"Tignan mo, ang bilis ng panahon, babe! Anim na buwan na rin, di ba?" at sabay niyakap ng mahigpit ang jowa. "Miss kita, sobra!"
"Miss rin kita, Babe. Ang tagal kaya! Anong mabilis? Hmmp" yun naman ang lambing ni Carlito sa kanya. Isang mahabang halikan ang sumunod.
Totoong na-miss niya si Carlito. Ang yakap at ang halik. Ang kanilang lambingan. Ang kanyang nguso pag nagtatampo. Ang amoy ng kanyang pawis. Ang buhok sa kanyang dibdib. Kahit minsan ay puro sagutan at away ang kanilang paguusap sa telepono. Iba rin magmahal si Carlito, Matindi at buong-buo. Mukhang nakakabuti sa kanila ang long distance. Mas lalo niyang pinangangahalagahan ang pagsasama nila.
Kahit ang pagtatalik nila ay kakaiba. Mas mapusok at matagal. Parang nung nag-uumpisa pa lang sila. Muli niyang ninanamnam ang kanilang pagsasama.
Nang matapos, nakayakap pa rin si Carlito sa kanya. "I filed for leave na next month. Ako naman ang bibisita sa iyo."
"Wow, really Babe? Naku kailangan kong paghandaan!"
"At ano naman ang paghahandang gagawin mo? Itatago mo muna yung mga ka-sex mo dun?"
"Gago ka!" sigaw ni Lucas, sabay halakhak. "Mabait ako, no? Gusto ko lang maayos yung kwarto ko. At ipaplano ko kung saan tayo papasyal. Excited ako, Babe!" at hinalikan muli ang jowa.
"Nagustuhan mo ba ang pasalubong ko sa iyo?" tanong niya kay Carlito.
"Hmmp. Pampataba naman yung mga binili mo. Hindi naman ako mahilig sa dried mango."
Nainis si Lucas. "Ang hirap mo namang bigyan."
"I'm just being honest, Babe. Anong gusto mo? Sabihin kong masarap pero itatapon ko lang?"
Lalong uminit ang ulo ni Lucas. "Ano ba namang attitude yan? Ni Thank you wala ka mang sinabi. Nakakabanas." at bumitaw na siya sa pagkayakap. Kararating pa lang niya, away na naman.
"I did say Thank you, no? Hindi mo lang narinig." at niyakap
siya ng mahigpit. "i'm happy you are back!"
Nanghalian sila sa unit lang ni Carlito. Pinagluto siya ng kanyang paboritong adobo. Iba ang adobo niya, tuyo at puro mantika, masarap na ihalo sa kanin. May kamatis at itlog na pula pa sa tabi. Talagang alagang-alaga siya ng kanyang mahal. At habang naghahain si Carlito, tumunog ang cellphone ni Lucas.
"Hav a gr8 time in mla" text sa kanya ni Paolo. Nangiti siya ng binasa niya, at biglang natauhan.
"Who's that, Babe? Nakangiti ka jan." tanong ni Carlito mula sa kusina.
"Ah wala, client ko. May pinapabili dito sa Megamall." at dali na niyang binulsa ang cellphone.
"So pupunta tayo ng Megamall Mamaya pala, Babe?"
"Yup. Miss ko na kahit pare-pareho lang ang itsura ng SM. Haha."
"Ok. Manuod tayo ng movie mamaya. Sasama ang tropa, okay lang?" tanong ni Carlito.
"Sure. Miss ko na rin sila."
Parang hindi rin siya nawala ng matagal. Back to normal ang buhay. Kahit nainis siya ng saglit kay Carlito, nabawi naman sa pagluluto at pagaaruga sa kanya.
At siyemre, maski ang sex kanina, hanep. Ang mokong, may sinubukang bago. Biglang nanguya ng ice habang bino-blow job siya. Kakaiba ang pakiramdam, ang lamig na may halong matinding sarap. At biglang pinipigil ang kanyang pag-cum. Kung kailan malapit na, biglang ititigil. Nabaliw siya sa bitin!
At habang sinasariwa niya ang umaga ng pagtatalik, naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone sa bulsa. Tinignan niya muna kung nasaan si Carlito. Mukhang nasa CR pa. Kinuha ang cellphone at binasa.
"Hi Bos. Mis kta. Balik k n." text ni Emily sa kanya. Shit. Ang kulit. Sabi ko na nga ba, magiging clingy. Dinedma niya ang text. Mas naisip niya si Paolo. Pero pinangako niya sa sarili niyang hindi niiya iisipin ang bata.
Lumipas ang Sabado at Linggo ng maaliwalas at walang-gulo. Walang away o tampuhan. Nagkita sila ng tropa sa Megamall. Nung linggo naman, umuwi muna siya sa kanilang bahay ay nakapiling si Nanay ng tanghalian. Nung hapon, bumalik siya sa unit ni Carlito at dun na natulog bago umalis patungong Cebu nung kalunesan.
Dinatnan niya ng kwarto niya kung paano niya naiwan. Maayos pa rin. Naligo lang siya at nagbihis. Magkikita sila ng ahente niyang si Andrew sa McDo.
At parang naka-schedule, nagtext na naman si Emily, nagtatanong kung tuloy ang team meeting mamayang gabi. Sinagot naman niya na pabalang. May pagsisisi sa mga nangyari.
Siya ang nagtext kay Paolo "Ei, im bak. :-)" pa-cute lang. Yung tama lang na magparamdam sa bagets. At nagtext na rin siya kay Carlito na maayos ang kanyang pagbalik. "I love you, babe" ang huli niyang text.
"Dats nice. :-)" sagot ni Paolo sa kanya. Mukhang pinapatulan ang kanyang pagpapa-cute. Natawa siya at umalis na ng bahay. Trabaho muna.
- Posted using BlogPress from my iPad
No comments:
Post a Comment