Wednesday, May 1, 2013

Lucas Chronicles: Joey 1

"Hey, ano ibibigay ko sa kanya?"

Natawa ang kausap ni Joey sa telepono. "Panic time na ba, teh? Sus! Ang hirap talaga pag first love evahhh! Wahaha" ang malakas na halakhak ni Sonny.

"Uy, seriously, ano kaya magugustuhan niya?"

"Get him something he needs. Yung magagamit niya sa job hunting."

"A new phone?"

"Sus, ginoo! First month-sary, cellphone agad? Di pwedeng load muna? Haha. But seriously, kapatid, don't get carried away! Ano ka ba? One month pa lang!"

"I know. Excited ako, sobra."

"Hay naku. Kasi naman, ang tagal mong naging manang at nagmongha. Ayan tuloy, para kang nakawala! Joey, hinay-hinay lang. Alam mo naman yang jowa mo"

At biglang pinutol ni Joey ang pananalita. "Ayan ka na naman, Sonny. Look, Luc has changed. Malaki rin ang nagawa nung gulo nila nung ex niya sa kanyang maturity."

"For your sake, I really hope so. Baka timba-timba ng luha ang iiyak mo dahil sa kanya."

"He'll prove you wrong. Mahal niya ako."

"Hindi ko pinagduduhan ang pagmamahal niya. Yung reputation lang niya kasi na saksakan ng kati. Hay! Anyway, kami naman ay pawang mga kaibigan lang. Nagbigay lang ng payo. Tanggapin o hindi."

"I appreciate that, Friend. Pero payuhin mo na lang ako sa ibibigay ko sa kanya."

"A simple new long sleeve siguro, ma-appreciate nun."

"Samahan mo ako bumili ha?"

"K fine. Etong nerd na 'to! Magdevelop ka na nga ng fashion sense! Parang hindi ka bakla! Hahaha!"


Maaga sa mall si Lucas. Gusto rin niyang bilhin ng kahit maliit na bagay si Joey. May isang buwan na rin sila. At dahil sa nangyari, nagpasya siyang hindi muna umuwi kay Nanay. Inextend niya ang sariling deadline ng 3 buwan pa. Baka sakali nga ay may sumagot na rin sa mga inapplyan niyang mga trabaho. Ang laking pasasalamat niya sa lahat ng tulong ni Joey sa kanya. Hindi man siya nagbabayad ng renta ngayon,nilinaw niya kay Joey na nililista niya ang lahat ng utang na niya. At makakabayad rin siya.

Naglalakad siya sa loob ng mall, ang mall na kilala rin sa dami ng mga bading na umiikot-ikot. Ang dami ngang kakalat-kalat, nag-iisa, naghahanap. Kung makatingin ay malagkit pa sa Elmer's glue. Nakakabilog rin ng ulo na nakakakuha pa rin siya ng mga lingon, kahit hindi na siya nakakapag-workout. Sa bahay na lang, puro push-ups at abs lang. At mabuti na rin na wala siyang trabaho, napilitan siyang magtipid sa pagkain. Kaya naman may hugis pa rin ang katawan niya.

Ngunit iba na ang estado niya ngayon. At kahit may mapang-akit na mga lalaking lumiligid sa mall, hindi na lang niya pinapansin. Muna. Hindi niya muna papansinin. Ayaw niyang magulo ang buhay nila ni Joey. Habang nagmamasid-masid siya sa mga shops, may narinig siyang tumatawag sa kanya.

"Lucas!"

Napalingon siya at nakita niya si Mama Rene niya.

"Uy! Anong ginagawa mo rito?" ang pambungad niyang bati.

"Ikaw! Anong ginagawa mo dito? Wala na akong balita sa iyo."

Bigla siyang nahiya at naalala niya na hindi na siya kumontak sa kanya o sa tropa man lang.

"Wala, window-shopping lang." At dun niya napansin na may kasama si Rene, isang bading na may edad na.

"Asus. Humahada ka, 'no? Wahaha"

"Hindi no. Behave ako ngayon. Wala pa ring work."

"Ah talaga? Nga pala, si Claude, friend ko from way back."

Inabot ni Claude ang kanyang kamay na sinalubong naman ni Lucas ng mahigpit.

"Lucas, po."

"Naku, wag mo na akong igalang! Nagpapabastos rin ako, tulad ni Rene." sabay halakhak silang lahat.

