Panga. Yun ang una niyang napansin kay Carlito. Malaki ang panga. Angular jaw. Lalaking-lalaki ang dating. Palibhasa'y iyon ang kulang sa sarili niya, natatawang inisip ni Lucas.
Una niyang napansin si Carlito sa isang sing-along bar. Pinagkakatuwaan ng mga bading na emcee. Ang cute kasi. At may porma naman ang katawan. At kung makangiti ay parang pagkatamis-tamis. Hindi typical na gwapo. Pero may sex appeal. At ang cute ng boses, lalo na pagtumatawa.
Tumatambay si Lucas sa bar na iyon nung single siya. Kilala na siya ng mga tao, ng may-ari. Kaya niyang pumunta dun kahit walang kasama dahil kampante na siya sa lugar. At para silang magbarkada na rin.
Pinagmasdan niya kung sino mga kasama ng cute na mapanga. Uuy, may kilala siya sa barkada! Si Rene! Date kaya niya si cute? Kausapin niya kaya? Tinamaan siya ng hiya. Bumalik na lang siya sa table ng mga kainuman.
"Type ko yun" sabay turo dun sa direksyon ni cute.
"Saan? Sino dun? tanong ni Boyet, habang nakatalikod upang makita ang tinuturo.
"Yun oh, yung kakakanta lang."
"Dun sa table ni Rene? Yung malaki ang panga?" sabay halakhak. Di pa man nila kilala ay nalait na. Ang bading nga naman.
"Eto talaga. Kala mo naman, kagandahan!" sagot niya.
"Plangak! Oh siya, gawan ng paraan." sabay tayo ni Boyet.
"Huy! Bakla! Anong gagawin mo?" habang hinihila ang kamay ng bading na nagmamadali, patungo sa table ni cute.
"Weh ano pa? Oh de magpakilala! At matapos na ang kakapantasya mo!"
"Ano ka ba? Hoy! Bumalik ka dito!" halos sinisigaw na ni Lucas kay Boyet. Kaso, dedma lang ang kaibigan.
Naupo siya at pinagmasdan ang pangyayari. Nakita niyang kinausap ni Boyet si Rene. Magkakilala naman sila. Pero hiyang-hiya pa rin siya. Di niya alam kung anong gagawin ni Boyet. Nanliliit siya habang pinapanuod na pinakilala si Boyet kay cute. Ilang sandali na lang ay pabalik na si Boyet sa lugar nila.
Habang palapit, kitang-kita na niya na nakataas ang kilay ng bading.
"Day, may date ang type mo. Sorry ka na lang." sabay upo at inom ng San Mig light. Nagsindi na rin ng yosi. Parang si Celia Rodrigruez lang kung makaporma.
"Bwisit! Di ko naman sinabing gusto kong makilala no?" sabay hampas sa braso ng kaibigan.
"Aba, de at least, tapos na ang ilusyon mo!" sabay halakhak ng malakas.
"Mabait ka talagang maldita ka!" at kinurot ng pino sa tagiliran. At sabay na silang nagtawanan.
"Pero may binulong si Rene sa akin. Date nung kasama nilang isa si cute, Carlito ang pangalan. Pero mukhang hindi naman raw type ni Carlito. Kapatid! May pag-asa ka!" tumili si Boyet.
"Gaga! Di ako mang-aagaw ng date, noh? Hayaan mo na sila. Teka, sinabi mo ba kay Rene na type ko?" tanong ni Lucas.
"Eh ano pa nga ba? Binulong ko lang sa lola mo. Kaya nga naikwento na nagde-date lang si Carlito at yung isa."
"Yuck! Nakakahiya! Bruha ka talaga!" halos sabunutan na niya ang bakla.
"Pa yuck-yuck ka pa diyan! At kailan ka pa naging kolehiyala? Magpakatotoo ka!" at inirapan siya ni Boyet.
"Huy, in fairness, di naman ako haliparot... masyado" at nagtawanan na naman sila. Bigla nilang napansin na parating si Rene sa table.
"Hola mga amiga!" bati ni Rene, at bumebeso-beso kay Lucas.
"Eto na ang korona mo, kapatid!" nagmuestra si Rene na may inaabot na korona sa kanya.
"Ha? Anong gimik yan?"
"Hahaha! Panalo ka, kapatid! Eto ang number ni Carlito. Ayan! Tawagan bukas, ha? Pero bukas na. Respetuhin ang date!" tawa ng tawa ang Rene, ang mother nilang lahat.
Inabot sa kanya ang tissue paper na may sulat ng cellphone number. Lumukso ang puso niya. Para siyang naka-jackpot sa sweepstakes. Napa-inom siya ng kanyang Red Horse. Mukhang maganda ang mangyayari bukas.
- Posted using BlogPress from my iPad
2 comments:
kaabang abang tong kwento ni Carlito.. part3 na daliiiiiiii
Now ko lng nbasa peo natuwa nmn ako...hehe
Post a Comment