag-aantay sa kanya. Kahit maluwag ang pantalon, may nagsusumikip sa gitna, isang tambok na hiwalay sa tambok ng cellphone at ng panyo.
Nagpaalam na sila sa isa't-isa pagdating sa sakayan. PInauna niya si Nandy. Pumila para makasakay ng taxi. Siya naman ay tumawid na, lumakad sa mga nagdaraang jeepney.
Habang nakasakay siya. Napag-isipan niya ang mga kuwento ni Nandy. "Takot siya sa akin" ang naalalala niyang binanggit tungkol sa jowa. Napa-isip siya at muling bumalik sa isipan ang malungkot niyang kuwento tungkol kay Carlito.
- Posted using BlogPress from my iPad
1 comment:
oh Nandy. Pwede lagyan ng visual aid? Hahaha!
Post a Comment