"Oo, kahit na kagagalang-galang ang itsura niya. Ganyan talaga ang mayaman. Hindi bastusin ang hitchu!" sabat ni Rene.

Natawa na lang si Lucas. At inabutan siya ng card ni Claude. 'President & CEO' ang nakalagay ng isang kumpanya.

"Ahh what company po kayo?"

"Ayan na naman. Isa lang yan sa mga companies ko. Start-up website development yan. Pero yung main company ko sa advertising." sagot naman ni Claude.

"Ah masaya ang advertising."

"Naman! Wait, wala kang work? Anong tinapos mo?"

"Marketing course ko. Nasa sales ako sa last job ko."

"Ah ok. Sige, tawagan mo ako. I'll ask kung may opening kami."

"Wow! Sige po... I mean sige, Sir. Tawagan ko kayo next week."

"Ayan na naman ang paggalang. Rene! Pagalitan mo nga eto."

Sumagot si Rene. "Lucas, please stop that! Wag mong pinararamdam sa amin ang age namin!"

"Hahaha, yeah. Sige, Claude. I'll call you. I really appreciate this. Kahit anong opening."

"Naku, baka ibang 'opening' ang ibigay ko sa iyo!"

"Hahaha, kahit ano nga, Claude, kahit janitor."

"Haha, ok. Sige."

"O siya, mauuna na kami para makahada ka pa!" sumingit na si Rene sa usapan.

"Sige, see you! Nice meeting you!"

Habang palayo sila ay nabuhayan ng loob si Lucas. At na-enganyo siyang maghanap ng pang-regalo kay Joey. Isang T-shirt ang naisip niyang ibigay, kahit mura lang. At ilang sandali lang ay nagtext na rin si Joey. Malapit na raw siya.


"Oh ang ganda ng ngiti mo! Is that because month-sary natin?" masayang pagbati ni Joey.

"Hahaha oo naman, baby." at sabay-yakap sa kanya.

"Uy, baka may makakita. " paalala ni Joey.

"Eh ano ngayon, wala naman na ako dun sa company na yun."

"Eh ako?"

"Ay. sorry baby. Nga pala. I got this for you." at inabot ni Lucas ang shirt kay Joey.

"Uy, salamat, Baby! Ako rin.." at dinukot ang naka-wrap na regalo sa bag.

"hahaha Parang christmas lang. Exchange gift!" sagot ni Lucas. Ngunit napansin niyang napakaganda ng pagka-wrap ng regalo. Nahiya tuloy siya dahil hindi man niya napabalot ang regalo niya.

"Saan tayo kakain?" tanong agad ni Joey.

"Baby, sa Food Court na lang. Para hindi magastos."

"Lucas, it's my treat. Kahit saan."

"Ok lang, Baby. Sa Food Court, marami choices."

"Ok, Baby. Tara."

Habang naglalakad sila, hindi maiwasan ni Joey na mapansin ang mga humahada-hada sa mall, at ang mga tingin sa kanila. Lalo na ang mga tingin kay Lucas.

"Baby, kanina ka pa ba sa mall?"

"Yeah, was looking for a gift. Tapos nasalubong ko si Mama Rene."

"Oh ano balita sa kanya? Tagal na ring walang kontak."

"Mukhang ok naman siya. May kasama siya. Older guy. Entrepreneur-CEO. Si Claude. Nakilala mo na ba yun?"

"Claude? Hmmm. Hindi ko kilala yun. Anong company?"

"Advertising daw. Baby, baka may opening raw sa company niya. Wish me luck. I'll call him raw next week."

"Wow! That's great, Baby. Sige. Pray natin yan."

"Mukhang ikaw nga ang swerte sa buhay ko, Baby."

Biglang nag-blush si Joey at napalingon palayo.

"Uy, nahiya ang Baby ko." tukso naman sa kanya ni Lucas.

Binaling ang tingin at inaba ang usapan. "Pili ka na ng kakainan."

"hahaha Mahiyain talaga ang Baby ko!" at naghanap na rin siya ng gustong kainan.

Pinagmasdan ni Joey si Lucas habang nag-iisip at namimili. Napakaswerte niya talaga at napili siyang mahilin ni Lucas. Ibang klase ang saya sa puso niya.

- Posted using BlogPress from my iPad

No comments: