ako'y napangiti nung nabasa ko ang comment ni fellowfab mcvie. bakit nga ba may "warning: religious post" ang aking mga post tungkol sa aking pananampalataya? bakit walang warning pag ang post eh tungkol sa sex-capades ko?
simple lang ang sagot ko. weird pero simple.
pakiramdam ko, nakilala ako sa blog bilang isang taong mapaglaro at mahilig sa seks dahil yung mga posts ko nung unang panahon ay puro mga bookings ko, habang ako ay nasa relasyon pa. ang pakiramdam ko, ganun ang tingin nila sa akin. at yun na rin ang expectation.
kung ganun, baka sila ay ma-offend or ma-turn-off kung may mga posts ako tungkol sa aking relihiyon. kaya ayun, may 'warning' para wag na nilang ituloy ang pagbabasa.
weird nga no? sige, paglilinay-linayan ko kung may katwiran pa rin ang aking pag-iisip at kung dapat ko pa ring ilagay yun.
2 comments:
hindi naman ako na-turn off. hehe. may somehow religious post din ako, Sunday kasi, kagagaling lang sa samba. :)
oo nga naman!
naglalagay ka kasi marami ang baka mag nose bleed sa mga nakasulat,so tama lang yan!chos!
Post a Comment