Saturday, February 4, 2012

ang O party 2

"Shit. Mala-late ako." Nasa party pa ng opisina si Lucas. Nagkakasayahan pa. Halos katatapos pa lang kumain. Tuloy ang karaoke sa isang tabi. Si Lita, nagpupumilit na bumirit ala Regine. Kaso, labas na ang litid sa taas ng nota ng kanta. "Shine. Shine" pilit pa ring inaabot.

Nasa Malabon ang party niya. Nasa Malate ang party ni Jomay. Malayu-layo ang destinasyon. Ok lang naman, basta masabing nakapunta sa isang O party. Di na niya napapansin na sumasayaw sa harap ang lesbiyanang si Joey. Napatingin siya dahil sa malakas na hiyawan. Si Joey talaga, hindi mo naiisiping babae. Lalaking-lalaki ang asta. Daig pa siya. Sa porma, sa pananalita. Ni boobs di mo maaninag. Kaya siguro mataba siya, para mukhang bilbil lang ang boobs niya. Natawa siya sa sarili.

Di siya makakaalis hanggang di natatapos ang exchange gift. Hay. Ang bagal ng takbo ng party. Kung pwede lang tanggalin ang plug ng karaoke na yan. Basag na rin ang eardrums niya.

Lumapit si Anna sa kanya.

"Hoy, ano ka ba? parang aligaga ka diyan!" banggit ni Anna.

"Ay, sorry naman. May iniisip lang."

"Sa Christmas party, may iniisip ka pa? Ano ba yan? Tara, sayaw tayo!" at bigla siyang hinugot ni Anna papunta sa gitna.

Kung di ka lang boss, inisip niya sa sarili. Kaya napasayaw si Lucas, pangiti-ngiti pa. Ngunit ang utak niya ay nasa kabagalan ng relo.

"Exchange gift na!" sigaw ni Butch.

Kinuha niya ang regalo niya sa lamesa. Tinignan niya ang pagkabalot. Maganda ang disenyo! kakaiba. Proud siya na gawa niya yun. Ngunit bigla siyang nailang nung nakita niya ang regalo ng iba. Simpleng-simple ang pagkabalot. Nahiya siya na pang-display ang pagka-wrap niya sa regalo niya. Baklang-bakla.

Nagbigayan ng gifts habang nakapalibot silang lahat. Sabay-sabay ang pagbukas. Ang regalo niya ay anim na baso mula sa SM. Ano nga ba ang aakalain niyang regalo sa kanya, sa halagang P400? Pero siyempre, nakadikit ang ngiti. At mabilis niyang pinasok sa bag.

"Magpapaaalam na ako. May isa pa akong Christmas party", pabulong na sinabi ni Lucas kay Chin-chin, ang girlfriend ni Butch.

"Ah talaga? Nabusog ka ba? Sige, ingat ka! Alam mo na bang palabas?" tanong ni Chin-chin.

"Oo naman. At may dumadaang tricycle sa kanto niyo, di ba?

"Oh basta ingat at Merry Christmas, Luc" sabay beso sa kanya.

Alas otso na ng gabi nung nakasakay siya ng taxi. Ang hirap kumuha dun sa Malabon. Madalang ang daan. Halos murahin na niya ang isang taxing dumaan na hindi man siya pinasakay. Mabuti na lang at sa kabilang kanto, may bumaba ng taxi. Dali-dali niyang sinakyan. Walang imik ang driver.

"Kuya, sa Malate tayo. Mag-Avenida na tayo tuloy-tuloy hanggang Maynila."

Sana umabot siya sa usapan nila ni Kim na 9pm sa may 7-11 sa Vito Cruz. Kawawa naman yun kung maghintay. Di pa naman sanay sa Maynila yun.

Koreano kasi si Kim pero may tatlong taon na rin sa Pilipinas. Nakilala niya si Kim sa Mister Piggy's. Ang cute ng Koreano. At nakakaintindi na ng Tagalog. Maraming may gustong mag-uwi kay Kim nung gabing yun. Pero sila ng kanyang ex ang nagwagi. Sila ang nakatikim ng kimchi. Mula nun, naging kaibigan niya si Kim sa landian. Parang hayuk na hayok sa laman. Supot naman. Natawa naman siya habang umaarangkada ang taxing sinakyan niya.

Sumakay si Kim sa taxi pagkita sa kanya. Nakasuot lang ng tshirt at jeans si Kim. Pero cute pa rin. Tiyak na pagpipiyestahan siya mamaya! At hindi siya mapapahiya kay Jomay.

"Im sorry Im late! The party took so long", paumanhin niya kay Kim.

"It's ok, Luc. No problem!" sabay ngiti ni Kim.

Dumating sila sa condo ni Jomay, halos mag-alas diyes na rin. Nagdoor bell. Ang bumukas sa pinto ay isang tisoyin na lalaki, malalim ang boses. Inglisero pa.

"Are you here for the party?" tanong ni tisoy.

"Yes, ahmm. we are guests of Jomay." sagot ni Lucas.

Pinapasok sila sa loob ng condo. Ang dilim. Ngunit makikita mo ang koleksyon ni Jomay ng mga antique. Para ngang nakakatakot. Ngunit isa lang ang napansin niya. Bukod kay Tisoy, sila lang ang tao sa sala. Tama ba ang pinuntahan namin?

Lumabas si Jomay mula sa kwarto, tinawag ni tisoy. "Hola chika de patatas!" sigaw na pagbati ni Jomay.

"Jomay, this is Kim. He's Korean." sabay shake hands. At mapapansin mong natutuwa si Jomay sa itsura ni KIm.

"Come, come. Maaga kayo pero may aksyon na dito!" pumasok si Jomay sa kwarto niya.

Pagpasok nila, nakita nilang may tatlong lalaki ng nasa kama, nakahubad, Naghahalikan ang dalawa, habang ang pangatlo naman ay nakayakap sa likod.

Nagulat si Lucas sa nakita niya. Tinignan sila ng mga nasa kama.

"Join us. Take your clothes off" sabi ng isa.

Nagtinginan sila ni Kim.

"Ill leave you muna ha?" pangiting nagpaalam si Jomay, sinara ang pinto paglabas.

Sasabak na ba sila?