Wednesday, May 2, 2012

Carlito 7

Kasama niyang naglunch ang kanyang matalik na kaibigan sa opisina, si Tere. Dala-dala ang kanilang mga baon sa isang tabi ng food court.

"Wow, bongga. Ang cute niya!" tumili ang fag hag habang tinitignan ang picture sa cellphone ni Lucas.

"Shhhh. Gaga. Manahimik. Cute no?"

"Swerte mo naman! Pa-share naman" tinukso siya ni Tere.

"Anong 'kala mo kay Carlito, libro? Bag? Tse!" at nagtawanan ang dalawa, para lang mga haiskul. At biglang tumingin kung may nakarinig sa kanila.

Si Tere lang ang nakaka-alam sa kanya sa opisina. Mabuti na lang nga na may isang Tere. Kung wala siya, siguro nabaliw na si Lucas sa pagtatago sa opisina. Si Tere ang sekretarya ng kanilang boss. At dahil sa madalas niyang makapag-meeting sa opisina, dun nag-umpisang naging close sila.

Ngunit kamakailan lang nung nagsabi siya kay Tere. Nabuking kasi siya dahil sa isang makulit na nakilala sa online chatroom. Si Tere ang nakasagot ng tawag. Di na niya maiwasan nung tanungin siya ni Tere ng harapan, dahil pinpeste siya nung caller. Alam naman niyang mapagkatitiwalaan niya siya. Kaya binuo na niya ang kuwento para lamang sa kanya.

Di pa niya kayang magladlad. Sa totoo lang, di niya alam kung kailangan pa. Maganda ang takbo ng career niya. Ginawa siyang team leader ng mga ahente sa Quezon City. Tuwang-tuwa ang mga kliyente niya sa kaniya. Si boss naman, talagang pinagkakatiwalaan siya sa maraming bagay.

Naiinis lang siya sa mga tanong kung kailan siya kakasal. Siguro pinagsususpetyahan na rin siya ng mga tsismoso at tsismosa dun, lalo na sa ibang departments. Kasi, magandang lalaki naman siya. At magaling sa trabaho. Alam niyang mayroong nagkaka-crush sa kanyang mga babae. Dati nga, tinutukso pa siya kay Tere. Kung alam lang nila!

Pero mainam na rin na naging close sila. Napagbabalingan ng mga tsismis ang kanilang pagkakaibigan, hindi ang kanyang kasarian.

"Balik na ako sa puwesto ko. Sana makilala ko minsan si Carlito!" nagpaaalam sa kanya si Tere. "Fina-follow ni Sir Von ang report mo dun sa isang call. Ano na raw ang nangyari." pahabol niya.

"Ay oo nga pala! Mamaya na pala kailangan yun!" nag-panic si Lucas. At dali-daling naglipit ng baunan.

Ayan kasi, puro Carlito ang laman ng utak niya. Tatlong buwan na rin sila. Pagkaraan nung unang beses nilang nagtalik, naging sila na rin agad. Hindi na nila pinatagal.

Masaya at may kulay ang buhay muli ni Lucas. Nakagawa na sila ng schedule ng pagkikita. Sabay silang umuuwi pag TTh. Kakain muna sa labas, kung saan mapapadaan na mall. Pero madalas, sa Galleria. Kung wala namang kailangan tapusin, minsan manunuod ng sine. Pagdating naman ng weekend, magkasama na sila mula Sabado. At matutulog siya sa apartment nila Carlito, minsan hanggang Lunes na yun.

Lumalabas rin sila kasama ang mga barkada ni Carlito. Masaya rin namang kasama ang mga bakla. At unti-unti na rin niyang napapakilala sa mga barkada niya. Ngunit na tatanim sa isipan niya yung komento ng isa sa kanila, si Roel.

"Kapatid, masaya ka na ba?" seryosong tanong ni Roel nung party kung saan dala niya si Carlito sa unang pagkakataon.

"Oo naman! Sweet siya at maalagain."

"Eh kasi para naman napakatahimik niya. Di man lamang nakikipagchikahan sa amin."

"Naninibago lang. Alam mo namang galing probinsiya rin siya. Hindi pa siya sanay makisalamuha sa mga taga-Manila. nakoko-conscious." yun ang depensa niya kay Carlito.

"Huwell, ikaw naman ang jowa, hindi kami. Pero masaya naman kami for you." sagot ni Roel.

Napansin nga niya mula nun na hindi na niya nakakasama sila Roel at ang iba pa nilang mga barkada. Masaya man kasama ang friends ni Carlito, na-miss rin niya ang tawanan at laitan ng barkada niya. Kasalanan na rin niya. Kasi alam niyang hindi talaga kumportable si Carlito sa kanila. Na-iingayan raw. At masyado raw malalandi. Kaya siya na rin ang umiiwas sa barkada.

Ngunit masaya ang samahan nila ni Carlito. At masarap ang lambingan. Sa piling ni Carlito lamang niyang nararamdaman ang sobrang nakakabaliw na pagtatalik. Ibang klase rin ang libog niya. Kaya naman, ang putukan di lamang isa o dalawa bawa't pagsasama.

Isang araw, bigla na lang binanggit ni Carlito kay Lucas. "I'm so happy now. Sana, pwede kitang ilagay sa isang kahon ng posporo para lagi kitang dala. Para mag nami-miss kita, bubuksan ko lang yung matchbox at sasaya na ako." lambing ni Carlito.

Napatawa si Lucas. Ang cute naman. Mahal na mahal siya ni Carlito.

Nagtatagpo rin naman pala. Masaya sa love life. Masaya sa career. Blooming, wika nga ng iba. Wag na sanang magulo pa ang buhay.



- Posted using BlogPress from my iPad

No comments: