Friday, May 25, 2012

Paolo 1

Maliit lang ang CR ng mga guests sa building na yun. Isang urinal, isang cubicle. Isang salamin sa may hugasan. Natapos na siyang umihi, at pumila sa hugasan. Mukhang matagal ang bagets na nasa harap ng salamin, magaayos ng buhok.

Namukhaan niya. Nakita na niya dito sa building na eto ang bagets. Pansinin kasi may itsura. Cute, maputi.

Nasa likod siya ng bagets habang naghihintay. Sa salamin, napatingin sa kanya si bagets at napangiti. "Sorry po."

Napangiti rin siya. "Gwapo na. Hindi na kailangan magpagwapo." bigla na lang niyang binanggit. Napatawa ang bagets. At nagpa-cute pa lalo. "Ngiting aso... ngiting kabayo" gumawa ng mga ibat-ibang mukha habang nakatingin sa salamin.

Napatawa si Lucas. At tumabi na rin si bagets upang makapaghugas na siya ng kamay. Hindi umalis agad si bagets. Parang naghihintay. Ngunit lumabas na rin ng nagtutuyo ng kamay si Lucas gamit ang kanyang panyo. Paglabas niya ay nandun pa rin si bagets. Parang mabagal ang kilos. At nagpapansin. Nilapitan na niya.

"Unsang name mo?" tinanong niya sa kanyang mali-maling Bisaya.

"Paolo." at inabot ang kamay.

Nagmamadali siya. Hinantay na siya sa office ng kliyente sa 10th floor. Wala ng isip-isip. "Anong number mo?" tinanong niya. Mukhang iyon naman ang inaantay ni Paolo.

May kunwaring pagkagulat pa. Ngunit binigay rin naman. "I have to go. May appointment pa ako. Text kita." at pinindot na niya ang elevator paakyat.




- Posted using BlogPress from my iPad

2 comments:

Alex Tan said...

i like. subtle landi in the elevator. very Grey's Anatomy. haha

Follow me back sir.

www.toomuchdoctoring.blogspot.com

jaara28 said...

Very short but nice story