Sa Lamin
Sa tapat
ng kuwadrong umaaninag,
sinubukan mo
ang isang kamisadentro.
Tinimbang
ang dantay
ng manggas sa balikat.
Sinipat
ang yakap
ng tabas sa katawan.
Dinama
ang haplos
ng tela sa balat.
Tinantiya
kung sapat
ang lugod na dulot.
Sa harap mo
ako
matamang naghihintay,
nakaantabay
ng iyong pag-ayon.
a poem written for me.
i was so touched.
arigato gozaimasu
7 comments:
haiku?
sa laman?
:)
What dyou think it mean?
NICE poem. i love it.
maraming salamat!
TOROOOOY!
wow.. you can speak japanese.. and i believe thats not a haiku..
Post a Comment